Chapter Thirteen

4 0 0
                                    

Nagising ako na nakahiga sa kama ng hospital, nakita ko din si Kisha na natutulog sa upuan at nakayuko sa kama ko. Si Eleven naman nakahiga sa sofa at tulog din.

Pignagmasdan kong matulog si Kisha at parang kinakapos ako ng hininga at lalo pang lumakas yung tibok ng puso.

" Gising kana pala " may pumasok na doctor sa kwarto ko at nagising yung dalawa --- " may masakit ba sayo? " tanong pa niya

" wala " sabi ko at chineck ako.

" okay kana, anytime pwede kanang lumabas " sabi niya tsaka lumabas.

" tatawagan ko lang sila Mama magbabayad na din ako ng bill " si Eleven at lumabas na.

" Sorry ah " si Kisha

" hindi mo naman kasalanan " sagot ko

" thank you ah " si Kisha, ngumiti sya sakin --- lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko at mas lalong hindi ako makahinga-- nahiga ako ulit sa kama, Isang oras din ang lumipas bago dumating sila Mama at inilabas ako sa hostpital para iuwi.

" May bisita ka, si Royal " si Eleven at pinapasok sa kwarto ko si Royal.

" kamusta napuruhan kaba? " si Royal at inilapag sa table ko yung dala niyang cake.

" hindi naman ayos na ako, nawala na yung mga pasa ko medyo masakit lang ang katawan ko "

" good, so kukunin mo na ba yung role nireserve ko parin yun para sayo "

" hindi ko pa alam "

" nakita ko na yung magiging leading lady mo at alam mo bagay kayo. Si Kisha kilala mo yun diba? Ang alam ko si Mam Sophia ang pumilit kay Kisha "

" pano naman nasama si Tita Sophia " tanong ko

" Friend ni Mam Lucia si Mam Sophia at ang alam ko pag napapalabas sa balita or something ang mga Allegro si Mam lucia ang nag-aayos yun nga lang yung anak nga ni Mam Sophia hindi lumalabas, laging tumatanggi ayaw ng publicity "

"  a-ah sige kukunin ko pero wag mo sasabihin sa kanya na ako yung makakasama niya " sabi ko sa kanya

" YES!! punta ka bukas sa meeting ah, sige alis na ko  marami pa kasi akong gagawin " sabi ni Royal  at umalis na. Hinidi ko alam pero napapangiti ako hanggang pagtulog ko nakangiti pa din ako

---->> Forward

Meeting

" dapat maging maganda ang kalabasan ng project natin at dapat din mapasikat natin agad yung mga bagong artista na gaganap dito " narinig ko mula sa loob ng Conference room.

" sorry late na ba ako " pagpasik ko nakatingin sakin lahat ng staff tsaka ako nilapitan ni Royal.

" hindi ka naman late actually maaga ka pa ng five minutes "  sabi niya at pinaupo ako sa tabi niya.

Madaming sinsabi yung magiging derektor namin at unti-onti na ding nagsisidatingan yung ibang artista para sa movie. 30 minutes na ang lipas bago dumating si Kisha -- nakasimangot siya at halatang wala siya sa mood para makausap-- pinaupo siya ni Royal sa tapat ko at binigyan ng maiinom.

" As what I'm saying, Itong movie na gagawin natin is Royaties in the making -- may princess na nagkukunwaring mahirap at may mayamang mayabang lalake ..... blah blah "  at sinabi pa ang kung anu ano about sa movie ..

" now yung roles niyo naman ang pag uusapan natin .. ayos na ang lahat pero siguro yung iba sa inyo hindi kilala ang gaganap sa lead role natin ... ang gaganap na Princess Hautea at Yella ay si Ms. Kisha Allegro " pagpapakilala ni Direct kay Kisha tumayo naman sya at ngumiti sa lahat pero halata naman na napipilitan lang siya...

" Thank you Kisha kasi naapilit ka ni Man Sophia " sabi pa niya -- ngumiti lang si Kisha at naupo ulit --

" at syempre ang leading man niya si Naru Chen ang gaganap na Grabriel " sabi ni Direct tinaas ko lang yung kamay ko at ngumiti .. at dun lang ako napansin ni Kisha, tiningnan niya lang ako tsaka siya nagtaas ng kilay at tumalikod ulit.

After ng meeting  inaya ko kumain si Kisha.

" hindi mo sakin sinabi " si Kisha

" hindi ka naman kasi nagtanong " sagot ko, tumahimik siya at hindi na nagsalita pinaghihiwalay hiwalay niya yung gulay at karne.

" hindi ka kumakain ng gulay? " tanong ko

" hindi ayoko ng damo " sagot niya at kinain yung binukod niya.

" kainin mo yan " sabi ko sa kanya

" ayoko nga "

" madaming nagugutom sa tacloban, kainin mo yan " natigilan siya sa pagkain tsaka humarap sakin.

"  mabubusog ba sila pag kinain ko yan " sagot niya -- naku nainis ko ata, dadaanin ko nalang sa charm-- ngumiti muna ako bago sumagot.

" hindi naman pero ang point ko kasi maswerte ka kasi may kinakain ka pero sila wala, kaya dapat hindi ka nagaaksaya ng pagkain "

" eh sa hindi ako kumakain ng punong maliit at makulay na damo eh --- edi ikaw ang kumain "

" ang pikon mo naman, akin na nga ako na kakain ng ayaw mo "  kinuha ko yung plato niya at kinain yung gulay na itinabi niya, nakatitig lang siya sakin habang kumakain ako.

" gusto mo " alok ko sa kanya

" why you seem so perfect? "

" huh? " parang nabingi ako

" w-wa-wala bilisan mo kain gusto ko na magdessert "  sabi niya at kinuha yung Cellphone niya.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon