" OMyGGG!! guys may nalaman ako " kakarating palang ni Ayla at grabe kay Naru agad siya lumingkis.
" anu yung nalaman mo? " tanong ni Eleven
" nalaman ko na kada practice or meeting or shoot natin para sa Mr. and Ms. AGU ay may nagj-jugde na satin, ibig sabihin dapat laging magkasundo o sweet ang pairs .. wala nakakaalam nito bukod satin wag kayo maingay ah .. tara punta na tayo sa Univ. Bus " sabi niya
" teka lang Ayla kung ganon ang gusto mo mangyari diba dapat si Eleven ang nililingkis mo at hindi si Naru " sabi ko she rolled her eyes at lumapit kay Eleven..
" that's better " sabi ko pa sa kanya
" If I know gusto mo lang talaga masolo si Naru kunwari kapang ayaw mo eh ang totoo kating kati ka naman sa kanya " sabi sakin -- lumapit ako kay Naru tska ngumiti sa kanya ha haha sarap naman inisin ni Ayla --
Pag dating namin sa Univ. Bus kaming apat nalang ang hinihintay kaya lumakad na rin kami agad. Sa lahat ng pairs department lang namin ang pairs na magkatabi sa Bus.
" welcome to Villa Marina Allegro Resort " sabi nung babaeg sumalubong samin. -- grabe kung alam ko lang na sa Resort nila Marina kami mag s-shoot sana hindi nalang ako nagbayad tssk di bale na nga di naman ako maghihirap sa 1000 pesos. Pag pasok namin sa loob pinaliwanag samin na swin wear daw ang shoot ngayon so pag kapaliwag samin ay nagbihis na kami agad.
" you look great " si Brent -- paglabas ko nasa tapat siya ng pinto --
" ikaw din " sabi ko lumakad na ko papunta sa table namin.
" sa lahat ng contestant na lumabas sa cr ikaw lang ang conservative " puna ni Naru sakin pagkatabi ko sa kanya
" panu mo naman nasabi? "
" look lahat ng contestant na lumalabas sa cr hindi na nag abalang takpan ang sarili nila compair to you na nakarob " sabi niya di ko nalang pinansin yung sinabi niya instead nagsuot ako ng shades at nagpony ng buhok ko.
after makabihis ng iba nagsimula kami sa shoot may ilang tao sa Resort na nagpunta at nakikiisyoso sa shoot namin. Ang gagaling nung mga kalaban namin na magproject.
" sa tingin mo kaya ko yung ginagawa nila? " tanong ko kay Naru
" uhm hindi mo kaya " sabi niya -- galing ah -- " kasi higit pa yung kaya mong gawin " sabi niya pa -- uhhg natatss naman ako --
" naku nanbobola kapa "
" hindi ah, teka umayos ka ng upo " sabi niya kaya umayos ako ng upo
" pahiga ah " sabi niya-- nahiga siya tsaka pumikit di na ako makakagalaw nito tsk. -- " seryoso kaba tulog kaba? " hindi sya sumagot baka nga tulog na sya.
" alam mo ba kala ko nung una suplado ka, ikaw kasi ang cold ng mga tingin mo sakin parang lagi akong may ginawang ayaw mo. Naiinis din ako sayo kasi yung mga babae sa univ. hinahabol ka pero parang wala lang sayo tapos yung kay Ayla nakakairita sya pag nililingkis ka niya pero sayo parang okay lang. Sa classroom kahit tahimik ka ang tataas pa din ng grades mo " sabi ko sa kanya para akong tanga kinakausap ko yung tulog sinuklay ko yung buhok niya ng kamay ko
" cute si Eleven tska makulit kaya masarap siya kasama pero ikaw minsan ang cute mo pag nakikita kita minsan ang gwapo minsan sobrang gwapo parang lagi iba iba pero alam mo thank you kasi pinakilala mo sakin yung tunay na ikaw yung Naru na parang may saltik " dadag ko pa, nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko na pinansusuklay ko sa buhok niya tsaka nilagay sa dibdib niya
" gising kaba? " tanong ko
" hindi naman ako natulog ang daldal mo " sabi niya WHHAA!! grabe >///< nakakahiya ang dami dami ko pa naman sinabi WHOOO!!! -- inagaw ko yung kamay ko tsaka ko sya pinalo sa noo pero mahina lang.
" kayo na daw " si Eleven, tumayo ako agad tska humawak sa tali ng rob ko at pinipilit ko alisin yung awkward na nararamdaman ko.
" Tayo na Naru " sabi ko tska naglakad
" Hindi na ba ko manliligaw " sabi niya napatingin ako sa kanya grabe bakit ba sya nakangiti -- whoo nahihirapan ako huminga-- pati ibang contestant nakatingin sa kanya tapus parang mga ewan yung ngiti nila.
Lumapit sakin si Naru tsaka ako inakbayan -- " Sige na nga Tayo na " ang sweet ng smile niya hayyy ... Nagshoot na kami lahat ng Tao sa location namin nakatingin samin hanbang nagsho-shoot kami.
BINABASA MO ANG
My One and Only
Teen FictionKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...