Naru POV
" Good morning po " si Kisha -- pababa siya ng hagdanan at bagong ligo --
" magbreakfast na tayo ijha " sabi ni Mama, naupo siya sa tapat ko nginitian niya ko -- hindi ko alam pero parang kinuryente ako at medyo nag iinit yung pisngi ko --
" namumula ka Naru, masama ba ang pakiramdam mo? " si tita Sophia -- kaya napahawak ako sa noo ko --
" hindi naman po, mainit lang po siguro " sagot ko at tinapos na yung kinakain ko, pumunta ako ng banyo para tingnan yung mukha ko
" okay naman ako? hindi naman ako giniginaw, then why I turned red " sabi ko sa sarili ko at naghilamos tsaka lumabas.
" baka kinikilig ka " si Eleven -- paglabas ko nakasandal siya sa pader na parang inaabangan talaga ako --
" hindi ah, dyan kana nga " umakyat ako sa kwarto ko naligo at nag ayos tsaka ulit bumaba at kinuha yung susi ng kotse ko.
" Ma alis po ako " paalam ko sa Mama ko, yumuko din ako kila Tito at Tita tsaka ngumiti kay Kisha. Pupuntahan ko si Royal -- talent manager na matagal nang naliligaw sakin --
Paakyat na ko sa Strabucks para tagpuin si Royal nang makita pa ako ni Azuri.
" may tatagpuin ka " si Azuri at umangkla sa braso ko.
" si Royal "
" really, sama ko " sabi niya, isinama ko na sya at umakyat na kami sa Starbucks.
" Naru!! " tawag sakin ni Royal malapit siya sa counter, medyo kumunot yung noo niya nang makita si Azuri -- hindi niya kasi gusto si Azuri, masyado kasing maarte --
" Sorry ah, nakasalubang ko siya dyan sa baba kaya sinama ko na " sabi ko-- inalalayan ko muna maupo si Azuri tsaka ako naupo sa tapat ni Royal --
" oorder na muna ako ano bang gusto nyo? " si Royal
" what ever is yours " sabi ni Kisha
Pagkaorder ni Royal ay bumalik na din sya agad sa table namin
" ito oh script " abot sakin ni Royal
" so mag aartista ka na? " si Azuri-- hindi ko sya pinansin pero kita ko sa gilid ng mata ko na dissapointed sya sa hindi ko pagpansin, nakakakonsensya naman --
" nagmomodel naman ako sa magazine nyo eh..ayuko niyan " sagot ko kay Royal
" kahit ayaw mo sayo na yang script basahin mo malay mo magbago ang isip mo, promise maganda yan sige aalis na ko .. hindi na matake ng beauty ko ang polusyon dito " sabi niya tsaka ngumiti kay Azuri at umalis.
" let's eat " si Azuri, tumango nalang ako. Hinila niya ko palabas at dinala ako sa Restaurant na madalas niya daw kainan. After namin kumain nag aya naman siya sa pumunta sa amusement park. Sa amusement park lahat ng ride sinakyan namin hanggang mag gabi.
" uwi na tayo Azuri " pag- aaya ko sa kanya, pero ayaw pa rin niya umuwi.
" mamaya na, Sa House of Mummy muna tayo " sabi ni
" huh?? sigurado ka? kaya mo ba? "
" nandyan ka naman eh "sabi niya at hinila ko papasok ng House of Mummy. Tili sya nang tili, grabe feeling ko nagpapakaOA lang sya eh.
" Naru " napalingon ako sa tumawag sakin --medyo lumakas yung kabog ng dibdib ko--
" Kisha, a-anung ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya --medyo pabulong yung huli kong sinabi nang makita kong kasama niya si Brent--
" hi " si Brent
" sige una na kami ah " sabi pa ni Kisha at umalis na sila ni Brent -- HHWW, nahihirapan ako huminga whooo --
" Umuwi na tayo Azuri " sabi ko, Hinatid ko muna si Azuri tsaka ako umuwi. Pagdating ko sa bahay nagbihis na ako at nahiga sa kama ko gustong gusto ko na matulog kaso pagpumipikit ako nakikita ko si Kisha na kasama yung si Brent.
BINABASA MO ANG
My One and Only
Teen FictionKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...