Pag-ibig

594 7 1
                                    

Ano nga ba ang PAG-IBIG?

Para sakin, ang pag-ibig ay parang pagsugod sa malakas na ulan. Na wala kang dalang payong sa gitna ng kawalan. At wala kang kasiguraduhan, kung may isang tao pa bang maliligaw, upang ikaw ay sukuban at payungan. Sa gitna ng malakas na unos ng kalungkutan.

  Ang pag-ibig ay parang sugal, sugal na walang katiyakan kung mananalo ka ba. Sugal na kailangan mong tumaya at pumusta. Pero minsan di mo namamalayan, na yung dala mo palang puhunan ay paubos na.

  Ang pag-ibig ay parang tulay, tulay nagdudugsong sa dalawang pusong naghahanap ng daan. Tulay na kung minsa'y maaari kang mahulog at masaktan, tulay na magtatawid sa dalawang pusong naliligaw ng daan.

  Ang pag-ibig ay parang dagat. Dagat na sa sobrang lalim ay kaya kang lunurin nito. Dagat na kung minsan ay mababaw kaya't pipilitin mong makarating sa kailaliman upang mailangoy ng maayos yung langoy na nais mo. At sa bawat hampas ng alon, ay unti-unti ka ng binabalik sa dalampasigan, nang walang kasiguraduhan, kung kasiyahan o kasakitan ang pwedeng dala-dala mo.

  Ang pag-ibig ay parang isang awit. Awit na tila ba isinasabuhay ang bawat alaalang binubuo ng kagalakan at kabiguan. Pero ang mas higit sa lahat, isang awit na mayroong umpisa. At kailangan pa din wakasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Words Poetry's TagalogWhere stories live. Discover now