You have to get that interview, Vi. Do everything that you can. Ikaw ang inaasahan ko na makakagawa nito. I consider you my best writer and I want you to get that assistant editor-in-chief position. Pero kailangan mo munang ipakita hindi lang sa 'kin kundi pati na sa lahat na karapat-dapat ka sa posisyong 'yun. Nail this interview and no one will question your credibility.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga huling salita ng editor ko.
Ethan is a holy grail in the multimedia world. Being the youngest lawyer who got achievements, awards, and recognitions that were mostly attached to veterans in the field of law, he is the current 'it thing' to watch for. Added to that, he's one of the top eligible bachelors of the country.
Marami tuloy tanong sa isip ko.
Ano kayang nangyari sa kanila ni Katie? Bakit hindi natuloy ang kasal nila? Paano ang anak nila?
Sa mga nakaraang taon, pinilit kong 'wag makasagap ng kahit anumang balita tungkol kay Ethan. I wanted him to be just a distant memory.
Pero naging mahirap gawin 'yun dahil na rin sa trabaho ko. I was bound to hear about the latest news and trends. Malay ko bang magiging sikat si Ethan.
Ngunit ang tanging alam ko at pati na rin ng buong mundo ay ang mga bagay na may kinalaman sa pagiging abogado n'ya. His personal life remained a mystery to everybody.
Mailap s'ya sa media. Marami ng nagtangkang kunan s'ya ng interview pero lagi s'yang tumatanggi.
Nang tumawag ako sa opisina n'ya at mag-request ng interview, ang sabi ng sekretarya ay hindi daw nagbibigay ng panayam si Attorney Salvador.
I was ready to accept that. Sasabihin ko na lang sana sa editor ko na gaya ng iba na nauna, nabigo rin ako.
If I was being honest, I would rather not see Ethan anymore. Hindi bale ng 'di ako ma-promote.
Then, my editor said those things. Something inside me was pulled.
Naisip ko na ayokong madismaya ang editor ko, isang taong naniniwala sa kakayahan ko. I need to prove to her, to everybody, and to myself that I am good at my job.
Hindi na lang promotion ang habol ko, pati na rin ang pagkakataon na mapatunayan ang galing ko.
I have high respect for my job. Kaya ko namang maging professional. Kaya kong isantabi ang mga personal na issues ko para magampanan ng maayos ang trabaho ko.
This is just a job. Ethan is just another assignment.
Kailangan kong mapagtagumpayan ang trabaho kong 'to.
I will get that interview, come hell or high water.
Pinindot ko ang door bell. Nakatayo ako sa labas ng gate ng bahay nina Kuya Art at Ate Faye.
It has been so long since I was last here. Hindi pa maganda ang naging huling araw ko dito.
Tumingala ako sa langit. Nagbabadya yatang umulan.
I hope I won't be caught in the rain before somebody decides to let me in.
May lumabas na babae mula sa bahay at pinagbuksan ako ng gate.
"Yes, ma'am?" tanong n'ya sa 'kin. I didn't know they already hired househelp.
"Nandy'an ba sina Mister Salvador?"
"Wala po si Sir Art pero nandito po ang asawa n'ya, si Ma'am Faye."
"Ah, puwede mo bang sabihin sa kanya na nandito ako? Veronica Castillo ang pangalan ko."
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Fiksi UmumPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...