OPERATION: To.get.her Again [EXO D.O Fanfic]

663 13 0
                                    

“Ganito, kailangan mo siyang mapapunta sa classroom at boom sasabihin ko na I’m not over her then iiyak siya then sasabihin niyang mahal niya parin ako and boom kami na ulit at masaya na ang lahat!”

Nanatiling blangko ang pagmumukha ko habang nagsasalita si Kyungsoo, ang best friend ko. Kasi nga naman, ni isa wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

“A-ano nga ulit yun? Di ko na-comprehend nang maayos,”sabi ko sabay kamot sa ulo.

Tiningnan niya ako nang masama. “Sige ganito, dadahan-dahanin ko....” at inulit niya ang page-explain ng plano niya.

-

“Ang hirap naman nun. Di pa naman kami close ni Hyemi,”pagrereklamo ko nung naintindihan ko na ang plano or lemme say PLAN F ni Kyungsoo.

“Sige na naman o. Please, gusto mo naman akong sumaya diba? She’s my life,” pagmamakaawa niya.

 “Do Kyungsoo, para sa kaalaman mo, pang-anim na plano niyo na po ito para bumalik yung ex niyo,” prangka kong sabi. “Di ka ba napapagod? Limang  plano na ang pumalpak pero nandito ka parin umaasa?”

Kung makapagsalita ka naman, Yukz eh! Wala pa siyang boyfriend, meaning nun hindi pa siya nakakaget-over sa akin at nasa in-denial stage siya. Kaya mag-eefort ako para naman bumalik na siya sakin!” sabi niya with a determined face. “I really love her.”

Ano ba gagawin ko? Ang hirap naman kasi nun eh. Ba’t ba kasi ako pumayag na tulungan ang Kyungsoo na yun? Napasubo tuloy ako.

Alalang-alala ko pa ang mga nangyari na nagresulta dito.

At kung di ako nagkakamali, dito yun nagsimula....

=========================

“Yukz, sige na please. Ngayon lang ako hihingi ng ganitong pabor sa’yo.” Nakaluhod sa harapan ko ang best friend ko at nagmamakaawa.

“Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo. What if di yun gumana? Ako yung dehado diyan.”

“Yuki, promise gagana ang PLAN A ko – or sabihin na nating PLAN A natin.”

“Kyungsoo, hindi ko naman problema kung hiniwalayan ka niya eh. Wala tayong magagawa kung yun yung desisyon niya. I’m so-“

“Yuki!” pinutol niya ang sinasabi ko. “Ikaw yung best friend ko. Ikaw yung pinagsasabihan ko ng lahat ng sama ng loob ko. Kaya, please, tulungan mo ako.”

Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Kyungsoo sa Hyemi na yan? Tatanga-tanga siguro ang kwago niyang mata dahil ang dami pa namang magaganda diyan at much much better kesa sa ex niya.

Kaya di ko alam kung tutulong ba ako at kokonsintihin ang kabaliwang ito o sasapakin ko na si Kyungsoo para naman maalog ang utak niya.

“Yuki, please,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko habang nakaluhod.

Hindi ako sumagot.

“Pretty please,” at pinalaki niya ang malaki niyang mata.

“Tumayo ka nga diyan, para kang tanga.” sabi ko.

“No. Hindi ako tatayo dito kung di ka pumapayag na tulungan ako,” pagmamatigas niya.

OPERATION: To.get.her Again [EXO D.O Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon