2

19K 330 6
                                    

Dahan-dahan nyang inabot ang kamay kong may posas at tinanggal ito. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi makapaniwalang ganito pala sya, ano bang nagawa ko sa kanya?

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko sa takot, naiisip ko kasing baka ipapain nya ako sa mga applicants nya at ipagahasa. Meron nang fraternity na gumawa nyan at ayoko kong ako ang gamitin nya. May pangarap ako at marami akong responsibilidad na naghihintay.

“please huw--”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapataas ang isang dako ng kilay nya at nakakatakot ang mga titig nya.

“please wala akong nagawan--”

“lets make this easy!” tumango sya, “a deal!” nakakatakot ang mga titig nyang pakiramdam ko pilit nya akong kinokontrol.

Hindi parin natigil ang mga luha ko sa pag-agos. Pakiramdam ko ito na nga talaga yung mga haka-haka about sa fraternity dare.

“work for me” maikli pero nakakatakot.

Nangunot ang noo ko. Anong trabaho? Anong work ang pinagsasabi ng lalaking to?

“be my woman, sleep with me when I need you and ill secure you and your future” napangiti sya.

Umiling ako, ano to fifty shades of gray? Kagaguhan!

“nag-aaral ako ng mabuti, maraming nakaasa sa akin please huwag ako?” halos hindi na lumabas ang mga yun sa bunganga ko sa sobrang panginginig.

Napailing sya. “simply lang naman ang kailangan ko Betina, be my slave or else ibibigay kita sa mga applicants” may halong galit ang mga titig nya.

Napanguso ako at umiling. “NO!” ilang besis akong umiling. “please?” humagolhol ako sa takot.

Umiling sya at kinuha ang phone nya. Pinindot nya ang loud speaker at pinakita sa akin ang pangalan ng fraternity nila.

“ako o ang tatlong po?” nakataas ang isang dako ng kilay nya sa akin.

Humagolhol ako sa kakaiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako. Sikat ang fraternity nila bilang pinamalaki at pinakamalakas sa lahat.

[hello master Sam]

“may nakuha na ba kayo?” pagod nyang sabi.

[wala pa Master, naghahanap parin sila] sabi ng kausap nya.

Napatingin sya sa akin at napailing, “mero---”

Mabilis kong inabot ang phone nya. Nakipagtitigan ako sa kanya, kahit patuloy na tumutulo ang luha ko napatango ako sa takot.

Binaba nya ang tawag at napangiti sya. “good!” sabi nya na kinahagulhol ko.

“now, you’ll going out there like nothing’s happened and don’t do anything bad” ngumiti sya.

Napatango ako kahit naginginig, pinagbuksan nya ako ng pintuan at mahigpit ang hawak nya sa akin hanggang makapasok kami ng apartment nya.

Maliit lang ito, studio type at medyo magulo pa. Pinaupo nya ako sa isang sofa at umupo naman sya sa kama kaharap ako.

Nakayoko ako at ayaw ko syang makita, hindi lang pala sya mayabang kundi masama ring lalaki. Malayo lang sya sa mga naririnig ko mula sa mga may gusto sa kanya.

“here’s the deal!” nilapag nya ang isang papel. “you’ll come whenever I ask you to serve me” nakapatong sa tuhod nya ang mga siko nya at pinaglalaruan ang mga daliri nya. “just plain sex Betina, just that and ill pay you” sabi nya.

Napataas ang ulo ko sa narinig ko. Napapikit ako ng mga mata ko habang pilit na pinoproseso ang mga sinabi nya.

“mukha ba akong pokpok sa mga mata mo?” kinontrol ko ang sarili kong huwag mapasigaw kahit gusto konang sumabog sa galit.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon