I watching my friends drinking, singing and dancing in the guild activity center, where we doing a party for the upcoming battle.
Hindi ito party para ang guild ay manalo, kung hindi ay para sa mga manlalaro na kakayanin upang ay magtagal sa laro.
"Aph! Inom tayo oh. Kanina kapa tahimik dyan." Sabi ni shawn.
"Wala ako sa mood. At chaka may laban pa bukas baka hindi ako makapag focus"
"Sos! Ang seryoso mo naman aph. Tignan mo nga ang ilang kasali oh nagsasaya." Shawn.
Hindi ko siya pinansin at naglakad na lamang paalis.
"Hoy aph." Sigaw nito.
Hindi na ako lumingon at nagteleport na lamang pa puntang batis.
"Rafh!"
Napatingin ako sa ilalim ng puno ng marinig ko ang sigaw ng isang babae.Nasa taas ako ng puno ng mag teleport ako.
"Rafh! Ano ba! Makinig ka naman oh!" Rinig ko na naman ulit.
Kitang kita ko ang babaeng sumigaw, si prinsesa Thalia. Ang isa sa pinaka malakas na prinsesa sa mundo ng mahika.
"Shit! Ikaw dapat makinig sa akin thalia." Sigaw nito.
"Ano bang kinagagalit mo? Gusto ko lang naman sumali rafh."
"Yun na nga thalia. Yung pagsali mo ang kinagagalit ko. Ayokong masaktan ka sa larong yun."
"Malakas naman ako rafh. Isa akong S class, alam mo yan. Dapat sinusupportahan mo ako, hindi itong nag iinarte ka dahil ako ay kasali. Pag bigyan mo naman ako kahit ngayon lang, gustong gusto kung sumali. At chaka pinagbigyan kita nuon, dahil alam kung mag aalala ka. Ngunit ngayon, alam ko sa sarili ko na malakas na ako, at kaya kung mapatumba ang mga kalaban ko na walang kahirap hirap"
"Pero hindi maalis sa isipan ko, na baka masaktan ka duon." Tipid na sabi nito.
"Magtiwala ka sa akin mahal. Ako yata ang babaeng tinakda sayo, malakas ako. Kasing lakas mo." Ngiti ng prinsesa.
Nagteleport ako pabalik sa guild ng makita kung maghahalikan na ang dalawa.
Napangiti ako ng mapait. Bakit ko pa nasaksihan ang pag iibigan nila. Ang lupit ng tadhana. Talagang pinakita nito na wala akong pag asang makamit ang pinapangarap ko.
Si prinsepe rafh ang lalaking mahal ko. Ang isa sa taong pinapahalagahan ko. Ang taong nagligtas sa aking sa madilim na tinungo ko. Ang lalaking pinangakong proprotektahan ako hanggang sa kanyang makakaya. At ngayon ay may mahal ng iba at itinakdang pakasalan ang isa sa pinakamagandang babae sa mundo ng magi.
"Aph? May problema ba? Bat ka umiiyak?" napatingin ako sa nagsalita, kita ko ang nag alalang mukha ni shan.
"Napuwing lang ako sa pinuntahan ko." Sabi ko sabay talikod paalis. Damn! Bakit hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Nagbuntong hininga na lang ako ng maalala ko kung pano ko nakilala si rafh, bago niya ako kinalimutan.
Flashback
"Magnanakaw! Magnanakaw! May kinuha siya sa paninda ko. Magnanakaw!"
Tumakbo ako ng mabilis ng sumigaw ito pagkatapos kung kumuha ng isang pirasong bread na tinda nito.
Hindi naman ako kukuha kung hindi lang ako gutom. Wala akong pera para pambili ng makakain. At chaka hindi din ako pwede mag trabaho dahil bata pa ako.
Sa pitong taon ko, ay natuto akong magnakaw para mabuhay sa lansangan. Alam kung masama, pero wala akung magagawa. Pinagmalupitan ako ng panahon.
Takbo lang ako ng takbo, habang may nakasunod sa aking mga kawal na nagbabantay sa market ng bayan.
Nagulat ako ng biglang may tubig na tumapon sa akin. Nadapa ako sa lakas ng impact ng kapangyarihan na yun. Pero kahit masakit ay ininda ko yun at tumakbo na naman.
Nakita ko ulit ang tubig na papunta sa akin ngunit ay nakaiwas ako. Galing pala yun sa mga kawal na nagbabantay.
Tumakbo ako ng mabilis, na parang walang iniindang sakit.
Maya maya pa ay may mga kamay na humawak sa akin, na dahilan ng pagsapak ko dito dahil sa takot.
"Aray ko!" Sigaw ng batang lalaki. Habang hawak niya ako.
"Bitiwan mo ko" takot kung sabi.
"Ang sakit mong manapak bata." Sabi nito.
Nagpumiglas ako. Ngunit subrang lakas pala nito, kaya hindi ako makatakas.
"I-ibibigay mo ba ako sa kanila?" Iyak kung sabi.
Kapag nahuli ako, ay ikukulong nila ako sa palasyo, tapos pahihirapan at hindi pakakainin, dahil sa ginawa ko.
Natahimik ito habang nakatingin sa akin. Maysasabihin sana ito ng may narinig kaming mga paang nagtatakbuhan.
Nagulat ako ng hinila niya ako at tinago sa isang barrel na walang laman.
"Wag ka maingay bata. Dito kalang." Sabi nito sabay layo ng kunti sa kinatataguan ko.
Dinig ko ang papalapit na mga paa sa pwesto namin, kaya mas lalo kung siniksik ang sarili ko para hindi ako makita.
"P-prinsepe! Anong ginagawa niyo dito sa pamilihan." Sigaw ng isang kawal.
"May binili lang ako. At bakit kayo nagmamadali? May problema ba?"
Nagulat ako sa narinig ko, ang lalaking sinapak ko ay isang prinsepe?..
"May hinahabol kaming bata mahal na prinsepe."
"Bata? May nakita yata akong tumatakbong bata papunta doon."
"Sa-salamat mahal na prinsepe."
"Walang ano man." Sabi nito, bago ko narinig ang mga papalayong mga paa.
"Lumabas kana. Wala na sila."
Nilabas ko ang ulo ko at nagsalita.
"Isa kang prinsepe? Bakit nyo po ako tinulungan? Masama po akong bata"
"Oo isa nga akong prinsepe. At bakit kita tinulungan? Dahil naaawa ako sayo, hindi dapat ito ang sinapit ng isang batang tulad mo."
"Wala na akong magulang kaya binubuhay ko ang sarili ko."
"Kawawa ka naman bata"
"Kung magsalita po kayo parang matanda, eh bata ka rin naman po." Ngumiti ito sa sinabi ko.
"Ilang taon kana ba?"
"7 po"
"Hindi naman pala magkalayo edad natin eh. 9 na ako, kaya wag kang mag po. Tawagin mo akong rafh"
"Prinsepe rafh." Sumimangot ito.
"Rafh lang, dapat walang prinsepe. Kasi friends na tayo."
"Rafh. Ako naman si aph. Aphrodite " ngiti kung sabi sabay labas sa pinagtataguan ko.
At duon nagsimula ang pagkakaibigan namin.
-flashback ends-
Nagbuntunghininga ako. Naalala ko na naman siya, masakit subrang sakit na ang taong inakala mong magtatagal sa tabi mo ay kinalimutan ka, at may iba ng pinoprotectahan. Shit ang sakit ng puso ko. Bakit kasi ako pa nakasaksi ng pag aaway nila.? Hayyyyy!!!! Nakakalungkot lang, pero dapat maging masaya ako sa desisyun niya. Dahil mahal na mahal ko siya, at tanggap ko kung ano lang ako nuon hanggang ngayon.
Napangiti ako ng mapait.
BINABASA MO ANG
The Deity Of Magical World
FantasyShe's the goddess that everyone doesn't know. A goddess that people hated for. A goddess that wants to be happy, but distined by a nightmare. Can this goddess became bad or not? -Abangan-