10

16.7K 302 5
                                    

Pagdating sa bahay nya, nauna akong matulog kumpara sa kanya. Naglaro pa sya sa desktop habang ako bumawi talaga ng tulog.

Maaga akong nagising, hinatid nya ako likod ng dorm at dumiretso sya sa sa frat house nila.

Naabutan ko ang mga roommates kong maagang naghanda, "walang pasok diba?" Gulat kong tanong sa kanila.

"Ayaw mong sumama? Maglilibot kami ngayon sa mga display" si Niz.

Umiling ako, "my duty ako ngayon para mamayang gabi hindi ako makaduty"

"Busy kayo ngayon kasi maraming tao" si Jade.

"Oo eh" napangiti ako. Dumapa ako sa kama ko at inamoy ito. Mabango pa naman so pwede pang next time na labhan.

"Sure ka bang di ka sasama?" Si Grace. Nakanguso sya. "sisilipin namin yung ukay-ukay don"

"Sorry talaga, nakapromise na akong morning ako magduty para mamayang gabi makapag-aral ako"  nakanguso ko ring sagot.

"Ikaw na ang dakila" si Niz.

"Tama!" Sang-ayon ni Jade.

Maaga silang umalis para mas marami raw silang makita at mapili. Mas maaga mas magaganda raw ang mabibili nila.

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, umalis agad ako para maidaan sa smart padala ang pera para kay Billy. Magpapadala ako ng 2000 para narin sa pagkain nya at pamasahe.

Buong araw akong nagtrabaho, bumawi ako sa absent ko kahapon. Kahit marami akong oras na nakaimbak, mas gusto ko parin ang bumawi para hindi sila maghinala sa biglaang mga nangyayari sa buhay ko.

Tulad ng inaasahan ko maraming costumers ngayon. Napagod ako buong araw. Halos sa serving lahat ginawa ko, pumasok lang ako sa kitchen nang dumating ang grupo nila. Ayoko na maghinala ang mga tao lalo na grabe sya makatitig.

Habang nakaupo ako sa high stool at nag-aantay ng order nagvibrate bigla ang phone ko. Napangiti ako ng makita ang pangalan nya.

TONS:
I will wait you on the same ground.

Napangiti ako, hanep ng ground. Alas otso ako nag-off. Dinaan nya ako sa dorm pero sa madilim sya nagpark. Kinuha ko lang ang mga pag-aaralan ko at ang research namin ni Mikey. Buti nalang at hindi pa nakauwi ang mga roommates ko. Kaya hindi ako nahirapan magpaliwanag.

Nakapangako kasi ako kay Anton na sa kanya ako matutulog.

"Dinner muna tayo?" Tanong nya.

"Di kapa nakakain?" nagtataka kong tanong. Nagsnack sila kanina sa cafe pero kanina pa yun alas tres.

Umiling sya at ngumiti. "Hindi ako sumama sa trip nila, mag-iinoman kasi ang mga yon ngayon"

Napatango nalang ako. Gusto ko sanang sabihin na sa bahay nalang kami kakain pero nahihiya ako, napanguso nalang ako nang magdrive thru sya sa kfc.

Umorder ng kung anu-ano at sa bahay na kami dumiretso. Wala akong planong mamasyal ngayon kasi maraming taga university ang nagkakalat, baka may makakita sa amin at maissue pa kami.

Kumain at nagkwentuhan, naligo at after that nagsimula na akong magstudy. Ako sa bed habang sya naglalaro sa desktop nya. Binuklat ko ang proposal at sinilip kong may mga correction ba, meron pero kaunti nalang.

"Tons pasingit ako dyan mamaya paedit lang nito" nilingon nya ako at tiningnan ang hawak ko.

Tumayo sya at may kinuha sa backpack nya, binuksan nya ito sa tabi ko. Notebook na manipis. Halatang mamahalin dahil sa design nito at ang sinisigaw ng umiilaw na brand. "11131998" napakunot ang noo ko. Password ko rin yun ah?

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon