💘 3 | Pérez International University

4.5K 95 2
                                    

KATHERINE

"Ma, saan niyo nga pala ako na-enroll?"

Tanong ko kay Mama habang karga-karga si Nacho.

"Sa PIU yata yun? Ang Papa mo ang nag-asikaso."

PIU? That school doesn't ring a bell for me. Bago ba yun or di ko lang talaga alam na nagi-exist din yun? You're weird Kath. Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko.

"Saan po yun Mama?"

Kuha ko ulit sa atensyon niya. Here goes your curiosity again, lassie. 

"Malapit lang daw yun dito sa village natin. Your friends will be there also. Sila ang nag-suggest ng school na papasukan mo this year."

Actually galing kaming probinsya, sa Cabanatuan Nueva Ecija kung saan ako lumaki. Kailangan lang namin lumipat dito since Papa's work would stay here for good. The same goes for Ariella's Dad.

Well, that explains why we both need to enroll in a new school.

"Ma, punta muna kami ni Nacho kina Ariella, dadalawin lang namin si Fishy."

"Basta, wag magtagal dun."

I almost rolled my eyes. Mama talaga oh!

"Ma naman eh. Pwede mo naman akong tawagin pag may kailangan ka. Nasa kabilang bahay lang naman yun. And promise, I'll behave."

"Oh, sige na, ang daldal mo."

"Nagmana po ako sa inyo eh."

We both laughed. One of the reasons why I'm close to her than Papa. But I still love them both.

Lumabas nako sa bahay namin at dumiretso sa katabi lang din ng bahay namin. I pressed the doorbell twice bago siya lumabas ng bahay nila at binuksan yung gate.

"Pasok muna tayo."

Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Siya na ang nagdala kay Nacho. Kinuha ko naman agad si Fishy na nasa sofa nila naglalaro. Si Fishy ang aso ni Ariella. Ewan ko sa kanya kung bakit yun yung naisipan niyang pangalan. Haha

"Asan sina tito?"

Napansin ko kasing pagpasok pa lang ay tahimik na ang bahay nila.

"Dad's at work. Tsaka si Drake nandun sa park. Naglalaro yata ng basketball. Nagiging suki na yun ng basketball court dito sa subdivision. So, what are we going to do? Buti naisipan mong pumunta dito Dash. I'm almost killed by boredom. Even Fishy! Look at her."

Mahilig nga pala yun sa basketball yung nakababatang kapatid niya. Well, boys will always be boys.

Napatingin naman ako sa aso niya. Nakapikit na ito sa lap ko. Natawa na lang ako sa tantrums ni Dash. Ganito talaga siya pag bored. Damay yung alaga niya.

"Let's talk about the upcoming classes then? The school?"

Nagliwanag agad yung mukha niya. With matching clapping of hands pa yun ah. Haha

"Okay!"

"Let me guess, sa PIU ka rin na-enroll ni Tito no?"

Nung ngumiti siya ay alam ko na agad ang sagot.

"Mind-reader ka talaga Dash."

She shifted in her seat at hinayaang maupo si Nacho sa lap niya gaya ni Fishy na kanina pa tulog ay napansin kong inaantok na rin ang aso ko.

"Dun din ako inenroll ni Papa."

I smiled.

"Really?"

"Dash Malia and Jule suggested it to our parents. Nasabi kasi ni Mama sakin kanina. Namiss ko na tuloy sila."

I pouted at the thought. Mas nauna kasi silang dalawa na lumipat dito sa Manila nung second-year high school kami.

"Ang alam ko kasi, dun din nag-aaral ang mga boyfriend nila. Tsaka oo nga no. Ang tagal na nating di sila nakikita ng personal except sa video call. Mas mabuti pa rin kung personal."

I nodded. "Kaya nga."

"Sabi ni Dad, maganda naman daw ang PIU, medyo mahal nga lang daw ang tuition fee. Pero worth it naman."

"Ano nga pala ang PIU?"

"Teka, text ko muna si Malia. Hindi kasi nasabi ni Papa sakin kagabi."

Kinuha niya yung phone niya at nagsimulang mag type ng text. Nilaro-laro ko muna yung tenga ni Fishy habang hinihintay siya. Ang cute kasi.

"Pérez International University daw!"

Pérez? Why does it sound familiar to me? Ngayon ko lang naman ito narinig. Another weird thoughts Kath. Stop it.

"Alam ko na Dash! Punta na lang kaya tayo dun bukas. I-ready na lang natin lahat ng kailangan para wala ng problema pagdating ng pasukan."

"Sa Monday na pasukan diba? Bilis naman ng vacation natin"

"Ganun talaga life eh lalo na sa oras. Iikutin na rin natin yung buong campus para maging familiar tayo dun pagdating ng Monday."

Napatawa kami nung mapansin naming pareho kaming excited.

"Puntahan kita sa inyo bukas."

"Sige ba!"

"Sasabihan ko na din sina Dash. Kung sasama ba sila satin."

"Okay lang din kung hindi. For sure kasama na naman nila yung mga boyfriend nila. OP tayo dun."

Napailing kami pareho. "Parang ganun na nga."

_____________________

to be continued...

Lassie Louise ✨

Unexpectedly [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon