Chapter 8: Childhood Friend?

7 0 0
                                    

Lumipas ang mga oras ay vacant parin kami. Napagdesisyonan kong lumabas muna ng room upang magpahangin. Naglakad ako sa hallway hangang may nakita akong Grupo ng mga Badboy na nakaupo sa railings ng hallway. Dumaan ako sa kanila na parang walang pakealam. "Psst Miss.."Sitsit ng isang lalaki sa grupo. Hindi ako lumingon. Malay ko bang hindi naman ako tinatawag nila? Baka mapagkamalan pa akong assuming.. "Ay snobber?" Dagdag pa ng isa. "Raine Perrez?" Cold na pagkakasabi ng isang lalaki dahilan para mapalingon ako. Tiningnan ko ito ng walang reaksyon. "What?" Matipid kong tanong. Naglakad naman siya papalapit at lumibot saakin na parang kinikilatis ako dahil sa totok na totok ang kanyang mata saakin. "Kung wala kang matinong dahilan para tawagin ako. So can you fucking stop staring at me." Walang buhay kong sabi sa lalaking tumawag sakin at ngayon ay halos matunaw na ako sa titig niya. "So ikaw nga. Ikaw nga tlga si Raine Nicole Perrez..?" Sabi nito sakin. "I have no time for this bullsh*t conversation" Walang reaksyong sabi ko sakanila at tumalikod nlng at akmang aalis na ng biglang nagsalita ulit ang lalaki. "Did you know that i have a lot of information about your life ?" Nilingon ko naman siya. "Maybe your just one of my stalker. Well let me tell you this. Wala kang mapapala sa walang kwenta kong buhay " Then i rolled my eyes.. At magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla niya hinawakan ang kamay ko dahilan upang mapaharap ako sakanya. "I maybe your stalker because i want you to remember me Ms. Perrez pero siguro you already forget me Nicolay?" Pagkasabi niya non.  Naalala ko bigla si Xyron ? Nicolay kase tawag sakon dati ni Xyron.. Si Xyron ang childhood bestfriend ko since kinder to Grade 3 pero lumipat sila sa Korea nung nagGrade 4 na siya. Wala narin akong balita sakanya simula nung nagpaKorea sila.. "W-what do you mean?" Nagtataka kong tanong ko habang nakatingin lng ako sakanya ng diretsyo.. "Nothing.." Ngumiti siya habang sinasagot ang tanong. "Malalaman mo rin Raine.. Soon.." Dagdag niya pa sabay talikod at taas ng kanan kamay niya dahilan para magsitayuan ang mga tropa niyang nakaupo kanina sa railings ng hallway. Parang sign niya yun ng 'Let's Go' nila..Tumalikod na rin ako nagpatuloy maglakad hangang makarating ako sa bench na inupuan ko kanina. Umupo ako ddto at huminga ng malalim. "Xyron.." Bulong ko sa sarili ko. Naalala ko kase yung last time na kasama ko pa siya. Na nakita ko pa siya. Na hindi pa sila umalis...

..Flashback..(when i was Grade 3)
Nasa playground ako nun, nakaupo sa isang bench at hinihintay si Xyron. Napatingin ako sa may harap ko nakita ko ang isang napakapamilyar na lalaki. Walang iba kundi ang bestfriend kong si Xyron. Tiningnan ko siya at ngumiti ako sakanya. "Kanina pa kita hinitay dito Xyrony.." Nakapout ako habang sinasabi ko iyon sakanya. "Di mo naman dapat ako hinintay pa e. Malay mo hindi na ako dumating? Edi kawawa ka dito.." Malamig na pagkakasabi niya. May pagkacold tlga si Xyron kahit bata palang kami ganyan na tlga siya.. "Hinintay kita kase nagpramis ka sakin na darating ka. At alam mo rin na babatokan kita kapag hindi ka dumating?" Pagkasabi ko nito ay tinaas ko ang isa kong kilay. Tumawa naman si Xyron. "Ok fine. I'm sorry Nicolay. May inasikaso lng kase sina mommy kaya nalate ako." Sabi niya. " O siya mag laro na nga lang tayo. " masiglang sabi ko rito. Then naglaro na kami ng paborito naming laro na habul habulan. Ilang minuto rin kaming naglaro at hangang sa mapagod kami kaya nagpahinga muna kami.. Umupo ulit kami sa isang bench.. Huminga ako ng malalim..Napagod kase talaga ako.. "N-nicolay?" Napalingon ako sa biglang pagtawag sakin ni Xyron. "Oh?" Matipid na tanong ko sakanya. "Kung aalis ako. Maalala mo pa kaya ako nicolay?" Malungkot niyang  tanong saakin. "Ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Xyrony. "Wala, tara na nga lang." Tumayo siya sa pagkakaupo niya at nagsimula na maglakad.Tiningnan ko lng siya habang papalayo. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo sa kinaroroonan ko ay may sinabi siya sakin. "momjosimhaseyo Nicolay, jal gayo my bestfriend..mihanhamnida.." Kahit na malayo siya alam kong umiiyak siya habang sinasabi niya yun. Tumalikod naman siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Kahit na sa totoo lng. Hindi ki naintindihan mga pinagsasabi niya kanina. Feeling ko naiiyak na rin ako. Alam ko naman kung anong language yun. Kase alam kong half korean siya pero hindi talaga ako nakakaintindi ng korean kaya kung ano man sinabi niya hindi na importante yun. Basta kung ano man mangyari, i will never forget my bestfriend..
..End of flashback..

Pinikit ko ang mata ko ka sa mga naalala ko. "Naalala pa kaya niya ako?" Bulong ko sa Sarili ko habang nakapikit ang mata ko. "Syempre naalala kita. Alipin kita e. Tanga ka ba?" Napamulat ako bigla sa nagsalita. At gaya nanaman ng inaakala ko. Siya nga. "Ano nanaman ba problema mo Troy?" Nakakunot noong tanong ko sakanya. "Ikaw.." Matipid na sabi niya habang nakangising nakatingin saakin. "Hays. Bahala ka nga." Tumayo na ako at nagsimula na maglakad. Ng biglang may hinublot ni Troy ang kamay ko at pinilit akong isinandal sa isang puno nang Manga na malapit samin.. "ANO BA TROY?!" napasigaw ako dahil sa ginawa niya "Pakawalan mo nga ako!" Sigaw ko pa. Pero imbis na pakawalan niya ako ay kinulong niya pa ako sa mga braso niya.. "Naalala mo ba nung niligtas kita sa Manyakis na Taxi Driver noon?" Seryosong tanong niya habang seryosong nakatingin saakin. "Oo.." Tipid kong sagot.. "Diba sabi ko? Wag magthank you non kase may kapalit yung tulong ko?" Seryosong tanong niya. "Oo.. Pero hindi ba naging slave mo na ak- -" .. " Ansabi ko non. For the meantime lng. Ibig sabihin pansamantala.. 1/4 plng yun sa gusto kong kapalit.." Linapit niya mukha niya sa mukha ko. "Gusto ko ikaw ang magpanggap as fake Girlfriend ko in 3 months.." Nakangising tanong niya..

Itutuloy...

A/N:
Hi guys. Please vote and comment. Ty😂
-Luisyy_ge

The Badboy Change My LifeWhere stories live. Discover now