Devil # 38

1.7K 65 19
                                    

A/N: Hello guys. I'm very sorry dahil sobrang tagal nitong update but here it is. Sobrang naging busy lang sa school nitong summer. 45 pages na research paper ba naman tapos in tagalog pa? San ka pa? Tapos nag speech choir pa kami at last week lang natapos ang summer thats why ngayon ko lang ito mapopost. Again I'm sorry pero sana maenjoy niyo ang Update. Read and enjoy.

Chapter 38

//

"Sino siya at bakit hindi si Daisy ang kasama mo?" Sabi ng mommy ni Adrian habang papalapit samin.

"She's Eunice. She's my friend." Sagot naman ni Adrian. Friend? Tama. Friend nga lang pala kami. Nothing more.

"Bakit siya ang kasama mo? Asan si Daisy?" Seryosong tanong ng mommy niya.

"Iniwan ko na." Sabay huminga siya ng malalim. "I love Eunice and not Daisy. Kung gusto niyo, kayo na lang ang magpaengage sa kaniya."

Biglang nagulat na lang ako ng sampalin siya ng mommy niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. This is all my fault. What should I do? Ang sakit na makitang nasasaktan si Adrian.

"Ikaw namang babae ka" sabay dinuro-duro niya ako. "Kung pera lang ang habol mo kay Adrian, bibigyan na lang kita."

Pera ang habol? Ano daw? Mukha ba kong pera? Ang kitid naman ng utak ng nanay ni Adrian. Grabe. Wala akong masabe. Kung hindi lang talaga siya nanay ni Adrian, siguro sinagot-sagot ko na siya. Wala akong pakielam sa yaman nila, basta ang alam ko lang mahal ko si Adrian.

"She's not a gold digger." Nagsisimula ng mag-iba ang pagsagot ni Adrian. Halatang may namumuong galit sa dibdib niya.

"I'll just go." Bulong ko. I know this is all my fault. In the first place palang naman alam ko ng malaking gulo 'tong pinasok ko. Kaso pasaway ako kaya eto ngayon, sobrang gulo ng buhay ko pati na din ang mga nasa paligid ko.

"No, I'll go with you." Sabay hinawakan ako bigla ni Adrian sa braso ko atsaka kami umalis sa harap ng mommy niya. Hindi na ako tumingin sa mommy niya, naglakad na lang ako ng nakatingin sa baba. Lumalakas ang tibok ng dibdib ko dahil sa tensyon at kaba.

Nang makarating kami sa labas ng bahay nila bigla niya akong hinarap, "Kahit anong gawin nila, hindi nila tayo mapaghihiwalay. Kahit hindi pa tayo, gagawin ko padin ang lahat dahil mahal kita. Mahal na mahal kita." Tapos bigla niya akong niyakap ng napakahigpit.

"Ma-mahal din kita." Tapos niyakap ko na din siya pero kinakabahan padin ako sa magulang niya. "At gagawin ko din lahat."

Ano bang meron kay Daisy at gustong gusto nila na siya ang makatuluyan ni Adrian? Dahil ba mayaman sina Daisy? Dahil ba talaga sa kompanya?

"Tara ihahatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na ng magulang mo." Sabay ngumiti siya pero alam ko na pilit lang ang pagngiti niya dahil alam ko padin na hanggang ngayon pinoproblema padin niya ang nangyari kanina.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay pinapasok ko siya dahil alam ko naman na wala pa sina mommy at daddy. Lagi naman kasi. Katulad ng sabi ko dati, lagi silang busy kaya hindi ko na inaasahan na nandiyan sila. Pumwesto kami ni Adrian sa sala at umupo sa sofa.

Nagmovie marathon na lang kaming dalawa ni Adrian atleast sa ganitong paraan, medyo nakakalimutan namin ang mga nangyari kanina. Saktong may nagdoorbell ng matatapos na ang huling movie na pinapanuod namin. Agad din naman akong nagpunta sa tapat ng pinto at sinilip kung sino ang nagdoorbell.

Pagsilip ko, si daddy kaya naman agad kong pinagbuksan ng pinto. Pumasok siya at nakita si Adrian. "Sino siya?"

"Daddy, manliligaw ko nga po pala." Sabay turo ko kay Adrian. "Siya po si Adrian."

Tumayo agad si Adrian sa pagkakaupo niya sa sofa at nakipagshake hands sa daddy ko. "Nice to meet you po Mr. Adams. "

Nginitian lang siya ni daddy atsaka umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay namen habang naiwan kami dito ni Adrian sa sala. Bigla kaming nagkatinginan, "Lahi pala talaga kayo ng gwapo't magaganda." sabi ni Adrian.

"Ha? Anong sabi mo? Gwapo't magaganda ba? Eh dati iniinis mo pa ko na panget ako tapos ngayon bobolahin mo ko." sabay kunot ng noo ko. Di ko alam kung seryoso ba siya o baka binibola bola lang ako ng lalaking 'to. Sadyang di ko talaga mabasa ang mga nasa isip niya.

"Mahirap aminin pero maganda ka naman kasi talaga sadyang nagpapapansin lang naman ako noong mga panahon na iniinis kita." sabay ngiti niya. Isang ngiting mapanloko. "Gumana nga yung pangiinis ko sayo kasi napansin mo ko."

"Hindi lang napansin. Nahulog pa ko sayo." sarcastic na pagkakasabi ko sa kaniya pero deep inside totoo talaga ang pagkakahulog ko sa kaniya. I mean, pagkakahulog ng damdamin ko kay Adrian.

"Kaya nga masaya ako kahit na ayaw ng mga magulang ko na ikaw mahalin ko." sabay lumapit siya sakin at laking gulat ko ng hawakan niya ang mukha ko. "Hinawakan ko lang mukha mo, namula ka na agad." pangiinis niya kaya naman hindi ko napigilan na suntukin siya. Pabirong suntok lang naman.

"Sinasaktan mo na ko ha." pangiinis padin niya. "Hi-hindi kaya. Sorry na." sabay peace sign ko sa kaniya.

"Kinikilig ako sa inyo. Namimiss ko kabataan ko." napatingin naman kami agad kay daddy. Nakakahiya naman dahil caught-in-the-act kami na dito. Ano ba naman yan? Napatigil tuloy kami sa pagiinisan.

"Let me have a talk with you, Adrian." naging seryoso bigla ang boses ni daddy. Kaya naman naging seryoso na din kami ni Adrian. Umupo si daddy sa may sofa at tumingin kay Adrian, "Is your last name Chua?"

"Opo. Renzel Adrian Chua po ang full name ko." sagot naman ni Adrian.

"Do you still remember me?" nagulat ako sa tanong ni daddy kay Adrian. Magkakilala sila? Kailan pa? Paano? Bakit hindi ko alam? Naguguluhan na talaga ako.

"Oo naman po tito Ricky." napataas tuloy ang isang kilay ko sa sagot ni Adrian dahil totoo ngang magkakilala sila. How can that happen?

"Eunice, you didn't tell me na nagkita na pala ulit kayo ng childhood friend mo at manliligaw mo na pala siya?" sabi sakin ni daddy. What? Tama ba talaga ang naririnig ko? Si Adrian na kababata ko talaga ang lalaking nasa harap ko? Pero asan na yung kindness? Asan na yung loving na kababata ko? He really changed.

"Sorry Eunice. Sorry if I didnt tell you before."

Actually, at this moment, hindi ko maibuka yung bibig ko sa sobrang pagkashock. Kaya pala simula pa lang na makita ko siya sa basketball court kung saan tinamaan niya ako ng bola, may iba na akong naramdaman lalo na nung nalaman ko na Remzel Adrian Chua ang pangalan niya. That's why kahit na lagi niya ako iniinis, parang naaattach na agad ako sa kaniya. Nasa tabi ko lang pala ang taong matagal ko ng hinahanap.

"I'll just leave both of you." sabay umalis si daddy at iniwan ulit kami dito sa sala.

"Eunice, galit ka ba?" hindi padin ako makasagot dahil hanggang ngayon nasa state of shock padin ako.

"Eunice?"

"Why didn't you tell me Adrian?" sa wakas nakasalita na din ako.

Huminga siya ng malalim at diretsong tumitig sa mga mata ko.

--
vote and comment :)

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon