Waah! Schoolday's na naman! Bakit ba kasi ang bilis dumaan ng weekend? Dahil weekday's ngayon, kailangan ko nang bumangon ng maaga, 7:30am kasi ang time ng klase namen. By the way, i'm Casey Esteves Imperial, isang College student.
Pagbaba ko sa kotse, nagkakagulo agad yung ibang girl's sa may Hallway. Aga aga yon agad inatupag? Nang mapansin kong, si Stephen Cruz pala ang pinagkakagulohan nila.
Siya ay isa sa mga lalaking hinahangaan sa university na to. Pano ba naman, gwapo, mayaman, matalino, vocalist pa ng banda nila.
Nakisali ako sa mga babaeng nandodoon, eksaktong pagtayo ko, napatigil ang dalawang babaeng kanina nakiki tili din. Tinignan lang nila ako, aba. Makatitig wagas ah?! Kaya inirapan ko sila.
Umalis na ko sa grupong yon na nagkaka gulo. Papunta na sana ako sa Department ko, pinagtataka ko lang, saken sila halos nakatingin. Kaya, super curious ko ngayong umagang to.
Narinig ko naman na pinag uusapan ako ng ibang kababaihan.
"Oy? Alam niyo na ba ang chismis?" - girl1
"Ah, na si Casey at Eduard ay may Relasyon?" - girl2
"Ano ka ba, kalat na kalat na yon noh!" - girl3
"Grabe, naakit nya na nga si Eduard, mukhang si Stephen balak niya ding agawin saten?!" - girl1
Aba, kung pwede nga lang eh, aakitin ko talaga si Stephen noh. Pero teka?! Never naman kay Eduard noh! Atsaka, ano ba yang mga pinagsasabi nila?! Nakakainis na ah!
Breaktime, actually, lunch time na din yon eh. Nandito ako sa canteen kasama ang kaibigan ko, si Lhian, since High school pa kame magkaibigan.
Naghahanap kame ng pwedeng mapwestuhan ng bigla namang lumapet si Eduard kasama ang co-player's niya.
"Hi bhabe?" - he smiled, then pinisil niya ang pisngi ko. Agad ko namang inilagan yon.
"Ugh! Ano bang problema mo, pa bhabe bhabe ka pang nalalaman dyan. Ang kapal talaga ng mukha mo noh, tara na nga Lhian, wala na akong gana."
"Pero cas--" naputol ang pagsasalita ni Lhian ng harangan sya ni Eduard.
"Ganyan ka ba makitungo sa Boyfriend mo ha?" - eduard
"Aba ang kapal talaga ng mukha mo ano?! Pwede ba, wala akong panahon sa mga kalokohan mo, kaya please lang tantanan mo ako. Excuse me." binangga ko sya ng umalis ako. Hay naiwan tuloy si Lhian.
Hanggang matapos ang klase, di ko pa din mkalimutan yong nangyare kanina, sa sobrang pag iisip ko, di ko namalayang nbangga na pala ko.
"Aww. Ano ba yan." - ako. Habang hinihimas ang noo ko.
"Ah, ok ka lang ba?" ..
Ah? Ang boses na yon? Si Stephen! >.<
"Ah eh. Oo, ok lang ako, sorry pala ah."
"No it's ok. Kung anu ano kasi iniisip mo eh."
"Ha? Sorry talaga ah."
"Haha, ok lang yon, oh sige, i'll go ahead na. Bye" with matching kindat pa.
Hay! Feel ko sasabog ako sa sobrang kilig ko eh.
*ring. .ring. .ring. .
Back to Reality ako ng marinig kong tumutunog ang phone ko. Tsk. Bwisit, si Kuya Chester lang pala.
"Oh bakit?" tanong ko.
(Hmm? Bad mood agad?)
"Ano bang kailangan mo?"
(Aysh. Si princess talaga, ahm, nga pala, pupunta ka ba bukas sa grand opening ng new company nila papa?)
"Ano bang tanong yan?! Ofcourse YES!" Pinagdiinan ko talaga ang yes. Kasi naman.
(Haha, actually napatawag lang ako para kamustahin ka. Ok sige princess, i'll hang up na. See you tomorrow, bye.)
*end*
See you tomorrow daw? Aba? Walang balak umuwe? Tss. Hay naku Casey! Di ka pa nasanay. Alway's maid na lang ang kasama ko.