Ang kwentong ito ay mula sa aming dalawa ng best friend ko. Mahilig kaming manuod ng sine lalo pa't maganda ang palabas kapag nasa malaking screen. Popcorn, French fries, at Coke ang madalas na kinakain namin habang nanunuod sabayan pa ng lagi naming pwesto, sa bandang likod. Sabi ng iba pwesto daw ito ng ibang taong may mga "kababalaghan o kamunduhan" na gagawin. Haha. Pero ang naranasan namin ng mga panahong ito ay isang kababalaghan na magpapa isip sayo kung babalik ka pa o hindi na.
"Hoy besh anong oras na! Naeexcite na akong panuorin yung bampira na yun." Talak ni Bess sakin.
"Oo na! Aga aga pa eh. Kabubukas pa lang ng mall!" Sagot ko sa kanya.
"Eh hello? Second week pa lang siya sa sinehan! Marami pang manunuod! Tara na!" Pangungulit nito sa akin.
Tanghali na nang makabili kami ng ticket sa sinehan. Bumili muna kami ng snacks para mas enjoy manuod. Maganda naman talaga yung palabas. Pangalawang part na kasi ng storya na tungkol sa isang mortal na tao at sa mga bampira. As usual nasa likod kami nakaupo. Halos wala pang tatlumpong minuto ang aming pinapanood nang mapansin ko ang babae sa bandang likod namin. Hindi ko alam kung may mga kasama siya at kung ilan sila. Tanging boses lang ng babae ang naririnig ko mula sa likuran ko. Paulit ulit lang ang sinasabi niyang "dapat patay". Mahaba ang sinasabi niya pero yung dalawang salita lang ang naintindihan ko.
Akala ko ako lang nakakarinig noon. Naririnig din pala ng best friend ko. Pero dahil may ideya na kami kung ano man yon, gusto pa rin namin malaman kung sino yon dahil na rin siguro sa inis na hindi na namin maintindihan ang pinapanood namin dahil sa ingay niya.
Nasa kalagitnaan na ng magandang scenario ang pinapanood namin ng parang may umiihip sa kabilang pisngi ko. May mainit na hangin akong nararamdman sa kanang pisngi ko. Wala naman akong katabi dahil tanging kaming dalawa lang ang nakaupo sa hanay na yon. Dala ng kairitahan ko ay sinilip ko ang nasa likod nang lumiwanag ang sinehan dahil sa pinapalabas.
Isang babaeng walang buhok, mahaba ang pilikmata, luwa ang mata, at nakalaylay na bunganga na walang dila.
" Nananaginip ata ako. Nakaidlip ako." Sabi ko sa kasama ko.
"Baliw to eh kanina ka pa nga tulala diyan. Tapos biglang sinilip mo yung nasa likod. Sino ba yon? Naiirita na rin ako eh!" Pabulong na sabi nito sakin.
Isang babae ang nakita ko. Hindi ko na lang sinabi sa best friend ko ang nakita ko dahil siguradong magyayaya na umuwi yon, sayang ang binayad namin pag nangyari. Isa pa ay parang ako lang ang binubulabog kaya hinayaan ko ito.
"dapat patay"
"dapat patay"
"dapat patay"Paulit ulit lang ang kanyang sinasabi. Naiirita ako. Sa totoo lang, kapag nasanay ka nang nakakakita ng mga ganitong kababalaghan ay maiirita ka na lang kapag kinulit ka nila. Nag patuloy pa ang pangungulit nito. Puro bulong, paulit ulit na sinasabi at pagyuyugyog ng upuan.
Matapos ang panunuod namin, napansin kong wala namang nanggulo sa kasama ko dahil halata pa sa kanyang mukha na may hangover pa to sa kanyang pinanood samantalang ako ay inis na inis dahil sa panggugulo ng kung sino man yon.
Kinabukasan, panay ang kwento pa rin ni bff sa storya ng pinanood namin. Kung gaano ito kaastig at nakakakilig. Halos hindi na nga ako nakasabat sa kaka-kwento niya. Sabagay, hindi ko rin naman alam kung paano ikukwento sa kanya ang pagsama ng babaeng nanggugulo sa akin sa sinehan sa kanyang bahay.
~~END~~
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Short StoryMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?