VII [Rendezvous]

2.5K 70 6
                                    



VII. RENDEZVOUS




Sembreak na namin ngayon.. pero lutang pa din ako sa mga kaganapan sa buhay ko this past few weeks.. at dalawang magkasunod na linggo na din na hindi ko nakikita si Sakristan Will dahil sumasabay ako kay Mama magsimba sa umaga, kaya no happiness, no inspiration and no energy ako ngayon. :(

Simula kasi nong nagconfess saken si Enzo, iniiwasan ko munang wag siya makita, naguguluhan din kasi ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. At sa totoo lang, hindi ko din alam ang gagawin ko don sa 'deal' namin dalawa. Simula palang, wala talaga sa plano ko ang magpakilala o magpakita sa kanya kung sino ba talaga ako, hindi ko to napaghandaan eh at hindi ko din inexpect. Malay ko bang madedevelop saken yung totoy na yun.

I admit.. nong una, may hidden agenda ako sa kanya, pero nong tumagal, ginusto ko na din siya maging kaybigan at hanggang don lang yun. Yung makipagkita sa kanya? Never ko naisip o naimagine man lang yan sa isip ko. Enough na kasi saken yung magkatext lang kami, at hindi nya ko kilala. Kahit na alam kong unfair yun sa side niya. Pero anong gagawin ko? Hindi talaga ako ready! As in hindi talaga! At wala akong planong tumupad sa deal namin. Huhu. Sorry Sakris.. I'm not ready to face you, not now.. and I don't know if I really can.. :(

..

..

"Whoa! Poof franz! Super thank you talaga! Hulog ka ng langit saken!" tuwang-tuwa bulalas ko dahil napapayag ko din ang bespren ko!

Nayakap ko pa siya sa sobrang saya ko. Feeling ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib nong pumayag siya sa napakalaking pabor na hiniling ko sa kanya.

"Naku, Julien! Pasalamat ka at bespren kita, dahil kung hindi.. hinding-hindi ako papayag na magdisguise na ikaw dyan kay Mr. Sakristan na yan." sabi ni Franz.

Alam ko namang nakulitan lang siya saken kaya napilitan siya pero alam ko namang hindi niya ko matitiis eh, kaya nga siya agad ang naisip kong lapitan para magpanggap bilang ako kay Sakristan Enzo.

Yeah, that's my plan since wala talaga akong balak magpakilala kay Enzo or even magpakita, naisip kong instead na ako, si Franz ang hihaharap ko sa kanya. Let's see kung maramdam nya pa yung same heartbeat na sinasabi niya. Alam ko.. ang bad nitong naisip ko, pero anong gagawin ko? :| I'm not ready to face him, not really.. lalo na ngayon, na may feelings na sya saken. Mas lalong ayokong magpakita sa kanya dahil hindi ko din alam ang gagawin at sasabihin ko once na magkaharap kami.  Hayst.. :(

I know.. I'm sooo bad but I don't have choice, and I don't want to disappoint him. Kasi sabay naming pinagplanohan ang "Rendezvous" namin dalawa. Yan yung tinawag nya sa deal meet up namin na hinanap ko pa sa dictionary. Tss.. another term lang pala ng 'meet up', may nalaman pa siyang 'rendezvous!

And before that day, nag-usap kami... hindi sa text, tinawagan nya ko. Kinabahan pa ko kasi first time naming magusap, as in call. Pinag-usapan namin yung gagawin namin sa meet up namin dalawa, na dapat walang ilangan, kung paano kami sa text, dapat as much as possible, maging ganon lang din kami sa personal. Hindi din naman daw niya i-oopen yung tungkol sa feelings nya saken para hindi daw ako mailang. Basta, pakikiramdam nalang daw niya yung sarili niya, habang magkasama kami. If he will feel the same heartbeat.. or if that is the same way he feel for 'Jhassy' once na makaharap o makita nya ko. Hayst. At ewan ko nalang.. kung maramdam nya yun once na magkaharap na sila ni Franz, doon masasabi kong hindi talaga totoo yan nararamdam niya dahil hindi ako ang makakaharap niya.

Habang magkausap kami sa phone, niloloko ko pa siya, para mabawasan yung uneasiness ko, dinadaan ko nalang yung iba sa pagbibiro kasi naiilang talaga ako sa kanya to think na may feelings na sya saken, even the another side of me.. may doubt kasi imposible para saken na ma-inlove ka sa taong hindi mo naman talaga nakikita, dahil 99% before ka mainlove sa isang tao, nagsisimula muna yon sa 'attraction, in short with physical appearance, hindi lang sa looks but the 'presence' of that person. Nakita o nakasama mo kahit once lang yung taong yun.

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon