I dedicate this to the author of AFGITMOLFM. Kakatapos ko lang kasi itong mabasa and super ganda ng story niya. Basahin niyo to guys. Ganda talaga. Love ko din yung meaning ng title. <3
-*************-
"C'mon slave. Let's go to the mall and have a date." and then he winked.
Kinuha niya 'yung braso ko at pinwersahang dinala sa carpark. Binuksan niya 'yung passenger's seat at pinasok ako dun. Tapos pumunta siya sa driver's seat at malamang umupo. Inandar na niya 'yung engine at nagsimula ng umandar 'yung kotse.
Napatingin ako sa harapan at lumunok. Date?! Date 'to?! Seryoso?! Walang halong biro?! Ano'ng pumasok sa utak nito at niyaya akong magdate?! As in ako talaga?! Hindi ibang babae?! Kundi ako?! Wehh?! Di nga?! Seryoso talaga?! As in sure na sure?!
Pinagpupukpok ko 'yung ulo ko at lumunok ulit. Seryoso?! Hindi 'to panaginip? O_O
Wow, first kong makipagdate at sa isang halimaw pa. O_O
Tiningnan ko si Brian. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa dinadaanan namin. Napalunok ako ulit. Shet! Tiningnan ko ulit mukha niya, ang ganda ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang kinis ng mukha. Walang pimples, wrinkles and stuff. Y-yung lips niya, mapula. Kissable kiss indeed. Napalunok ako ulit. GWEN, ANO NG SUMASAPI SA'YO?! O_O
Naalala ko tuloy 'nung nalock kami sa detention room. Nayakap ko siya bigla dahil sa takot. At ang pinakahindi ko makakalimutan sa lahat, 'yung a-abs! *u*Shet na malagkit! Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya, "You feel my abs?" O////////O Argh! Ano na ba 'tong pinag-iisip ko? Hinga ng malalim Gwen tapos buga.
"Don't you know that staring is rude."
H-huh?! O_O
Dali-dali akong tumingin sa harapan at lumunok ulit. AWKWARD!!!
"K-kapal! Hindi kaya kita tinitingnan." sabi ko sabay lunok ulit. OMG!
"Did I tell you it was you who is staring? Psh, defensive. Hahahahahaha!"
>////////<
"Sige tawa pa. Mabilaukan ka sana. Tsk. Halata naman na ako 'yung sinabihan mo." sabi ko and then nagcrossed-arms.
"I was just saying. Well, depende kung natamaan ka. Hahahaha!"
Pusang iring ka Brian! Bigti ka na! >_<
Tumahimik na lang ako. Nabara na eh. Linsyak na Brian 'to. Nakuha pa akong pagtripan. Aish, makikita niya. Makakabawi din ako. *insert evil laugh here*
Tiningnan ko 'yung relo ko at napanganga ng konti. Shoot! May klase pala ngayon. Cutting pala 'tong ginagawa namin. Waaaaah!
"Uy!" pangungulit ko sabay hawak ng braso niya at niyuyugyog ito.
"Uy!"
"Uy! Baka malaman nila mama na nagcutting ako. Mapapagalitan akoo~"
Pinagpatuloy ko ang pagyugyog sa braso niya. Hindi nakikinig 'tong tukmol na 'to eh. BIngi-bingihan ang peg ni Brian tukmol na MASTER ko kuno.
"Hoy!"
"Shut up slave! And stop doing that. Mababangga tayo. Tss."
"Hindi ka kasi nakikinig eh. Kanina pa kaya ako dada ng dada dito tapos hindi mo man lang ako pinapansin."
"Sino bang may sabi sayo na kausapin mo ko?"
=___________________=
Napabuntong-hininga na lang ako. Loko 'tong kausap ko eh. Kinakausap ko siya ng maayos tapos siya, niloloko lang ako. Gwen Rivera, niloloko niya? Aba kapal ni kuya!

BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...