God be with you as you read the knowledge I share to you.
The Topic is Father and Teacher/Master.
And greetings in the markets, and to be called of men, Rabbi, Rabbi. But be not ye called Rabbi: for one is your Master, even Christ; and all ye are brethren. And call no man your father upon the earth: for one is your Father, which is in heaven. Neither be ye called masters: for one is your Master, even Christ. But he that is greatest among you shall be your servant.
Matthew 23:7-11
-----For a clearer explanations;
Maraming tao ang naliligaw sa ibig sabihin nang sinabi ni Jesus sa mga apostol niya ito. Karamihan ng mga ayaw makinig ay ang mga taong makitid ang pang-unawa.
Binilinan niya ang kaniyang mga apostol o taga-sunod na “huwag silang patatawag na "guro"” dahil hindi sa kanila galing ang mga aral na kanilang binabanggit sa tao. At hindi rin nais ni Jesus Christ na kahit sino lang ang sa kapwa natin na tawaging "ama" dahil iisa lamang ang ating Ama at iyon ang Amang nasa Langit.
Malinaw naman siguro na ayaw niyang maligaw ka bilang isang tao, dahil ang lahat ng tao ay magkakapatid kahit na sabihin mong "paano ang nanay at tatay mo, sila ang nagluwal sa iyo? Sa kanila ka galing?"
Katulad ng paraan na ginawa sa katawang lupa ni Jesus ang ating Cristo, siya ay isinilang gamit ang katawan ng tao-- si Maria. Ganoon din ang mga tao! Tayo ay dumadami sa pamamagitan ng pagsilang ngunit ang mga katapat (counterpart) natin ay nasa langit. Katulad ng sinabi rin ni Jesus kaharap ang pinapangaralan niyang mga tao sa, Mateo 18:10-13 [10] “Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. [11] Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. [12] “Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa bundok upang hanapin ang naligaw? [13] Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
Mayroon tayong counterpart na anghel.
Ang bawat isa sa atin ay mayroong guardian angel na tinatawag, ngunit dahil ang mga tao ay naliligaw ng landas kaya ang kaniyang anghel ay napalalayo sa kaniya. Lumalakad na lang siyang mag-isa at hindi na kasama ang kaniyang anghel. At dahil kasamaan ang laman ng utak niya. Hindi ka naman sasamahan ng anghel sa kasamaan dahil sila ay banal at kung gagawin nila ang ganoon pati sila ay makatatanggap ng kaparusahan.
Ang mga anghel at mga tao ay mula sa Diyos. Tayo ay likha ng Diyos.
Ang lahat ng Kaniyang nilalang maging nasa langit at maging nasa lupa ay Kaniyang mga anak.
At Siya ay ang ating Ama.
Anomang pangalan ang ibigay natin sa Diyos ayon sa ating pananalita ay iisa lamang ang Ama na nasa Langit.
At ang Diyos Anak ay ang Guro natin.
Huwag mong tawaging "Father" ang sinomang tao dito sa mundo na may katungkulan dahil lahat tayo ay magkakapatid mula sa Diyos.
Huwag mo ring tawaging "Teacher or Master" ang mga taong nagbibigay turo na mula sa Diyos dahil sila'y kapatid mo rin mula sa Diyos.
God bless all who understand and have the understanding.

BINABASA MO ANG
The Ten Commandments V. 01
Spiritual#40 The Ten Commandments A short story of every chapter intended for its rule. We all know what is the Ten Commandments that God gave to every creatures in the planets whether they are the so called alien, we may never know which/whom among them a...