A Wish

12 0 0
                                    

Wala na...

Suko na ko...

Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para magustuhan niya din ako.

Hindi naman ako katulad nung iba na hindi na tama ung ginagawa at kung anu-anong mararahas na bagay ang gagawin para lang makuha ung gusto nila.

Mabait kaya ako.

"Oy, Dan. Nage-emo ka nanaman jan. Basted ka no?" Epal talaga nitong kuya ko.

"Edi ako na nga ung basted! Langya naman oh nang-aasar pa!" Sawi na nga, kailangan pang ipamukha?

Lalim nun ah? Sawi? Pwede na kong makata.

"Joke lang, 'kaw naman. Pikon ka agad."

Natahimik na siya pagkasabi nun. Ilang minuto ding walang nagsasalita sa'min.

Parang medyo gumaan ung pakiramdam ko. Na-miss ko tong si kuya eh. 

"Tol, may shooting star oh!" Ssabi ni kuya sabay turo sa langit.

"Dali! Mag-wish ka!"

Parang bading lang pero pumikit ako.

"Sana maging masaya siya."

Nag-flash naman ung nakangiting mukha ni Rin sa utak ko.

Ang babaeng mahal na mahal ko pero kailangan kong pakawalan kasi alam kong sa iba siya sasaya.

Shit. Nalulungkot nanaman ako.

Makadilat na nga. Mas nakaka-emo pag nakapikit. Ang bading pang tignan.

Kaso pagdilat ko, nanlaki ung mata ko.

Ung shooting star, papunta sa direksyon kung nasaan kami ni kuya.

Tengene. Anong kabaliwan to?!

Tumingin ako kay kuya, nakangiti lang siya sa'kin.

Ano bang meron?!

Biglang huminto sa harap namin ung star. At ang mas nakakagulat, nagsalita bigla!

"Bigyan mo ko ng dahilan kung bakit kailangan kong i-grnat ung wish mo."

Pero imbis na magtanong ng kung anu-ano dun sa star, sinagot ko na lang ung tanong niya.

"Dahil mahal ko siya."

"Bakit hindi mo na lang i-wish na mahalin ka rin niya?" Sabi nung intrigerang star.

"Kasi ayokong makuha ung pagmamahal niya ng dahil lang sa isang wish." Sincere kong sabi dun sa star.

Biglang tumawa si kuya. Bigla niya kong inakbayan kaya napatingin ako sa kanya.

"Hahaha! Sa sweet ng kapatid kong to, bakit nabasted to?!"

Tapos biglang sumeryoso ung boses niya.

"Wag kang mag-alala, tol. May darating na karapat-dapat din sa'yo. Tutulungan pa kita! Hahaha!" Bigla nanaman siyang tumawa. Baliw talaga to.

Biglang nag-fade ung tunog ng tawa niya.

Tapos nagising ako.

Sabi na nga ba panaginip lang un.

San naman kayo nakakita ng star na nagsasalita diba?

Isa pa...

Medyo matagal na din mula nung kunin sa'min si kuya.

May sakit kasi siya sa puso.

Pero natutuwa ako kasi binisita niya ko kahit sa panaginip lang.

Labs na labs talaga ko nun.

Siguro tama siya.

May ibang babae para sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon