9:Girlfriend

2.6K 89 0
                                    




Napanganga silang lahat ng sinabi ko iyon.

"Aray!" Binatukan ako ni gelly "Gagita ka! Nasobrahan ka sa sweets kung ano pinagsasabi mo!"

"Sorry but it's true." Tipid kong sagot saka lumamon muli, napunta ang atensyon nila sa nakangangang si Joshua.

"Ayiee!!! Bagay talaga kayo ni kaycee!!! I'm happy for you baby!!" Tuwang tuwang sambit ni Tita.

Inis na tumayo si Joshua at hinila ako papunta sa garden nila.

"What the hell is that about?!" I smirk na lalong ikinagalit niya

"Do you want to tell me a secret? A secret that can broke your heart?" Lalong nagsalubong ang mga mata niya pero nakakunot ang noo niya "what are you talking about? What is it?"

Nagkibit balikat ako "If i were you, itatali ko na ang boyfriend ko sakin para hindi na siya makapanlandi pa." Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko

Sumeryoso ako "Your Gia have an affair with Phin." Mas lalo ata itong nagalit.

Tinulak niya ako dahilan para tumama ang likod ko sa pader, hindi ko pinahalatang nasaktan ako kahit ang sakit.

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at medyo inilapit ang mukha, doon ko lang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko at ang kabang nararamdaman ko pero hindi ko pinahalata.

"Ganyan ka na ba kadesperate?! Para pati girlfriend ko sinisiraan mo sakin?!" Hindi ko magawang hindi pigilan ang galit ko para di siya sampalin.

Isang malutong na sampal ang ginawad ko sa kanya, nagmura lang siya ng malotong at galit na tinitigan ako "Anong basehan mo para sabihan ako ng desparada?! Are you thinking that i Have a secret Mutual fucking for you?! Well Fuck you! Napaka assuming mong lalaki ka!" Di ko mapigilan ang galit sa puso ko.

Sa dinami dami pa ng word yon pa ang natyempuhan mo..

This time ay huminahon na ako "See it for yourself." Malamig kong sambit at papasok sana kaso nakaharang si Mr. Avellino.

"Kaycee what are you doing here?" Tanong nito sa isang baritonong boses

"Hinatid ko lang po ang anak niyo dito." Magalang kong sambit

"Nice to meet you again, sayang at di ka nakapunta kagabi." Kumunot ang noo ko

"Kayo po ba ang sinasabing guest ni daddy?" Tumango ito at tipid na ngumiti "kamukhang kamukha mo talaga siya." Mas lalong kumunot ang noo ko pero di ko na siya pinansin pa "mauuna na po ako." Hindi na ako lumingon pa.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon