Chapter 1
He will be having a new life now in his new school with new people.
Knight Al H. Lopez is the name.
Hindi alam ng kanyang mga magulang ang problema nito kung bakit bigla bigla nalang ay nakick out ito sa dating paaralan na pinapasukan. Hindi din nila alam kung bakit bigla nalang lumayo ang loob nito sa kanyang pamilya. Palaisipan sa kanila kug anong nangyari sa kanya.Sa tuwing tatanungin nila ito umiiwas lamang ito sa usapan kaya't napagod narin silang tanungin kung anu nga ba ang problema.
Si Knight ay fourth year highschool na. Ang mga school na pinapasukan lamang niya ang mga exclusive school sa bansa kung kaya't 18 years old na siya ngunit fourth year palang siya. Ang mga school na ito ay espesyal dahil meron itong kinder 2 at Grade 7.
Ngayong araw na ang kanyang paglipat sa panibagong paaralan. Hindi naman siya kinakabahan sa paglipat niya bagkus mas gusto pa niyang lumipat kaysa manatili sa dating paaralan.
"Ma, Pa alis na po ako" Knight
"Sige ingat ka anak" Mommy ni Knight
Pumunta na sa garahe si Knight kung saan nakaparada ang sarili niyang kotse. Binigyan na siya ng sarili niyang kotse ng kanyang mga magulang dahil siya ay nasa wastong edad na naman.
Nagdrive na siya patungo sa bago niyang eskwelahan. Mga sampung minuto rin siyang nagdrive bago marating ang paaralan. Bagaman bago lamang siya dito hindi naman siya nahirapang hanapin ang parking space.
Bumaba na siya mula sa sasakyan at nagtungo na sa loob ng paaralan upang makita kung saang klase ba siya nabibilang. Malaki rin nga pala ang school at may building din itong pang college at pang grade school.
Nagtanong si Knight sa isang janitor kung saan ang bulletin board para malaman kung ano ang kanyang klase. Itinuro naman ito ng janitor at ngayon ay naglalakad na siya patungo doon. Nakita niyang ang daming estudyante kaya't nainis siya. Ayaw pa naman niya sa mataong lugar.
Ayaw man niyang makisiksik kailangan parin niyang makita kung saan siya pupuntang classroom para makalayo na sa madaming tao.
"Excuse me!" Knight
Mukang napalakas ang pagkakasabi niya kaya nagsitingin sa kanya ang lahat ng nandoon at nahawi bigla ang daan ngunit may isang babae ang hindi umalis doon at nanatiling nakatingin sa bulletin board pagkalipas ng ilang sandali umlis nalang ito ng tahimik at hindi manlang napansin ang nangyayari.
Weird nabanggit nlang ni Knight sa isip niya ang salitang iyon. Hinayaan na niya iyon at tiningnan nalang ang bulletin board. Hinanap na niya ang kanyang section at nakita na niya ito. Siya ay sa section 4-A room 213. Umalis na siya doon at bago siya tuluyang makalayo sa mga estudyante narinig pa niya ang mga bulung bulungan ng mga ito.
"Ang pogi niya no?"
"eeeeekkk ang hot pa niya"
"Madadagdagan nanaman ang mga prince natin kyaaaaahh!!"
"Oo nga can't wait to see more from him"
"Tsk..." Knight
Iyon nalang ang nasabi ni Knight sa mga narinig sa mga estudyante. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Mga ilang minuto rin bago nakita ni Knight ang classroom pagkakita niya dito binuksan niya agad ang pinto at hindi na pinansin ang mga tao sa loob. Nagtuloy tuloy siya sa isang upuan sa pinaka likod at bago siya yumuko sa desk niya napansin niyang nasa classroom din na iyon ang babaeng weird kanina.
Kaklase ko pala to.. isip isip ni Knight pagkakita niya sa babae. Ito ay nakaupo sa pinakasulok na upuan na nasa tabi ng bintana at nakatulala lang sa labas. May mahaba itong buhok na medyo kulot at malapit nang tumakip sa muka nito.
BINABASA MO ANG
She's Weird
Genç KurguShe has her own world.She rarely speak.She doesn't tie her hair even if it covers her face.She has an angelic face.She always caught my attention.She's mysterious.She was always bullied by her classmates and yet she doesn't react.She make me crazy...