Chapter 24: First Game

3.7K 160 14
                                    

Chapter 24: First Game

Freya's Point of View

"Festive Mark ang tawag dyan," hinawakan ko ang kulay itim na tattoo. "Pasensya na, Freya. Hindi ko naman kasi alam na ganyan ang epekto sa'yo."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang 'yon Sabine, pero bakit mo ba 'ko nilagyan ng ganito?" Ipinakita ko sa kanya ang mark.

"Ahh. Kasali ka kasi sa twenty(20) members na sasali sa Festives kaya kailangan kitang lagyan ng Mark bilang isa sa Parcel ng Aqua." Tumango na lamang ako kay Sabine. Hindi ko naman siya masisisi.

"Pero Freya, I hope you don't mind pero may tanong sana ako sa'yo," umupo siya sa upuan katabi ng hinihigaan ko. "Sa tatlong taon kong naglalagay ng Festive Mark, ngayon lang nangyari 'to."

"I mean, ngayon lang nangyari na pumalpak ako," she paused, maybe to choose her words carefully. "Ayon nga sa suggestion ni sir, baka may enerhiya sa katawan mo na nilabanan ang Festive Mark na ginawa ko. At baka raw may kinalaman ito sa special ability na meron ka. Itatanong ko sana kung--"

"Kung ano ang special ability ko?" pagpapatuloy ko sa tanong niya. Tumango si Sabine. Tinitigan ko siya saglit at nag-iwas din.

In a moment, I weighed different sides. Kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na hindi ko pa alam ang ability ko. Or maghahanap na naman ako ng lusot. But does it matter? May mangyayari ba kung patuloy kong itatago 'to?

"To tell you honestly, Sab." I looked into her eyes. I sighed deeply to gather my thoughts. "Hindi ko pa alam."

Parang humina ang connection naming dalawa dahil natagalan pa siya bago naabsorb ang sinabi ko. Kumunot ang kanyang noo.

"What do you mean 'hindi mo pa alam'?" ang slow rin pala ng Sabine na 'to. I almost rolled my eyes in both annoyance and disgust.

"Gusto mo talagang ulitin ko pa? Hindi ko alam kung ano ang ability ko. PERIOD."

Nakita ko ang unti-unti pagbilog ng mata niya na parang owl.

"WHAT?"

"Kinabahan na ako sa sasabihin ko tapos what lang isasagot mo?"

"Pero, seryoso Freya!" tumayo siya. "Iyong initiation, nabalitaan kong ikaw ang may pinakamahirap na initiation test among all the students. How did you manage to pass that kung hindi mo alam ability mo?"

"Walang mahirap sa initiation ko," this time, I practically rolled my eyes. "Tumakbo lang ako, 'yon lang!" naalala ko ang bola ng apoy na muntik na akong lechonin.

"No way."

"Yes way."

Umiling siya nang marahan at umupo ulit. "Si Nemesis, 'di ba pinuntahan n'yo siya? Hindi niya ba nalaman ang ability mo?"

I was almost horror-struck because of that name. Kayo ba pag nakapatay ng tao, ano'ng mararamdaman n'yo kung binanggit ng kaibigan n'yo ang pangalan niya?

"Hindi,.. hindi niya nalaman ang ability ko." At first I thought I lied, then I realized that I was actually telling the truth.

"I still can't believe it. Kung paano mo nalagpasan ang mahirap na initiation test na walang ability. Paano nalang ang laro sa Festives? Ikaw pa naman ang inaasahan kong magpapanalo sa team natin dahil ikaw ang top one sa listahan."

I shrugged. Top two naman si Clifford sa Parcel namin eh. Malaki maitutulong no'n. Bahala na nga siya sa mga iniisip niya, ayokong mastress. Magkakapimples lang ako.

"Stop stressing yourself, mananalo tayo sa Festives. Tsaka kaya ko namang tumakbo kahit wala akong ability."

Napabuntong-hininga na lamang si Sabine.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon