Journal Entry # 23 - # 29

60 1 0
                                    

Journal Entry # 23

December 01,2013

Sunday

Waaah grabe! December na pala. Well, I'm energized for you December! Why? May nakita akong bagong upload na selfie ni *tooot*! Hahaha pogi niya talaga. Chinito kasi eh. HAHA LOL! Landi much Journal.

Anyway, nag-practice nga pala kami para sa Komentaryong Panradyo namin na ipa-present bukas. @z@r much. Hindi kasi umattend 'yung co-anchor ko pati 'yung isa naming newsreporter. Pinagbigyan ko na lang dahil birthday niya naman. :/ NGAYON LANG. Kaya bukas, 7 ng umaga kami magpapraktis bilang kabayaran. MWAHAHAHAHHA :)))) Good Luck sa amin bukas Journ! :)

Ang iyong kabalitaan,

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 24

December 02, 2013

Monday

Second kami sa presentation namin kanina. Nadisappoint ako sa sarili ko dahil may experience na ako 'dun sa contest namin sa Radio Broad. Pero ok na 'yun. Atleast nagbunga 'yung effort namin. Kinomfort ko 'yung groupmates ko. Masaya naman 'yung naging practices namin, nagbonding kami as tropa-tropa, madami akong nakain... bagong experience 'din. :) Afterall, hindi na naman namin kinailangan i-edit 'yung mga boses namin para 'dun. Natural modulated voice 'yung ginamit ng grupo namin. ;)

Ang pinakamahirap na naging part is 'yung pinasuot ako ng dress. Shet lang, nagmukha akong gangster na nakadress. Nakita pa ako ng X-Movers NA NAKADAMIT NG 'GANUN. (Sikat sila, parang Chicser ampeg. Pero mas pipiliin mo sila kesa sa Chicser. Nasa Section A sila.) Ang weweird lang ng expressions nila. Parang ngayon lang nakakita ng taong nakadress. I mean, it's so ordinary. Mga exag talaga 'yung mga mokong 'yun. Nothing to do with X-Movers. Dati ko silang classmates sa Section A last year. So I'll leave it there.

Anchor na Nagaasikaso ng Technicals,

Vulnerable Dreamer

P.S. Nagkamali ako ng soundeffects. Paking tape lang talaga.

-----

Journal Entry # 25

December 03,2013

Tuesday

Ang ingay dito sa Publication. Ako lang nag-iisang naka-pink uniform. Puro 3rd year na nandito. :v Okay na 'yun, atleast tinuruan ako ni Ate Apple tungkol sa Electron Configuration. May tinuro sa akin si Ate Apple na technique para 'dun sa pattern ng electron config. eh! Share ko sa inyo :)

S - Si

S - Sammy

P - pumasok

S - sa

P - pinto

S - Si

D - Daddy

P - Pumasok

S - sa

D - door

P - Paano

S - si

F - Fanny

D - Daddy

P - Paano

S - si

F - Fanny

D - Daddy

P - Paano

F - Fanny

D - Daddy

F - Fanny

Ayan na 'yung pattern! Oh well, you're welcome :)

Feature Editor *o*,

Vulnerable Dreamer

P.S. Tinatry 'din nila akong daldalin... I'LL NEVER... reject their invitation. LOL.

-----

Journal Entry # 26

December 04,2013

Wednesday

Journ, alam mo, nakakatakot makahanap ng isang taong nakakapagpaligaya sa'yo.

Sinisimulan mong ibigay 'yung atensyon mo sa kanya/sila kasi siya/sila 'yung nagpapalimot sa mga problema mo. Siya/sila 'yung unang unang gusto mong makausap sa umaga at huli kapag matutulog ka na para lang masimulan mo lang 'yung araw mo na may ngiti sa labi mo. Mukhang masayang magkaroon ng 'ganun pero nakakatakot isipin 'yung bilis na pwede ka niyang/nilang iwan pati 'yung kaligayahan na binigay niya/nila sa'yo kapag umalis siya/sila...

 IDK Journ... Ganito ba talaga kapag nag-iisip sa gabi? Hayy. :p

Weird,

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 27

December 05,2013

Thursday

Ngayon daw birthday ni Kuya Chris o kahapon? Ewan ko basta nagpapatunog siya na birthday niya daw. Sabi niya nga 'yung regalo ko daw sa kanya. Eh wala naman akong pero kaya gumawa na lang ako ng letter 'tas sinend ko sa kanya through chat. 'WAG NIYO NANG TANUNGIN 'YUNG NILALAMAN 'NUN. 'Nung na-receive niya na, nag-status siya.

"Ang sweet ni Dreamer  ♥"

OOPS. 'Wag masyadong mag-isip ng kung ano. 

Pogi talaga,

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 28

December 06,2013

Friday

Yow Journ... Parang may mali. I shouldn't feel this. Kailangan itigil ko na 'to dahil ako lang 'din naman 'yung masasaktan 'pag pinagpatuloy ko eh. At umay na umay na akong maramdaman uli 'yun. Ge... mood swing nanaman. Hayy :/

Pogi,

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 29

December 07,2013

Saturday

Hi Journ. This entry is not about me or you, but to all of us. Nakakawindang kasi 'yung mga tao ngayon eh. Masyadong maraming problema sa buhay at talagang dinidiin pa talaga nila 'yung mga problemang 'yun sa sarili nila. I'm just wondering kung pano nila mareresolba 'yung problema nila kung hindi sila gagawa ng paraan para maayos na 'yun 'diba?

FIRST. 'Yung lalaking kinabaliwan mo 'nung 15 ka? It won't matter kapag 25 ka na.

SECOND. 'Yung Math Test na nafail mo this year won't matter when you're graduating in COllege.

THIRD. 'Yung mga problemang kinakaharap mo ngayon eh parang "catastrophe" para sa'yo? It won't matter after a year.

FOURTH. Magiging okay ka. Magiging okay 'din ang lahat. Kapit lang sa Kanya.

So, ayun. Sana nakatulong ako.

Pogi,

Vulnerable Dreamer

Journal ni Dreamer <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon