Sobra akong nabusy ng isang linggo, midterms at mga requirements. Tapos dagdagan pa ang research namin ni Mikey na marami pang kulang. Nahihirapan narin sya sa mga majors namin na sabay lahat binigay. Scrapbook, Narrative Report, types of Lesson Plan, Seat Plan and Classroom design for each level. Tapos itong Proposal na may petsa nang pagpipilian para sa defens.
TONS:
Still busy? Wen can I hug you? 😊😍Yan ang text nya, kung titingnan mo sya parang hindi ka maniniwalang kay Alvaro yan galing. Hindi kami nagpapansinan at parang hindi magkakilala kapag makasalubong ko sya pero sa text ganito sya ka clingy.
Nasa labas kami ngayon ng dorm at nag-aantay ng pagbukas ng gate. Nanonood sa mga applicants na nagkakarandapa sa pagsurvive sa mga shame challenge nila. Natatanaw ko syang nakaupo mula sa likuran ng kotse nya kasamana ang mga feelingero nyang friends.
TONS:
Y Staring baby? 😉😘Napataas ang kanang bahagi ng labi ko. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Asa kapa! 🙄😒TONS:
😘😘😘 morning sweet heart!Halos masuka ako sa reply nya. Assuming na conceited pa.
Ako:
😕??? Wrong sent ka baliw!TONS:
Hehehe 😘😘😘 text u later tin.Napaangat ako ng tingin sa kinaroroonan nya. Napatayo sila at umalis. Bago nya pinaandar ang sasakyan nya nagtama pa ang mga mata namin. Nauna akong yumoko at di na sya nilingon ulit.
Pagpasok sa dorm, naabutan ko ang mga roommates kung naghahanda na para sa mga klase nila.
"Grabe naman tin, matulog ka naman minsan... stress kana masyado" si Niz
"Hello!" si Grace.
Kumaway lang ako at dumapa sa kama ko. Pakiramdam ko kailangan ko na talagang matulog ng mahimbing. Yung tipong makakapagpahinga ako ng maayos.
Kahit nakapikit ang mga mata ko nagtipa ako ng text para kay Mikey.
Ako:
Pwede matulog naman tau mamaya?Natulog ako kahit kaunting minuto lang ang pagitan para sa next na klase ko. Sinulit ko ang trenta minutos kong pahinga.
Nang tumunog ang alarm clock ko, kahit nakapako pa ang katawan ko sa kama napilitan akong bumangon para sa klase ko.
Para akong lumulutang sa hangin nang lumabas ng dorm, wala akong ganang kumain kaya dumiretso na ako pero di paman ako na nakalampas ng cover walk sinundan nya ako, "tin hop in" yan ung sinasabi nya, sinubukan kong ideadma lalo na't antok na antok pa ako pero di talaga sya natinag sa pangungulit nya. Plano ko sanang tumakbo kaso alam ko naman hindi mapipigilan at maraming estudyante sa di kalayuan.
"May klase ako!" Inis kong sabi nang makasakay ako
Hindi sya umimik hanggang sa ilabas nya na sa gate ang kotse.
"Hoy may klase ako" inis ko syang pinalo sa braso.
"Alam ko" tipid nyang sagot at ngumiti.
Nanatili ako sa bintana nakatingin hanggang makarating kami sa apartment nya.
Nauna syang pumasok, hindi ko sya pinapansin, pinaandar nya ang aircon at tv nya. Hinubad nya ang suot nyang leather jacket nya at kumuha ng damit sa closet.
Inabot nya sa akin ang stripe na pajama at manipis nyang shirt na nagustuhan ko nong unang pinasuot nya yun sa akin.
"My klase nga ako!" Hindi ko napigilan sumigaw sa inis. "Exam ko"
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...