CJ's POV
Una kong nakita si Star sa class namin sa Speech Communication. She is really pretty. Medyo boyish pero litaw na litaw pa din yung ganda nya. My friends actually attempted to get her number, but she refused to give it. I never thought na magiging ganito ako ka-attracted sakanya. I saw her one time, nakikipag-away kay Marco.
That was the time na I realized na I am into her. She is one of a kind. Matapang at ipaglalaban kung ano sa tingin niya ang tama. I find it cute sa girls, yung walang kaarte arte sa katawan. Nagkatinginan kami noong araw na iyon. I don't know kung bakit pero nakita ko siyang nagblush. She's really pretty. That moment, I told myself, "I want to know her more".
Kahit half day ko lang siyang nakasama noong field trip, kumpleto pa din ang araw ko. Sobra sobra pa sa kumpleto. I don't know kung anong gayuma meron si Star pero everytime I see her, para akong isang metal na nama-magnet niya.
At last! Monday na ulit. Makikita ko na ulit si Star. Though, magkatext naman kami noong weekends, iba pa din yung nakikita at nakakausap ko siya nang personal. At isa pa medyo busy siya noong weekend dahil nasa bahay siya ng bestfriend niya. Maaga akong pumasok sa klase namin. I've waited for her to arrive. And when she finally came, I approached her.
"Hi Star! Good morning!" I greeted her. Nakipagpalit din muna ako ng upuan sa katabi niya. Maaga pa naman. Mamaya pa darating si Ma'am.
"Good morning din" good morning pa lang ni Star, buo na ang araw ko.
"Kamusta iyong bestfriend mo?" I asked her.
"Iyon ok na naman. Sobrang init kasi ata nung P.E. nila kaya hinimatay at nagnosebleed." she answered.
"Oohh that's good to hear. Buti at ok na sya." I told her. "Ahhh Star, pwede bang magtanong?" I continued.
"Oo naman. Ano ba yun?" Ngumiti siya sa'kin. Ngiti pa lang ni Star, matutunaw na ako.
"Kasi noong Friday, after ng field trip, diba nagmamadali kang umalis?"
"Oo. Anong tungkol don?" nagtatakang tanong sa'kin ni Star.
"Sinundan kasi kita noon. I saw you with Steven. Siya pala iyong kuya ng bestfriend mo. Don't get me wrong ha. Baka isipin mo stalker mo ako."
"Bakit hindi ba?" natatawang sagot niya sa'kin.
"Pwede din naman. Pero mas maganda ang boyfriend kaysa stalker. Anyway, iyon nga. Nakita ko na nagpunta ka sa clinic. Nag-alala kasi talaga ako noon sa'yo e kaya kita sinundan." pagpapaliwanag ko. Mukha namang convinced si Star sa sinabi ko.
"And then?" she asked.
"I overheard you and Steven talking. Papasok kasi sana ako sa loob ng clinic para i-check kung ok ka lang. Nasa may pinto pa lang ako, narinig ko na kayong nag-uusap. Narinig ko kasi si Steven, ahhhh ano kasi... aaaa kasi ano..." putol-putol kong sabi. Ano ba yan CJ, bakit ka ba nauutal.
"Ano nga iyon? Sige na sabihin mo na."
"Narinig ko kasing tinawag ka ni Steven ng loves, uhmmm bakit iyon yung tawag niya sa'yo?" I took a deep breathe.
"Iyon talaga ang tawag niya sakin. Since two years ago? Mga ganoon. Tapos alam niyang ayaw na ayaw ko noon kasi ang baduy, kaya iyon, para makapang-asar, iyon pa din ang tawag niya." she said.
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Teen FictionFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?