Na stuck kami sa traffic palabas ng Up Town. Hirap naman nito. Nakakabingi na katahimikan. Para din kasi akong naputulan ng dila dahil nga sobrang awkward at conscious ko. In short - mukha akong ENG ENG!
Hindi na siguro nakatiis si T dahil binuksan niya na ang stereo at nagpatugtog. Para siguro may ibang sounds kaming maririnig bukod sa sagutan namin nang banayad niyang paghinga at buntong hininga ko. Sinamahan pa ng sound effects ng lakas ng hangin at hagupit ng nag iinarte na langit. Iyak ng iyak. Papatayin ko ang nag bigay ng pader sa langit. Binigyan ng motivation para makapag - walling! Walang awat ang pagluha. Daig pa ang namatayan ng jowa.
Humigit ulit ako ng malalim na hinga. Tinignan ko si T, naninikip ang dibdib ko. Mukhang ako lang naman kasi ang apektado sa presensiya niya. At parang hindi naman siya na bo-bother sa kagandahang taglay ko.
Ang gwapo niya sa suot niyang yellow v-neck shirt na hapit sa oozing body niya. Kita ko yung biceps. Firm yun, pero hindi nakakatakot na mukhang bato bato. Katamtaman lang yung kay T ko. Sakto lang para ma-protektahan ako. Kanang kamay niya lang ang may hawak sa manibela. Patapik tapik ang daliri niya na sumasabay sa tugtog. Passenger's seat ang OST namin ngayon. Nakaka -kilig tuloy lalo. Nakakasuka ng hearts 💕 and flowers!
Tinignan ko ang mukha niya mula sa rearview mirror.
Ang gwapo. May kakapalan ang ayos na kilay. May kalat oo, pero maayos siya dahil hindi sabog sabog ang tubo. Ang ganda ng mata, siguro mahaba ang pilik mata niya. Mapanga. Lalaking lalaki ang datingan. Bumaba ang mata ko sa labi niya. Medyo manipis iyon na mamula mula. Kahit madilim alam kong moisturized. Pinasadahan ng dila niya ang labi niya. Gosh! Inaakit niya ba ako? Aware ba siya na I was ogling every part of him?Napalunok ako when I saw him gently pursed his lips at lumunok siya ng laway. Lumabas ang dimples niya. My goodness, gracious! Pa simpleng napahawak ako sa lalamunan ko. Parang nauhaw ako bigla.
Alam kong para akong sira. Tensyonado na ako, pero siya, relax na relax lang. O edi siya na. Siya na talaga ang wapakels sa kagandahan ko!
Napairap ako sa naisip. Nakakainis! Unfair.
Tumingin ako sa phone ko. 9:45pm na, ibig sabihin 30mins na simula nang nakasakay ako sa kanya, pero wala pa ring nangyayari sa amin. Este, wala pa din kaming nararating. Stuck pa din kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung ituturing ko ba na blessing ito, dahil after 3 weeks nasakyan ko ulit siya. O sumpa, dahil mukhang siya na yata ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Nakakalimutan ko na kasing huminga.
Napapiksi ako sa gulat ng nagsalita siya.
"Mukhang ginabi po yata kayo, ma'am?"
Alam niya ba na 6am - 3pm lang talaga ang pasok ko? Paano niya nalaman? Admirer ko ba siya?
"Hmm. Paano mo nalaman?"
Nata-tanga na tanong ko. Natawa naman siya na para bang bumato ako ng punch line na nakakatawa.
"Kasi ma'am gabi na po kayo nakapag pa book. Tanda ko po, mga 5am ko kayo naihatid noon dito e. I just assumed that your off will be around 4pm or 5pm. "
Sinapok ko ang mga bugs sa loob ng utak ko. Mga paasa sila. Tina-tanga nila ako. Oo nga naman, ang aga aga niya ako nasakay noon.
"Ah, Oo. 6am - 3pm lang talaga ang work schedule ko. Nagka-OT lang kami ng wala sa oras, kaya medyo ginabi ako ng uwi."
"Ah. Bakit naman hindi kayo nagpasundo sa boyfriend ninyo ma'am?"
Ay. Confirmed! Flirt nga ang isang ito. Parang nanghina ang mga insekto na kanina lang, ay aktibo sa pagkiliti ng hypothalamus at tiyan ko. Nakaka-turn off. The way he asked me is the subtle way of indirectly asking if I'm still single or not. If I'm in with the flirting he offers.
BINABASA MO ANG
This I Promise You
General FictionMaria Criselda Gomez Story Sabi nila, bawat tao daw parang kaldero. Lahat daw may takip. Lahat may nakatakdang kapareho. Pero paano kung 28 na taon na simula nang magsaing ka, mapapanis na ang sinaing pero wala pa din ang takip ng kaldero mo? Hangg...