Migraine

180 0 0
                                    

Simple lang ang buhay.

Cycle lang yan, Paulit ulit.

Ang hindi nawawala sa cyle,

Panghihinayang.

Panghihinayang sa mga bagay na nagawa at hindi mo nagawa.

Lahat tayo may mga ganyang pagkakataon sa buhay. Kaya nga hindi maalis alis yung tanong na

"Kung may babalikan kang pangyayari sa buhay mo, alin at bakit?"

Lahat tayo iba iba ang isasagot jan.

Yung mga plastik ang isasagot

"Wala akong gustong baguhin sa buhay ko. Kasi yung mga nagyari sa buhay ko yun ang dahilan kung sino ako ngayon."

Kahit naman sabihin natin yan, hindi pa rin
maikakaila na may mga bagay na sadyang gusto nating balikan at baguhin na baka sakaling pag natama natin ito, mas maganda, maginhawa ang buhay natin ngayon.

_________________

Hanggang ngayon, Na-aalala ko parin ang araw na iyon, April 23, 2003. Sino bang hindi makaka-alala?

Mainit iyong partikular na araw na 'yon, Pero kahit mainit sige lang sa paglalaro ang mga bata dito sa amin, mga kababata ko. Gustong gusto kong lumabas noong araw na iyon kaso hindi puwede. Dun daw ako sa sari-sari store ng tiyahin ko.

Shempre, hindi ko matanggihan. Tuwing baksyon lang naman ako nandito at ako pa ang pinaka matanda samin,sampung taong gulang. Habang nakatambay sa tindahan, nagigigtara ako. Kahit masakit na yung mga daliri ko, Sige lang.

"Pabili poooooooooooooooooo"

Hindi ko alam kung sa init lang ang nakikita ko, Ang ganda nung bata. Ngayon ko lang siya nakita sa taon taon kong pagbisita dito. Na love at first sight yata ako sakanya. Parang anghel na bumaba sa langit. Para akong timang na nakatitig lang sakanya. Bumili siya ng Pepsi, Naka ngiti siya habang inaabot ko ang mamasa masang platic na naglalaman ng pepsi. Hindi ko alam kung dahil ito sa inumin o namamawis kong palad.

_________

Mga alas dies kinabukasan ng bumili ulit siya ng pepsi. Tinanong ko na ang pangalan niya. Nagkakwentuhan kami ng konti. Hindi pala siya taga rito. Parang ako lang din. Taga Maynila daw siya. Nabuhayan ako ng loob. Baka sakaling makita ko pa ulit siya.

Sinusulat ko na lahat ng pangyayari ko kasama ko siya, wala akong mapagsabihan e.

Araw araw yun sa sumunod na dalawang linggo tuwing alas diyes bumibili siya. Kahit hindi ako nakatao tumatambay parin ako sa tinadahan, hinihintay ko siya. Araw-araw ko siyang nakikita. 

Lumipas ang ilang bakasyon, nauso ang text. Hinigi ko ang number mo. Highschool na, Nagdalaga ka na. Lalo ka nang gumanda nagsimula nang pumila ang mga manliligaw mong kababata natin.

Pero natuwa ako.

Bakit?

Kasi naiirita ka sa kanila. At may naisip kang gawin.

Ang magpanggap na tayo.

________

Oo nga pala,  

Hindi nga pala tayo 

Hanggang dito lang ako  

Nangangarap na mapa-sayo

"Sino ba yang katext mo?"

Kanina pa kasi tayo magkasama wala kang ginawa kung hindi humarap jan sa telepono mo at ngumiti, mag text. Minsan na nga lang kita bisitahin, ganyan ka pa. Nagku-kwento ako puro tango at pekeng tawa ang sagot mo sakin.

MigraineWhere stories live. Discover now