"What, mom?" Sagot ko sa kanya. Bigla yatang umakyat ang dugo ko sa ulo ko sa sobrang galit na nadadama ko. Bakit sakin siya nagagalit? Bakit ako ang binibigyan niya ng ganitong pahirap? It's not that I want him to do the same thing to Luther.
Kaya kong tanggapin ang pahirap at masasakit na salita niya, e. Pero hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya sa akin. Yes, it's wrong to love Luther romantically dahil sa lecheng mag-kapatid kami. Pero bakit parang ako ang may kasalanan ng lahat? Bakit ako?
"Hinihiling mo sa akin ang bagay na hindi ko kayang bitawan. Hindi kami lumaki magkasama ni, Luther. Ni hindi nga namin alam na magkapatid pala kami. Kung mali sa inyo na minahal namin ang isa't isa, then what is right?" Mahabang sagot ko. Tumaas ang kilay ni mommy. Si daddy ay seryoso lang na nakatingin sa amin.
Alam kong mali ang magsalita sa harap ng hapag kainan. Pero hindi ko na mapigilan. Mom is so heartless!
Tumayo si mommy na nagpupuyos sa galit. Kahit nanghihina ang pakiramdam ko ay pinanatili kong maging malakas. Sa panahon at situation ngaun. Walang lugar para maging mahina ako.
"What is right?" Halos mapaatras ako sa nagpupuyos na galit ni mommy pero hindi ko ginawa. "Ang tama ay lumayo ka! Ang tama ay dapat hindi kana nabuhay sa mundo, Sasha! You ruined everything! Bata ka palang gulo na ang dala mo sa akin! Nagsisi ako kung bakit binuhay kita. Kung bakit hinayaan ng daddy mo na mabuhay ka!!" Galit na sigaw niya. Nalaglag ang panga ko. Ang salita niya ay literal na dumurog sa pagkatao ko.
"Arlene! You're too much!" Sigaw ni daddy.
"What the--- shut up mom!" Sigaw ni Kristele na umiiyak na lumapit sa akin.
Ang durog na pagkatao ko ay durog na durog na ngaun. Titig na titig ako kay mommy. Ni walang bakas ng pagsisi sa kung ano man ang sinalita niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Tila ba kinain ng sinalita niya ang natitirang lakas sa akin.
Tumayo si Kristele at nilapitan ako. Pilit niya akong nilalayo kay mommy pero hindi ako nagpatinag. Maybe, I need this. I need her words para tuluyan na akong mamanhid sa mga nangyayari.
"Ano ba problema mo mommy!" Sigaw ni Kristele sa kanya.
Bumaling si mommy sa kanya na masamang nakatingin. " You stay out of this, Kristele!" Galit na sabi ni mommy.
Ngumisi ako habang pumapatak ang luha ko. " are you done talking, mom?" Sarkastik na sabi ko.
Tumaas ang kilay ni mommy. " We'll never be done. I'll never be done on you, Sasha.." tumalikod siya habang ako ay naiwan iyak ng iyak.
"If you are blaming me for everything, then what am I doing here? Bakit niyo ako pinauwi dito? You should have let me live alone.." nanghihinang sabi ko. Tumigil sa paglalakad si mommy at matalim akong tinignan.
"At ano? Para bigyan ako ng walang katapusan kahihiyan?" Salita niya.
Ngumiwi siya. "It's not that I want you here.. you just need you to be here." Salita niya tsaka ako tuluyan tinalikuran.
Sa nangyayari sa akin ngaun, hindi ko alam kung saan ako mas nasasaktan. Kung sa situation ba namin ni Luther o sa mga sinasabi ni mommy sa akin.
I don't really get her. Bakit sa akin siya galit? Ano ba nagawa ko para tratuhin ako ng ganito? At lahat ng sinasabi niyang pangugulo ko simula bata ako? Saan niya nakuha iyon?
"Ate," pinunasan ni Kristele ang luha sa mukha ko. Ni hindi ko kasi maigalaw ang kamay ko para punasan ang luha ko. I felt so drained.
Iniisip ko din kasi kung ano ang uunahin kong ipaglaban. Yung kami ni Luther o yung sarili ko na dinurog durog ng taong inaasahan kong magiging kakampi ko.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Ficção Geral(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..