You Are Mine (Jungkook)

2.4K 40 4
                                    

Since sometime ago

I've been called you first, more and more

I already call you baby at the places you aren't at

It's quite funny to me too

Ako si Harin Lee at sa buong buhay ko ngayon lang ako naging loner. Absent kasi ngayon ang BFF ko na si Hayi. May sakit daw ang loka, if I know tinamaan na naman siya ng katamaran niya. Hindi man lang ako sinabihan!

Nasa basketball court ako ngayon ng school namin at pinapanuod ang practice game ng St. Anthony Academy's Black Hawk. Hindi ako cutting, lunch break ngayon at wala akong ganang kumain dahil loner nga ako.

Hindi kasi ako sanay ng walang kasama, feeling ko napakakawawa kong tao. Mabuti na lang at allowed dito sa school ang gadgets at may iPad akong katuwang pag missing in action si Hayi.

Pinakikinggan ko ngayon ang kanta ni Teayang na You're My. Paborito ko 'tong kantang to. Sobrang sweet!

You're my chocolate

My sweetest chocolate

I really wanna have you

You who is so sweet

I wanna have you

Wanna have you

Bigla tuloy akong nagutom nung narinig ko ang chocolate. Bakit ba kasi ang takaw ni Teayang sa kantang ito? Ang daming gusto!

Nabaling ang atensyon ko sa may court ng biglang magsigawan ang malalanding kababaihan ng St. Anthony. Of course hindi ako kasama sa kanila... kasi kire lang ako. lol

Bakit sila nagsisigawan? ang magaling na captain lang naman kasi ng team ay naglalakad ngayon sa direksyon naming mga madlang girls.

You heard it right, puro girls lang kasi ang audience ngayon dahil may pakulo ang basketball team.

Ang naganap na laban kanina--- na hindi ko naman pinanuod dahil lutang ako da kawalan--- ay isang ranking match na kung sino ang maging top 5 best player ay may chance na pumili ng makaka-date para sa The Closing Party bukas.

Tradisyon na sa school ang closing party na ginaganap tuwing last month ng school year at after ng final examination. Sa madaling salita ay pampalubag loob sa pahirap na FINALS!!!

Oh well, tumayo na ako at wala akong oras sa ka-echosan nila. Daming arte, pede naman kayang pumunta ng party kahit walang date na kasama.

"AY PALAKA!!!" gulat na napalingon ako sa likuran ko ng may bigla na lang pumigil sa braso ko.

Ang nakangiting mukha ng team captain ang bumungad sa akin.

Jungkook . Basa ko sa isip sa pangalan niyang nakaburda sa damit niya.

Sikat siya sa school dahil bukod sa captain ng basketball team ay member din ito ng BTS ang official band ng SAA. At siyempre dagdag fans sa loko ang kaguwapuhan niya.

Hindi ako isa sa mga fans niya at ngayon ko nga lang siya nakita ng malapitan. Wala kasi kaming pakialam ni Hayi sa ibang bagay bukod sa AKIN, KANIYA, at sa KAGANDAHAN namin.

Pero, anak ng tupang hilaw! ang guwapo niya pala sa malapitan. Nakakaloka ang tangos ng ilong niya, hiyang hiya ang cute ko na ilong. At ang kutis... mukhang lumalaklak ito ng gluta, ah.

Napakurap ako bigla ng ipitik niya ang mga daliri niya sa harapan ko. Bastos 'to, ah!

"Puwede bang mamaya mo na ako pagnasahan. Tanggapin mo muna itong proposal ko..." napakunot noo ako. Proposal? Don't tell me...?

(Jungkook singing)

To you who is looking at me

I'll sing a song just for you

You're my candy

A lolipop candy

I really wanna have you

I really wanna love you

Omay! Sa buong buhay ko ngayon lang ako literal na napatanga sa harapan ng maraming tao. Kasi sa mga oras na ito ay para kaming tanga sa gitna at pinagtitinginan na animo'y may shooting.

Pero hindi iyon ang kinaloloka ko. Ang dami naman niyang kantang pwedeng kantahin bakit ung kanta pa ni Teayang at ung fav. lines ko pa talaga. Tapos, ang dami naman pedeng ibigay sa akin na candy, lollipop pa talaga!

"Can you be mine?" tanong ng hinayupak na si Jungkook na may cute na ngiti. Wala pa kaming isang oras na magkakilala pero mukhang mamamatay ako ng maaga sa atake sa puso. Ang bilis ng tibok ng puso ko. As in! para akong nanakbo ng ilang kilometer.

"Bakit mine? diba dapat yayain mo lang ako ng date? tsk! mali mali ka naman, eh." sermon ko sa kaniya. Well, palusot ko lang ito dahil kailangan ko munang i-process sa matalino kong utak ang pinagsasabi ng mokong na ito. Lagi na lang akong binibigla, eh.

NAKAKALOKA!

Out of the blue, bigla na lang siyang sumulpot tapos Can you be mine? agad ang banat?! at ang mas nakakaloka na biglang nagpatibok ng puso ko ay ang pagkanta nito at pagbibigay ng lollipop. Ang mga bagay na iyon ang hiningi ko kay Lord na sign ng right guy for me.

Nabigla ako ng bigla niyang kurutin ang mga pisngi ko at mukhang aliw na aliw siya sa akin. Impaktong 'to! Ang saya pa samantala ako gulong gulo.

"Silly girl! Of course I'm asking you to be mine because I want you to be my girl... and if you'll say yes automatic na nakadate kita sa party." malapad ang ngiting sabi nito. ANO BA?!!!

"Y-you want me to be you're g-girl? as in g-girlfriend?" joke ba ito? nabu-bully na ba ako nang hindi ko nalalaman?

"Yup, I want you to be my GIRLFRIEND. Makinig ka naman sa akin kanina ka pa lutang, eh. Isa pang tanong Miss Harin Lee at hindi ako magdadalawang isip na halikan ka sa harap nilang lahat." napalunok ako dahil sinabi niya.

Ito ang unang beses na pinatulan ko ang imbitasyon ng basketball club na manuod ng ranking game nila. At hindi ko akalain na ganito pa ang mangyayari... pero, ang weird. Parang tinadhana ang lahat.

Noong una ang akala ko ay pinatulan ko lang imbitasyon nila dahil sa kapalit na chocolate at bored na ako sa solo mode ko. But now, I realize that it's destiny who makes me come here.

It start with Hayi being absent, followed by the invitation with chocolate that i love so much and the signs that Jungkook did.

"So, can you be mine, Ms. Harin Lee? ang bukod tanging babaeng hindi nakakapansin sa kakisigan ko maliban ngayong araw." nakangiting sabi ni Jungkook pero mapapansin sa mga mata niya na kinakabahan siya sa magiging sagot ko.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. I made my decision.

"Do I have a choice?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Ilang sandali rin ang lumipas na tahimik ito bago na-gets ang ibig kong sabihin.

"Yes and that is to be my girlfriend." sabi nito sabay yakap sa akin. Biglang nag-ingay ang mga kababaihan sa paligid. Hindi ko na inintindi kung kinikilig ba sila o aabangan na ako sa kanto mamaya dahil kami na ni Jungkook.

"Thank you. You don't know how much you make me happy, Harin." I hug him back.

Nakakabigla ang lahat pero isang bagay ang sigurado ako... Love comes unexpectedly and you don't need explanation to understand it. YOU JUST HAVE TO LOVE IT!

Lollipop candy

I wanna love....

-Adette Blume

SKOOL LUV AFFAIRS : BTS (one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon