6

16.2K 291 3
                                    

Pagkatapos naming kumain nagikot kami at namili, maraming sale kaya bumili ako ng dalawang shirt na buy1 take1 promo ng crissa jeans, hindi naman siguro masama kong lalabas ako ng five hundred sa ipon diba? Bumili din ako ng bagong panties at bra, sale din kasi ang bench kaya sinunggaban ko narin.

Ngayong nasa grocery na kami, naisip kong bilhin lang ang kailangan ko nakasobra na ako sa isang libo kaya dapat kaunti lang bibilhin ko.

Bumili ako ng napkin, panty liner, sabon ko, shampoo at toothbrush, toothpaste, biscuits at milo.

May naipon ako, hindi ko rin ginagalaw ang monthly allowance ko mula sa scholarship ko kaya minsan kapag may ganitong mga sale hinyaan ko talaga ang sarili kong maenjoy ang mga tulad nito.

“Jade, paload muna ako lampas na kasi three” paalam ko kay Jade, hindi pa kasi sila tapos mamili. Baka malate ako.

“ate mauna ka nalang, ako na ang bahalang magsabi sa kanila”

“okay lang ba?” napanguso ako.

Tumango sya, “oo naman, baka kasi mamaya pa kami uuwi kasi plano pa ni Ate Niz manood ng sine”

Tumango ako at nagpaalam, bitbit ko ang mga pinamili ko halos takbuhin ko na ang papuntang sakayan sa labas ng mall. Maraming nakatayo kasi nasa green lights pa at maring kotse ang dumadaan. Pumwesto ako sa tabi para mayaya mabilis akong makatakbo papuntang sakayan sa kabila.

May huminto sa harapan ko na kotse at kahit hindi ko na hulaan kong sino alam ko na agad kung sino ang nakasakay, si Alvaro.

Tumunog ang kotse nya sa unlock. Pinababa nya ang bintana “hop in” sabi nya.

Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya. Bakit naman ako sasakay?

“ihahatid na kita, papunta ako ng cafe” aniya nya.

Napayuko ako at sinilip ang oras 15 minutes to four.

Binuksan ko ang likuran at doon sumakay. “make sure sa cafe ka pupunta”

Napangiti sya at napailing. Nilakasan nya ang aircon at nilagay sa full. Hindi ko nalang pinansin at nasa bintana lang ang mga mata ko, buti nalang at tinted ang kotse nya hindi malalaman ng mga fans nya na may nakisakay sa kanya.

Sa gitna ng byahe nakaramdam ako ng lamig, sobrang lamig.

Pumito-pito sya habang nakikinig sa music na tumutunog. Nagtama ang mga mata namin sa rear mirror nya at napataas pa ang kilay nya. ”Mayabang!” bulong ko.

Binaba nya ako sa gilid ng building kung saan hindi ako makikita na nanggaling sa kotse nya. “ewan mo nalang yan, mamaya mo na kunin” nakangiti nyang sabi.

“huwag na, dalhin ko nalang” kukunin ko na sana pero naunahan nya ako, nilipat nya ito sa harapan para hindi ko makuha.

“thank you sa libreng sakay pero pwede ba Alvaro?” buong lakas ko syang hinarap.

Nagtaas lang sya ng isang kilay sa akin at tsaka bumaba at nilock ang kotse nya. Nauna syang naglakad at iniwan akong parang tanga sa harap ng kotse nya.

Dinungaw ko ang mga pinamili ko at nakitang nasa loob lang.

“tin?”

Napalingon sa may-ari ng boses. ”Ate Elle” ginapangan ako ng kaba pero ngumiti parin ako.

“anong ginagawa mo dyan?” nangunot ang noo nya.

Tinuro ko ang sarili ko at napailing. “nakikisalamin lang” at inayos ang buhok ko.

Napatawa sya. “ikaw talaga, sa lahat ng pwede mong pagtripan sa kotse kapa talaga ni Sam nakisalamin”

Tinuro ko ang kotse, “sinong Sam?” pakunwari ko.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon