Chapter 24: Kailangan pa kita

81 4 0
                                    

Kamusta na kaya si Alex dun sa labas? Umalis na kaya siya? O nag stay talaga siya don? Tignan ko na nga, baka napano na yun. Ang sama ko, tsk.

Waaa! Nag hintay talaga siya, tsk. May susi naman siya ah? Tsk. Naiwan niya pala dito sa mesa. Papasukin ko na nga, kawawa naman. Tapos umulan pa ata kagabi, baka magka sakit pa ‘to. Hays.

“Huy Alex, gising ka na. Pasok ka na sa loob.”

*Achoooo!*

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Sinipon tuloy siya ng dahil sa kamalditahan ko.

“Huy, gising ka na. Sorry kagabi. Pasok ka na sa loob.”

“Grabe ka Hanna.”

“Sorry. :(“

“Inulan na ko’t lahat, hindi mo pa din ako pinapasok. *sniff*”

“Hindi ko naman alam. Pasok ka na.”

“Ang tigas mo. Tsk, ganyan ba talaga pag nasasaktan? Bakit parang lahat ng galit mo sa mundo, tinutuon mo sakin? Pinapatunayan ko naman sayo lahat ah. Ginagawa ko ang lahat. Pero bakit parang hindi mo nakikita? Tsk.”

Hala? Bakit siya ganyan? Bakit kasi ang sama sama ko? :(

“Sorry Alex. Pumasok ka muna.”

Hindi niya ko pinapansin. Nakakainis naman. Pero ganun talaga, nasaktan ko siya sa ginawa ko. Dapat lang na magalit siya sakin. Hindi ko naman sinasadya e, papasukin ko din naman siya. Kaso napasarap yun tulog ko. Hay, sorry na Alex. Wag ka ng magalit sakin, hindi ako sanay na hindi mo ko pinapansin. :(

“Alex, kainin mo muna ‘to.”

“Ayoko.”

“Please naman Alex. Ng mawala naman kahit papano yun sipon mo.”

“Ayoko pa din. Pumasok ka na, baka ma-late ka pa.”

“Pssh. Kainin mo muna ‘to.”

“Umalis ka na.”

Aba? Paalisin daw ba ko sa sarili kong bahay? Loko ‘to ah. Wew. Patience Hanna, kasalanan mo kung bakit siya ganyan sayo.

“Sige, kainin mo na yan ah.” Tinap ko yun ulo niya, para naman malaman niya na concern ako sa kanya.

Bakit parang ang init niya? Nilagnat pa siya ng dahil sakin. Tsk!

“Hindi na pala ako papasok.”

“Huh? Bakit?”

“Nilalagnat ka.”

“O, tapos? Kaya ko sarili ko.”

“Hindi.”

“Anong hindi? Kaya ko. Alis na!” Galit talaga siya sakin? Waaaaa! :(((((

“Alex naman.”

“Ano? Papahirapan mo nanaman ako?”

“Alex, hindi.” Nangingiyak na ko, bakit siya ganyan? :(

“Ano? Papaalisin mo na ko? Sige! Tutal yun din naman gusto mo dba? Yun mawala ako sayo! Dba?! Yun mawala na yun asungot sa buhay mo!”

“Bakit ka ba ganyan?” Sh*t. Pigilan mo yun luha mo Hanna. Wew.

“Ako pa tinanong mo ng ganyan ah? Tsk.”

“Alex, hindi ko naman kasi—“

“Ano Hanna? Matanong nga kita, gano kahirap magmahal?”

“Huh? Eh?”

“Sagutin mo ko!”

“Mahirap.” Bakit ganun yun tanong niya?

“Mahirap? O takot ka lang talaga? Na dapat, lahat ng tao sa paligid mo, e tingin mo, katulad nun ng iwan sayo!”

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon