30 Days in Fur

105 2 10
                                    

30 Days in Fur

-          Santiago Clin

“Do you believe in fairytales? Now you will”

“Wow! Ang kyut naman ng rabbit na ito!” saya na lamang ang aking nadarama nang may makita akong kuneho sa harap ng petshop sa isang mall habang nasa tour kami.

Ang haba ng kanyang balahibo at ang ganda ng pink niyang kulay lalo na ang mga mata niyang tila mga pulang diamond. “Ahihihi,” corny mang isipin pero napakaganda niyang pagmasdan.

Ako nga pala si Shamcii, 15 years old na pero asal bata pa rin. Lagi kong suot ang napaka-kapal kong salamin at naka-full bangs pa para lang matakpan ang pagkalapad-lapad kong noo.

“Shamcii, tayo na! Hinihintay na tayo ng bus natin! Hindi mo rin naman iyan mabibili eh!” sagot ng napaka-loyal kong bestfriend na si Santi.

Pumasok agad ako sa loob ng tindahan para makausap ang tindero kahit alam ko na hindi ko pwedeng bilihin ang kuneho kasi ayaw ng kapatid ko at ‘allergic’ daw siya.

“Sir, magkano po yung pink na rabbit?” tinuro ko ang kuneho.

“Ah, miss ito ba? 1 thousand pesos lang po ‘yan. Nagmura na po siya kasi matagal na pong hindi binibili. Sulit naman po kasi maganda ang breeding niya.”

“One thou?” tanong ko sa sarili. Ayaw nga siguro ng tadhana na mabili ko ang rabbit na ito. Tahimik na lamang akong lumabas ng store at sumama na kay Santi pabalik ng school bus.

***

“Sham, gising na. Bababa na tayo, andito na tayo sa Lopez,” mabuti na lamang at lagi kong kasama si Santi. Siguro ay matagal na akong nawala sa isip kong pangbata kahit na alam kong dalaga na kung wala siya.

Haisst, pasukan na naman bukas. Nakakatamad man kasi kararating lang namin mula sa byahe, alam kong kailangan ko itong gawin.

Anyway, siguradong pagdating ng bahay, bagsak na naman ako sa kama nang hindi man lamang nagbibihis.

Kinabukasan...

“Ayii!” masyado naman akong kinilig! Akalain mo yun? Parehas pala kaming mahilig sa ‘SPARKLE’! yung softdrinks!

Hayy, kapag nga naman in-love ka sa isang tao ay hahanap ka talaga ng mga bagay na parehas nyong gusto kahit simpleng bagay lang.

(Haha, kung wala akong crush hindi ko na talaga maiiisip kahit sandali na hindi na pala ako bata.) Medyo natulala lang ako nang makita ang-*ehem- Crush ko na si Danilo (DAN for short.) Parehas kaming may hawak na plastic ng Sparkle habang sinisipsip ang inumin.

Napatingin ako sa kanya at kinabahan ako nang makitang nakatingin din siya sa akin. “Naku, nahuli ata ako!” hindi ako makahinga! Mabilis agad akong lumipat ng tingin.

Tug-tug-tug-tug-tug. Lumakas ang tibok ng puso ko nang mapansing papalapit pala siya sa akin! Ibinuka niya ang kaniyang bibig at umimik.

“Siyet! Anong  sasabihin nito? Anong kailangan niya?” umiikot ang pahayag sa isip ko.

“Ui parehas pala tayong naka-Sparkle!” ngumiti siya at inilabas ang dimples, napatingin ako.

Pu-Tak-Te! Pagkagwapo naman ng nilalang na ito lalo na kapag ngumingiti!

“Shamcii, tandaan mo. Pigilin mo ang sarili mo, sabihin ang magic word- TUKO,” mabuti na lamang at maalam akong pakalmahin ang aking sarili. Ang word kasi na “Tuko” ang sinasabi ko para hindi muna ako kiligin. Aminado kasi ako na medyo may slight comparison si Dan at ang tuko kahit gaano pa siya kagwapo. Mabuti na lamang at hindi niya nahalata.

30 Days in FurTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon