CASE 1: KC

43 1 1
                                    

Ano n? Tagal!

Excuse me? Who's this?

Charms ndlete m no. ko? Si KC 'to.

Wala po akong kilalang KC and my name's Rui.

Tanda ko, 'yon ang unang pagkakataon na maka-exchange ko siya ng SMS. Kung 'di ba naman kasi magaling ang Globe, iisang number lang ang ipinagkaiba ng number niya sa number ni Charmi. Pero kasalanan ko pa rin ang lahat dahil ako ang nagkamali ng pindot. Well, I don't mind the "kasalanan" or "pagkakamali" because that's how I crossed paths with him. Kung jejemon siguro siya, 'di ko na siya 'pag-i-interesan na i-text uli. No offense, I have nothing against jejemons pero nakakahilo kasi ang manner of texting nila.

Plus, Rui sounds cute. Sa totoo lang, ang pangalan niya talaga ang nag-motivate sa akin para i-text ko ang total stranger na tulad niya. Saka ang iniisip ko no'n, base rin sa 'paggamit niya ng mga salita at sa grammar niya (both Filipino at English), mukhang hindi siya basta-basta lang. True enough, dahil sa ilang weeks naming magka-text, kung ano-ano na ang topic na ibinabato ko sa kanya, pero nasasalo niya lahat 'yon with grace. From the death of Queen Elizabeth I to the next two movies after "Heneral Luna", as parts of Jerrold Tarog's Trilogy, may nasasabi siya. Basta, ang dami niyang alam. Araw-araw, may bagong akong natutunan at hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Kahit i-discuss niya siguro sa 'kin ang origin ng Flying Spaghetti Monster maghapon, makikinig ako at sa kanya lang ang buong atensyon ko.

Mukhang crush ko siya, 'no?

'Yan din ang sabi nila. Pero, kilala ko ang sarili ko. Hindi ko siya crush. Masarap lang talaga siyang kausap kasi nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ko. Saka ayon nga, kasi madami siyang alam. 

Pero nang ikuwento ko ito kina Michaela...

"Sapiosexual ka."

"Ha?"

"Naaakit ka sa utak."

"Paki explain?"

Narinig kong tumawa si Charmi. "Sabi ni Mikay, type mo daw 'yong mga katulad ni Kuya Kim."

Naaakit sa utak? Ano ako, zombie? Hindi ko siya gusto, period. Hindi ako pabor, at hinding-hindi ako mahuhulog sa lalaking ni hindi ko pa nakikilala nang mabuti at hindi pa nakakausap ng personal. Pa'no ako mai-inlove through text lang, 'di ba? It's a big joke. Saka malay ko ba kung taga saan siya?

Or so I thought. 

Naalala ko, one time, kung hindi ba naman ako hinarot ng tadhana...

Sa dormitory namin, may canteen doon para sa mga tenant. Wala noon sina Michaela at Charmi kaya ako lang ang nag-dinner mag-isa. Ang awkward ko no'n dahil wala akong kasama. Wala akong maka-kuwentuhan para madistract ako mula sa tingin ng mga tao na first time lang yata makakita ng diyosa... ehem, kidding. Basta, awkward no'n. Mabuti na lang at nag-text bigla itong Rui, tinanong niya kung kumain na raw ba ako.

After several minutes, proud na nalampasan ko ang uncomfortable atmosphere na 'yon, at nakarating ako sa canteen nang mag-isa. Puno ang mga lamesa no'n except sa isang table-for-two na nasa right corner ng canteen. May lalaking kumakain do'n ng sinigang na hipon habang nagta-type sa cellphone niya.

"Excuse me . Puwede po bang maki-share?" tanong ko sa lalaki nang makalapit ako sa pwesto niya.

Nag-angat siya ng tingin at tumango. 'Pagkatapos ay bumalik ang atensyon niya sa gadget niya. Medyo nahiya ako nang makita ang mukha ng lalaki. Una kong napansin ang makapal na kilay niya. In fairness, may hidden wonder din pala sa dorm na ito.

Kagagahan ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon