Prologue

527 3 3
                                    

Booogsh... Screeech...!

"Aray!" sabi ni Liana nang mabunggo siya ng isang kotse. Ferrari, kulay pula. Nahulog siya at bumaliko ang gulong ng bike, para bang hindi na magagamit.

Bumaba ang isang lalaking matangkad, maputi, mayaman (obvious), at gwapo. Tinignan niya ang kotse niya, pagtapos ay ang babaeng nabunggo niya at ang bike nito.

"Hala, nasugatan ako sa tuhod! Naku, pepeklat na naman ito!"

"Miss! Sorry nabunggo kita! Hindi ko kasi nakita na papunta ka pala sa lane ko. Eh ang bilis ng patakbo ko." sabi ng lalaki.

Tinulungan siya tumayo ng lalaki.

"Naku yung bike ko hindi ko na magagamit to." sabi ni Liana.

Tinulungan siyang tumayo ng lalaki. Nilagay nito ang kamay ni Liana sa kanyang balikat.

"Hayaan mo na yan, ibibili kita ng bagong bike. Ihahatid muna kita sa clinic para magamot yang sugat mo."

Dinala siya ng lalaki sa loob ng Carmine University, ang pinakamalaking University sa bansa kung saan lahat ng estudyante ay mayayaman, except lang sa mga scholars/working students dito.

"Teka, teka, dito rin ako papunta eh?! School ko to eh!" nagtatakang sabi ni Liana.

"Ahh talaga, pareho pala tayo. Dito rin ako nag-aaral." sagot naman ng lalaki.

Nakarating na sila sa clinic. Binuhat ng lalaki si Liana at dinala sa bed.

"Nurse, pakilinis naman ang sugat niya." sabi ni Luke habang nakahawak sa binti ni Liana.

"Teka, wag mong hawakan yung binti ko!" sabi nito habang inaalis niya ang kamay ng lalaki sa binti niya.

"Sorry, Miss! Naisip ko lang kasi baka napilayan ka, kaya hinahawakan ko yung binti mo."

"Hindi, hindi OK lang ako. Sugat lang to." sagot n Liana.

Tumawag ang lalaki sa bahay nila at nag-utos na bumili ng bagong bike.

"Miss, nagpabili na ako ng bagong bike. ipapadala na lang yun dito. Pasensiya na talaga ha. Ito yung number ko. Tawagan mo ako, ibibigay ko sayo yung bike mo later." sabi niya kay Liana habang inaabot ang calling card.

"Ahh thank you. Ako nga pala si Liana."

"Luke ang pangalan ko."

"Nurse, ikaw na ang bahala sa kanya. Pakitawagan na lang ako kung may kailangan pa." sabi ni Luke sa nurse bago magpaalam.

"Sige, bye." sabi ni Luke.



Love story po ito ng leader ng isang secret society at isang simpleng estudyanteng nagsisikap na mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang sarili.

Should I continue? Comments and suggestions are welcome po.

Married to a Secret Society LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon