I was shocked. No, astonished is the right term. Natulala ako sa sinabi ni Earl.
Sana magtagal kami, noh?
Sana magtagal kami, noh?
Sana magtagal kami, noh?
Sana magtagal kami, noh?
Ugh, paulit ulit na yan sa utak ko. Halos hindi na ako nakakatulog. Everytime na isasara ko ung mata ko. Nakikita ko siya habang sinasabi niya ung ' Sana magtagal kami, noh?'
"Gaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko. Buti nalang talaga at sound proof ung kwarto ko-
"Bakit ka sumisigaw? Anong nangyare!?" Hingal na hingal na sabi ni Ate.
"Ah eh. Wala. He he." Ano ba yan. Siguro nakabukas ung pintuan! Bakit ko nakalimutan isara? Nagrinig tuloy ni ate sigaw ko.
"Asa. Ano nga?" Sabay higa sa kama ko.
Dahil kelangan ko ilabas tong nararamdaman ko. Kinowento ko na kay Ate. Mamamatay agad ako ng maaga pag tinago ko pa to.
'Isang babae, nagsuicide. Dahil sa sobrang kilig.'
Nakakahiya naman kung ganyan ung headline ko sa newspaper. Diba? :(
Kinowento ko kay ate, walang labis, walang kulang. Lahat ng ginawa namin. Pati pinuntahan at pinagusapan.
"Seriously?" May halong pagtataka na sabi ni Ate. "Baka naman you're giving him the right intentions kaya ginagawa niya sayo yan."
"What? No! Hindi ko nga siya pinapansin. Hindi ko kinakausap. Pero, lately. Lagi niya na akong pinapansin at kinakausap. Even sa mga subject na magclassmate kami. Sa tabi ko na siya umuupo." Pagpapaliwanag ko. With matching hand gestures pa.
"Baka he's into you?" Nangaasar na sabi niya.
"You think so?"
"Sa mga kwento mo palang. He even said na sana magtagal kayo." I blushed really hard when she mention that 'sana magtagal' naalala ko nanaman kasi ung sinabi ni Earl.
Sana magtagal kami, noh?
Hay.. Earl Sebastian nakakabaliw ka na.
"Idk what to do, ate. Mababaliw na ako sa mga ginagawa niya. He's giving me false hope."
"I-tulog mo nalang yan. Goodnight." Tapos kiniss niya ako sa cheeks. At umalis na sa kwarto ko. She's so sweet. Dami kong nakuhang advice. -_-
I'm about to sleep nung may nagtext sakin.
From: 09xxxxxxxx
Hi baby.
Nagreply naman ako dala ng curiousity. Sino ba to? Naalala ko nanaman tuloy nung tinawag niya akong baby.
Oh my god. Lahat nalang ng bagay, nagpapaalala sakin kay Earl. Err. This is not good.
To: 09xxxxxxxxx
Who's this?
Nagreply naman agad. Wow. Madaming load to. Makahingi nga. Joke.
From: 09xxxxxxxx
Grabe ka naman, baby. Don't be hard on me. I'll pick you up tomorrow. Goodnight. :*
Hindi na ako nagreply. 'Cause he's creepy. Baby? Pick you up tomorrow? Hindi naman niya ako masusundo kasi hindi naman niya alam bahay namin. Oh well.
---
Nararamdaman ko na ung sikat ng araw sa balat ko. Ano ba yan, baka binuksan nanaman ni ate ung bintana ko.
Gumulong lang ako sa kama at niyakap ung unan sa tabi ko.
Bakit parang matigas ung unan ko? Kinapakapa ko pa. Bakit mas mahaba sakin?
Unti unti kong binuksan ung mata ko.
"Goodmorning, sunshine."
Napabangon ako agad at lumayo sa kanya.
"P-paano ka nakapasok dito?" Bigla akong napatakip sa bibig ko. Hala baka badbreath pa ako.
Kaya tumakbo na ako sa CR then do my thing.
Anong ginagawa ni Earl dito sa bahay? Wala naman siyang sinabi na pupunta sa dito ah!
Paglabas ko ng CR, nasa kama ko pa din si Earl at nakahiga.
"Cute mo matulog. Naka-nganga." Tapos tumawa siya ng tumawa.
Oh god. Kunin mo na ako. Sobra sobrang kahihiyan lagi kong natatamasan kapag kasama ko si Earl. Kulang nalang lumubog na lang ako sa ilalim ng lupa.
Halos hindi na siya makahinga sa sobrang tawa niya. Pulang pula na siya tapos nakahawak sa tiyan niya.
Hobby niya talagang pagtawanan ako, no?
Lumabas ako ng kwarto ko tapos bumaba sa kusina. Naabutan ko si Ate na nagluluti.
"Ate naman. Bakit mo pinapasok si Earl sa kwarto ko?" Disappointed kong sabi.
"What? May usapan daw kayo ngayon. Akala ko naman gising ka na kaya pinapasok ko na."
Naramdaman kong may umakbay sa akin. "Wag mo ng sisihin ate mo. Ako naman ang may sabing pupunta ako sa kwarto mo eh."
Wala na akong nagawa. Feeling ko pinagtulungan nila akong dalawa.
Na-disappoint talaga ako kay ate. Ayoko ng may ibang pumapasok sa kwarto ko bukod sa kanya at sa parents ko.
Kahit si Earl pa yan, ayoko pa din. Pano nalang kung nagialam siya ng gamit ko at nakita ung isang buong album ko na puro pictures niya?
Hanggang matapos kami kumain, hindi ko pa din sila kinakausap. Nakikain pa si Earl! Wala ba silang pagkain sa bahay nila?
"Ate Amethyst. Pahiram muna si Aemma, ha? Babalik ko nalang siya mamayang gabi." Paalam ni Earl ka ate.
Tumango lang si Ate at sinarado na ung gate namin.
Nakasakay na ako sa kotse ni Earl pero di ko pa din siya kinakausap. Ni-hindi ko tuloy alam kung saan kami pupunta.
Siguro nabingi na siya sa katahimikan dito sa kotse kaya nagpatugtog siya.
At talagang nananadya siya. Ung favorite ko pang 'Ehu Girl' ung pinatugtog. Pero bahala siya. Hindi ko pa din siya kakausapin.
Kaso kinain ko ung sinabi ko. Ano ba yan. Hindi ko talaga siya matiis.
"Ikaw ba ung nagtext sakin?" I blurted. Naalala ko kasi bigla, may nagtext sakin.
"Ha?" Tapos nagisip siya. "Ah oo. Ang sungit mo sa text ha!"
"I didn't know kasi na it was you. I don't entertain suitors."
"Wow. Lakas naman may suitors." Sabi niya na may halong pangaasar.
"Totoo! May mga nagtetext sakin. Even jejemons! God. Nakaka-frustrate sila. Hindi ko maintindihan ung mga pinagsasasabi nila."
Bigla siyang natawa sa reaksyon ko. What? Totoo naman eh. E0w phu mga ganon kaya pinagsasasabi nila. :( huhu i cri.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA. I just died." Tawa siya ng tawa. Grabe, palagi niya ako tinatawanan at inaasar.
Tawa pa din siya ng tawa. I'm not even joking when i said that! Hay.
Nung nahimasmasan siya ng onti. "Ugh, You back from the dead na?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. Tapos natawa nanaman. Muka ba akong clown!? God. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya.
"Bahala ka nga jan. Hmp." Lumingin na lang ako sa bintana. Grabe, hindi pa din siya tumitigil kahit nagsusulk na ako.
Nakakaantok. Saan ba kasi kami pupunta? NLEX na to ah.
Naramdaman kong hinawakan niya ung kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
Nakaharap pa din siya sa daan pero naka half smile siya.
Why… why are you doing this to me?
BINABASA MO ANG
Better than Words
Teen Fiction"I've fallen in love. What should I do? It hurts so much but I want to keep on hurting."