5 years have already passed, and here i am, back to the good ol' school i had attended. Hindi ko inakala na makakatuntong ulit ako sa University na ito. Well, I know I clearly told myself I won't be coming back here, pero hindi ko talaga ma"hindi"an ang bestfriend ko. Isa na kasi syang Professor dito, at President pa ng Alumni Association ng school, ayun, pinilit niya akong umattend ng Alumni Homecoming.
Seems like nothing has changed from before. Ganoon pa rin ang pathways, masikip, maraming estudyanteng nakatambay, may gumagawa ng assignment, nagdadaldalan at kung anu-ano pa. Napapangiti ako sa nakikita ko, ganito rin kasi ang gawain namin noon. Dumiretso lang ako ng paglakad hanggang sa narating ko na Auditorium.
"oh my gosh! Camille! you came! I already thought you won't be coming!"sabi ni Charry with matching iyak pa kuno.
"like I'd do that? you know I can't say NO to you. ang drama mo pa rin. haha"
"haha. I know right?! actually kanina ka pa namin inaantay. andito na sina Cris at Abby, tara dun."
"okay",
Sina Cris Abesamis at Abby Abesamis, magkaapelyido pero hindi magkaanu-ano. Kaming apat ang magbabarkada noon. Ang Dalawang to e parang aso't pusa kung mag away, wala atang araw na hindi sila nagkakaasaran, pkiramdam nga namin ni Charry noon, may gusto sila sa isa't isa at yung asaran ang way nila ng lambingan.
"Camille Fuentes?! it's truly a pleasure to meet again after 5 years." bati ni Cris with a grin.
"haha. the pleasure is mine Mr. Abesamis. " sabi at nakipagkamay pa ako.
"Cami! i missed you so much!" sabi nito habang papalapit sa akin at yayakapin sana ako ng mapansin kong malaki ang tiyan nito.
"damn. Abby, why'd you got so fat??" pinagtawanan lang ako ng tatlo.
"damn mo muka mo! haha. I ain't fat, am I cris?" --- "of course not, love."
"LOVE?? ano'ng sabi mo??"
"Cris and I are getting married you know, that is, after i give birth to this angel." sabi ni Abby ng sobrang nakangiti.
"what? really?congrats! haha. sabi ko na noon pa e, kayo talagang dalawa. kainis. invited ba ako??"
"oo naman. di kasi namin alam kung paano ka kokontakin a few months ago. binago mo kasi lahat ng contact details mo this past 5 years."
"okay ka na ba ngayon?"
geeze. napaisip ako. bakit bigalng sumeryoso ang usapan? bakit ako ang naging topic?
"ofcourse. i've moved on. matagal na. i'm not that weak you know." nakatingin silang tatlo sa akin, parang nagtatanong, humihingi ng explaination kung bakit ko nga ba ginawa yon. gusto ko sanang umiwas pero di ako tatantanan nito, better to lie and make them stop asking questions than make myself remember those times.
"kaya lang naman ako nagbago ng number kasi gusto ko lang muna magfous sa work. make new friends. saka testing kung mamimiss niyo ba ako. actually. hindi naman talaga ako nagbago, active pa rin yun. nababasa ko nga mga emails niyo sakin. wala lang akong time." I'm so glad they're my friends. with just that, they understood na ayoko na pag usapan pa ang past. gosh. muntik na akong maluha don, mabuti at napigilan ko ang sarili ko.
"okay, if you say so. anyways. maiwan ko muna kayo, alam niyo naman, busy-bisihan ako. haha. kailangan ko muna pumunta roon para iwelcome ang mga bagong dating." pag iiba ni Charry ng usapan.
"sure Pres. keep up the good work!" pabirong sabi ni Cris.
"loko! haha. sige, balik ako maya."
"so, Abby, Abesamis prin ang surname mo?.. di ka pa ba nagsasawa jan? haha.." pilit kong pagbibiro.
"sawa na nga ako e. haha. pero, i just love him so much --- blah blah blah blah", hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Abby, a familiar figure have caught my eyes, made my heart beat really fast. 'God, sana hindi siya yun'. But i guess i wasn't heard. Siya yun. siyang siya. oh gosh. i feel like running away, but it seems like my feet are glued to the floor and my body's paralyzed. biglang parang nag flashback ang nakaraan.
"manong drayber! pakibilisan naman po! malelate na kasi ako!" pakiusap ko sa jeepney driver. Bakit kasi ngayon pa ako nalate ng gising?! ang sungit pa naman ng prof namin sa first period, malate ka lang ng isang minuto, you're considered absent na.
"aba, ineng, kung alam mo naman palang malelate ka e dapat maaga kanbg gumising. alam mo naman na kapag ganitong oras e masikip ang kalsada, rush hour ngayon, you know!" imbes na mainis ako, natawa ako sa manong, yung pagkakasabi kasi niya ng 'you know' e yung parang tono ni manny pacq! halos lahat ng sakay ng jeep parang nawala ng inis sa trapik dahil sa pagpapatawa ng driver.
"manong bayad ho. miss, pakiabot naman. thanks." pagtingin ko sa gilid ko para abutin ang bayad, nagulat pa ako ng makita kong sobrang gwapo ng katabi ko, nakatingin lang ako sa kanya habang inaabot ko sa manong yung bayad niya. at napako na nga ata sa kanya ang mga mata ko, dahil hindi ko na namalayang nasa tapat na pala kami ng school.
"miss,tititigan mo na lang ba ako? hindi ka ba bababa?" tanong ng lalaki na gwapo.
"w-what?"
"nasa tapat ka na ng school mo." sabi naman ni manong.
"ah.. haha.. bababa po. ha-ha." 'nakakahiya', nasabi ko na lang sa sarili ko. But i have'nt run out of luck! dun din siya bumaba sa school namin, 'siguro student to dito, but since, hindi siya nakauniform, baka transferee? malas naman, kung kelang graduating na ako, saka pa siya dumating dito. anyways, baka naman hindi ko na uli siya makita.' naputol ang pagmomonologue ko sa isip ko ng tumigil siya at tumingin sa akin, nagulat pa ako at muntik pa akong mahimatay dahil sa ngiti niya.
"is there any problem? napansin ko kasing kanina ka pa nakatingin sa akin? do i have dirt on my face?"
"ha??"
"i said, do i have dirt on my face?" sabi nito habang nakangiti.
"ah.. w-wala. ahm. how'd you know na dito ako bababa? if i may ask?" hindi siya nagsalita, instead, he looked at me mula ulo hanggang paa, then smiled, tapos umiling pa.
"gotta go. baka malate pa ako." walang katapusang ngiti. nagtaka ako, i even thought he's rude to look at me that way. Kaya tiningnan ko rin ang sarili ko, baka ako pala ang may dirt s sa suot ko, "DAMN! STUPID ME! nakauniform nga pala ako ngayon, i am so lame so as to ask kung paano niya niya nalaman na doon ako bababa." tsk. nasa daan nga pala ako, ayun, pinagtitinginan na ako ng mga tao at narealize ko na nagmamadli nga pala ako. dali dsali akong tumakbo papasok ng university.
"Ms. Fuentes, 7:45am na. bilisan mo malelate ka na! hahahaha" badtrip na guard to, ginagatungan pa e,
"alam ko yun kuya Guard! bye!!!" nilampasan ko na lang yung guard, kilala naman na ako nun. Kaya dirediretso lang ako sa pagtakbo, lakad ng mabilis kapag may prof na makakasalubong, tapos takbo ulit.Nasa fifth floor pa yung klase ko, naghagdan na lang ako, marami kasing tao panigurado sa elevators, mga nagmamadali din kasing pumasok. athletic naman ako, kaya ko to!
Nakarating ako sa classroom ng 7:59am.
"yes!! i made it! hahaha. wala pang 8am! i win! haha"
"psst. dito ka nga. tahimik ka muna.." hila sa akin ni Abby.
"ano bang meron? bakit ang tahimik?" tanong ko.
"kasi..."
------ to be continued. :))