Untitled Part 1

17 1 4
                                    


 Isa.
Sa isang chat nagsimula ang closeness nating dalawa. Isang chat at lahat ng galit ko sa'yo ay nabura. Galit na napalitan ng konsensya dahil ang galit na iyon ay nagmula sa kwentong isa lang ang point of view.

Dalawa.
Dalawang araw tayong nagkausap bago nagsimulang magchat. Tinarayan kita pero akala mo ang bait-bait ko na sa'yo dahil sa lahat ng salita mo ay sinasagot ko.

Tatlo.
Tatlong buwan na mula nung nagchat ka. Tatlong buwan na tayong araw-araw magka-chat at text, good mornings and good nights. At alam kong ang bilis pero sa tatlong buwan na ito ay tila ako'y nahulog sayo.

Apat.
Apat na kantang gawa mo ang pinarinig mo sa'kin. Mga kantang ikaw mismo ang sumulat at kumanta, nagrecord at gumawa ng tunog. Mga kantang paulit-ulit kong pinapakinggan sa tuwing namimiss kita. Mga kantang may iba't ibang mensahe pero ikaw pa rin ang naaalala.

Lima.
Limang araw na ang nakalipas simula nang napagdesisyunan mong ako'y layuan muna. Pero pinangakuang babalikan kaya't ako'y maghihintay kahit gaano pa man katagal. Sa kagustuhan mong maging okay ang lahat, pati ako na konektado sa mundong ayaw mo na, ay pinakawalan mo. Pero naiintindihan ko,

Anim.
Ikaw ang pang-anim kong mamahalin kung sakaling bigyan mo ko ng pagkakataong mahalin ka. Handa kang patawarin sa kung anumang mali iyong magawa. Alam mo naman kasi na hindi kita matitiis.

Pito.
Pitong araw sa isang linggo na wala tayong hinto sa text at chat pero binigyan mo ng dulo. Pero okay lang kasi niintindihan ko. Namimiss lang kita kaya malungkot ako.

Walo.
Walong buwan ang lumipas mula sa huli kong relasyon nang makilala kita. Pero tila sobrang tagal na sa sobrang lapit natin sa isa't isa. Feeling ko taon na tayong magkakilala. Sobrang bilis. Sobrang bilis kong nahulog sa'yo. Pero okay lang daw yun sabi ng mama ni Sarah sa Finally Found Someone. Ika nga nya, walang timeline ang pag-ibig.

Siyam.
Siyam na beses na tayong nagkasama. Nagsimba, gumala, nagsine, nagmovie marathon at nagfoodtrip. Sa tatlong buwan, naka-siyam na tayo. Siyam pa lang pala? Akala ko kasi lagpas na ng sampu. Bakit ba kasi nahulog ako sa'yo? Naalala ko tuloy yung una tayong nagpicture, pagka send ko nun sayo sabi mo magkamukha tayo. Sana nga. Sana nga totoo yung sabi-sabi na kapag magkamukha raw eh magkakatuluyan. Naalala ko pa nung gusto mo 'kong pigilan sa pagmamadre. Hindi naman talaga. Paano ka?

Sampu.
Sampung araw, linggo o buwan man, hihintayin kita. Hihintayin ko ang pangako mong babalik ka. Maghihintay akong marinig ang iyong mga kanta. Maghihintay akong kantahan mo'ko sa KTV bar. At maghihintay ako habang magdarasal. Magdarasal na sana, sana sa pagbalik mo, dala mo na ang iyong puso. At kapag dala mo na, sana handa ka nang ibigay sa akin ito ng buo. Kasi ako? Babalik ka lang, sayong sayo na ako.

Pero sa ngayon, masaya na ako sa I miss you too mo.  

Sampu Para Sa'yoWhere stories live. Discover now