EXO.
Bago ako bumalik sa room ay dumaan muna ako sa canteen. Nagutom ako 'dun ah! Tapos ang lakas pa rin mga drums dito sa puso ko!
Pumasok ako sa classroom at nilibot ko 'yung mga mata ko, pero parang bumigat 'yung puso ko nang hindi ko makita 'yung hinahanap ko.
Bumalik ako sa seat ko, at tinanong si Seatmate Nerd."Seatmate? Nasaan si Lychee?" tanong ko sa kanya.
"Ah eh, nagmamadali siya kaninang umalis eh, dala-dala 'yung bag niya, then nag-paalam lang siya sa amin.." sagot sa akin ni Nerd. "Ganun ba?" sabi ko atsaka tumingin sa may bintana. Pakshet! Dapat kasi hinalikan mo na 'yun Exo! Tamo ngayon?! Ano ka! Nagsisisi! Muntanga ka tuloy!
Kinabukasan..
Pumasok na ako sa classroom, ako pa lalng ang una? Grabe lang ah. Pero napansin ko na may sulat sa may desk ni Bata. Ang aga-aga may sulat(?) O baka naman manliligaw niya?! Pota.
Lumapit ako dun sa seat ni Bata, at ibinagsak muna 'dun ang aking bag, kiuha ko naman 'yung sulat at binuksan, ano namna kung pakialamero ako?
Dear Classmates,
Hindi po muna papasok si Baby Lychee po ah? May dapat lang po ako pong aasikasuhin.
Salamat po mga gwapo at magagandang classmtes ko po!
Baby Lychee.(/* ^o^)/*
Krinumpled ko 'yung paper. Ang panget ng araw araw 'to! Aamin na nga 'yung tao dun kay Bata! Tapos di naman pala papasok! Sira na kagad ang araw ko! Pagkatapos kong i-crumpled 'yung paper, ay itinapon ko ito 'dun sa may binta, ano naman kung littering?! Psh.
Takteng puso 'to! Bat ba kasi tumibok-tibok pa 'dun kay Bata! Muntanga lang! Takte din si Bata! Pinapa-inlab ako tapos mawawala?! Pota. Siguraduhin lang niyang bumalik pa, nang maamin ko pa sakanya yung nararamdaman ko kung hindi siya babalik, ewan ko kung anong mangyayari sa akin. Lintek Exo! Ano ba 'tong pinag-iiisip mo?! Gagu lang?!
-----------------
Two weeks na pero hindi pa rin pumapasok si bata. At two weeks na rin wasak ang puso ko. Lintek! Ano ba kasi ang nainom ko at si ako ay ang muntangang naghahabol sakanya?
Haay.
Pumasok ka na kasi Mary Lychee Castueras. Pumasok ka na, ng maipagtapat ko na sa iyo 'tong weirdong pakiramdam na 'to at nang tumigil na ang pag-tambol dito sa puso ko.
Sige na nga! Pumasok ka na nang masabi ko na sayong MAHAL KITA! MAHAL KITA MARY LYCHEE CASTUERAS! Tanga Exo! Saka mo na 'yan sabihin pag bumalik na si Bata.
--------
LYCHEE.
Gusto ko nang pumasok. Nakapag-desisyon na ako at sana tama 'tong magiging resulta ng pinag-desisyunan ko. Wala rin naman kasing nangyari. Hindi pa rin naman ako mahal ni Exo, so? para saan pa diba? Ako lang 'yung nagmamahal eh siya? May mahal na ata 'yun eh. Ang hirap naman kasing umasa.
Nandito ako sa bahay nakakulong at kaslaukuyang naglalakd patungo sa kwarto ng Ate ko "Ate? Paki-bukas naman po ng pinto. May sasabihin lang po ako." sabi ko ng malumanay ang boses. Narinig ko naman ang pagbukas ng lock at ang pagpihit ng doorknob.
"Come in." sabi niya. At pinapasok naman niya ako sa kwaro niya. Umupo ako 'dun sa sofabed niya.
"Ate, mag-usap naman po tayo oh?" sabi ko sa kanya ng mahinahon. "About what?" tugon niya.
"About ba 'dun sa pinlano natin? For what pa Lychee! My goodness! Ako lang ata ang naka-benefit! Thanks to you!" sabi niya at nag-form sa mga labi niya ang isang wicked smile.
Tumayo ako. Lychee..
INHALE. EXHALE.
"Ate! Yun nga po eh! Ikaw lang ang naka-benefit! Pano naman ako diba!? Nasira ang image ko sa school kapalit 'nun ay para makatulong sayo na ipagmalaki ka naman ni Daddy! Akala ko sa pagiging mature..magugustuhan na ako ni Exo!" first time kong sigawan si Ate.
"So anong gusto mong kapalit?" wika niya, at nag-crossed arms pa.
"Gusto kong itama ang lahat." mabilis kong tugon sa kanya.
"Anong itatama mo?! Ano Lychee!? That's Nonsense! B#llsh*t!" sigaw niya sa akin.
"Gusto ko lang naman na!--"
"Anong gusto mo?!" ngayon alam kong galit na si Ate dahil pinandilatan niya ako ng mga deathly eyes niya >w<
"Gusto ko lang naman aminin sa lahat ng classmates ko na HINDI AKO 'YON!"
"Na ako 'yon? Tama ba?" tanong ni Ate na nakataas ang kilay.
"Oo! Tama ka! Na Hindi AKO 'yun at IKAW 'yun! Gusto kong aminin sa lahat ng nasaktan mo na hindi ako ang nanakit sa kanila at IKAW 'yun!" sinasabi ko 'yan habang tinuturo ko ang sarili ko at si Ate. Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ibang-iba talaga.
"Gusto ko lang naman po sabihin ang totoo..na..
MAY KAMBAL AKO! At ikaw 'yun!" turo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
From Childish to Mature?! {Fin.}
Short Storyshe's childish she's mature- wait whut from childish to mature?! baby are you sure