-Chapter 7-

830 33 9
                                    

NAHINTO si Zander sa pagsakay sana sa lift ng elevator nang makitang sakay niyon sina Gretchen at Frank. He saw the little smile that came across his ex-girlfriend's lips. He didn't bother to smile back at her; he kept a straight face instead. It was the first time that Zander had seen Gretchen again after she married Frank. Anon'g akala nito? Pinatawad na niya ito sa ginawa sa kanya?

"Hey there, Zander," wika ni Uncle Frank na inakbayan ang bago nitong asawa, possessively. Nakangisi pa ito. Para bang ipinamumukha nito talaga sa kanya na naagaw nito sa kanya ang babaeng mahal niya! O minahal. Whichever.

Naikuyom ni Zander ang mga kamao. Ang sarap lang basagin ng pagmumukha nito!

"Kumalma ka lang, VP," mahinang sabi sa kanya ng executive assistant niyang si Arthur Hernandez. Arthur always called him "VP" short for Vice President instead of Sir Zander or Mr. Samaniego. Tatlo nga naman silang Mr. Samaniego sa kompanyang iyon. Si Don Luis, siya at si Frank na kahit half-brother ng kanyang ama ay tinaglay nito ang apelyidong "Samaniego".

Zander took a deep breath to calm his nerves. Kung pagaganahin niya ang init ng ulo ay may uuwing basag ang mukha sa kanilang dalawa ng Uncle niya. Hindi lang 'yon, magiging topic na naman sila ng tsismis sa buong kompanya. Hindi pa nga masyadong humuhupa ang tsismis na kinabibilangan nilang tatlo. At kanina sa elevator ay talagang ipinangangalandakan sa kanya ng magaling niyang tiyuhin na isa siyang dakilang talunan! At hindi talaga matanggap ni Zander iyon.

Kahit hindi niya gustong makasama ang dalawang traidor sa iisang lugar ay binalewala na lang niya iyon. Besides, it would only take a little less than three minutes to get into his office floor. Pumasok siya sa lift kasama si Arthur. Zander pretended that two traitors didn't exist at all.

"The next board election will be in less than eight weeks. Good luck, Zander!" Gustong sapakin ni Zander ang mukha ng tiyuhin para burahin ang nakakalokong ngisi nito. Tinapik din ni Frank ang balikat niya bago ito tuluyang lumabas ng lift nang marating ang palapag ng opisina nito sa 14th floor.

Zander didn't blink an eye nor said anything. Basta diretso lang ang tingin niya sa lalaki. He tried his best to ignore his provocation. Alam ni Zander ang gusto nitong mangyari. Kapag pinatulan niya ang pang-iinis nito, mauuwi na naman sila sa gulo. At hindi maganda iyon para sa imahe niya. Ilang beses na silang nagkaroon ng matinding alitan ni Frank— noong panahon na nabulilyaso ang negosasyon niya kay Mr. Tenco. At nang mabalitaan ni Don Luis ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang tiyuhin ay siya pa ang sinisi ng ama. Kesyo daw, masyadong mainitin ang ulo niya at mapagpatol siya. Sa simpleng biro ay napipikon na siya. Siya pa ang pikon? Natural! Siya na nga ang ininsulto! Sinabi sa kanya ni Frank na hindi niya magawa nang maayos ang isang simpleng trabaho. Na kung ito raw ang nakausap ni Mr. Tenco ay agad nang nakuha ng Stellar ang property na ipinagbibili ng Tsinoy. Ang sabi pa ng kanyang ama, kesyo, hindi na raw niya nirespeto ang sarili niyang tiyuhin gayung mas matanda ito sa kanya.

Tangina! Kung ganitong klase ng tao na gaya ni Frank ay hindi karapat-dapat na respetuhin!

"It's good to see you again, Zan," ang sabi naman ni Gretchen sa kanya bago lumabas sa lift. Muling ngumiti ito sa kanya. Gretchen looked at him for a long while and it seemed like she wanted to tell him something but her husband butted in.

"Let's go, Gretchen!" tawag ni Frank kay Gretchen. Mabilis namang sumunod ang babae dito.

Nang marating ni Zander ang 15th floor kung saan naroon ang opisina niya ay nagmamadali siyang naglakad patungo roon.

"I swear I'm gonna kick that man's ass once I get the chance!" gigil na sabi ni Zander sa inis nang marating ang kanyang opisina. Halos tadyakan ang couch na nasa harap niya.

Ang pagsasabi ni Frank ng "Good luck" sa kanya ay alam niyang sa painsultong paraan. Para bang siguradong-sigurado na si Frank na ito ang magiging kapalit ng kanyang ama bilang pinuno ng Stellar Holdings.

"Hayaan mo na sila, VP. Ang kailangan mong isipin ngayon ay kung paano mo makukuha ang CEO position na nararapat para sa'yo," wika naman ni Arthur.

"How would I do that? Alam mo kung ano ang gustong mangyari ni Don Luis bago ko makuha ang posisyon niya as Chairman of this Company!" inis na napasuklay siya sa buhok.

"Why don't you consider your father's proposition to you? Like what Don Luis is saying, all you have to do is marry the woman he chose for you and then voila! Siguradong ikaw na ang Chairman ng Stellar!" Ang sabi ni Arthur sa among mainit ang ulo na may kasama pang pagpitik sa ere.

Napailing-iling si Zander. Partial sa suhestiyon ng executive assistant. May anim na taon na silang magkasama sa trabaho ni Arthur. Bukod sa professional relationship nila ay masasabi ni Zander na magkaibigan na ang turingan nila sa isa't isa. Ang mga suhestiyon at payo nito ay pinakikinggan niya. Nobody in the company knew about Don Luis's desire for Zander to marry Juliana Carreon except from Arthur because it's a family matter. Dahil malaki ang tiwala niya kay Arthur, nasabi niya rito ang tungkol doon.

"Juliana Carreon would be a perfect wife for you. Hindi ako makapaniwala na hindi mo siya kilala gayung madalas siyang laman ng TV at magazines. Nagkalat din ang billboards niya sa Edsa."

"Alam mong hindi ako nanonood ng TV o nagbabasa ng fashion magazines! Paano ako magiging pamilyar sa kanya?" bulyaw ni Zander kay Arthur na magkasalubong ang mga kilay. Hindi naman talaga siya mahilig manood ng TV. Kahit ang mga palabas ni Gretchen ay hindi rin niya pinapanood kahit noon pa. He didn't even have any social media accounts. Kung bubuksan man niya ang kanyang laptop o ang kanyang cell phone, stock market ang pinagkakaabalahan niya.

Nagkibit-balikat si Arthur. "Kung okay lang sa'yo na si Chief Frank ang pumalit sa puwesto ni Chairman, ikaw ang bahala. Desisyon mo 'yan."

Masama ang tingin niya kay Arthur. But then he had a rational point.

Nauwi sa malalim na pag-iisip si Zander. Napahimas pa siya sa kanyang baba. He wanted the Chairmanship so bad. It was his birthright. Dapat lang na siya ang pumalit sa puwesto ng kanyang ama.

Also, marrying Juliana is like hitting two birds at the same time. Kapag siya na ang bagong pinuno ng Stellar, tiyak niyang magngingitngit sa galit sa kanya si Frank. Zander wanted to crash the asshole's dream! At sigurado din siyang malaki ang panghihinayang na mararamdaman ni Gretchen kapag na-realize nitong nagkamali ito sa pagpili ng lalaking pakakasalan.

Kailangan na niyang lunukin ang kanyang pride at bawiin ang sinabi kay Don Luis. Oh, he would love to see Juliana again and ask her to marry him immediately!

Nilingon niya si Arthur. "I like your suggestion, Arthur," ngingisi-ngising sabi ni Zander sa lalaki. Maisip pa lang ni Zander ang magiging reaksyon nina Frank at Gretchen ay nasasabik na siya.

Tumikhim si Arthur, inayos ang collar ng suot na polo, saka tila balewalang nagkibit-balikat. "I should've told you about this brilliant idea before. Nag-aalangan lang ako, dahil nasisiguro kong sasabihin mong isang kabaliwan iyon. But you have no choice. Mabuti na lang at nandito ako para maliwanagan ka," smug na sabi nito.

Tumangu-tango si Zander. He still thought that marrying Juliana is an outrageous idea but Arthur was right. Si Juliana lang ang makakatulong sa kanya. At hindi rin niya nakakalimutan ang sinabi ng dalaga sa kanya noong huli silang magkita na kailangan nito ang tulong niya.

"Let's get to work, Arthur!" nagkaroon si Zander ng kakaibang sigla nang araw na iyon. Naglakad siya sa kanyang mesa at naupo sa kanyang executive chair.

Tumango ang executive assistant. "Call me if you need anything." Tumalikod na si Arthur.

"Arthur," tawag niya sa assistant bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

"Yes, VP?" nilingon siya nito.

"Arrange a meeting for me and Juliana tonight at 7PM. Ikaw na ang bahala sa lugar. Anything cozy and fancy, maybe. I don't know. It's all up to you," pagkasabi niyon ay kinuha niya ang isa sa mga papeles na nakatambak sa mesa niya at sinimulang basahin iyon.

"All right. I'll update you once I speak with Miss Juliana."

Iyon lang at lumabas na si Arthur ng kanyang opisina.

Zander was looking forward to tonight. Hindi pa naman siguro nagbabago ang isip ng dalaga? He hoped so.

THE CARREON SISTERS: SUDDEN BRIDES TRILOGY - The Marriage BargainWhere stories live. Discover now