Si Crush
(one-shot story)
By: FallenAngeLinPINK
“Hi Crush!”
“Hello Crush! Kamusta ka na?”
“Kumain ka na Crush? Tara sabay ka samin!”
“Uy Crush, may homework ka na? Pakopya naman oh!”
“Crush, I LOVE YOU!”
*****
Ayan at ayan lagi ang maririnig mo pag pumasok ka sa magulong mundo ng section namin.
4th year highschool na kami at isang buwan na nga lang ay gagraduate na kami.
Ako si Lionel Cruz. Isang torpeng gwapong lalaki. Walang pakialamanan ng trip. Eh sa gwapo ako eh bakit ba?!
Siya si Crush.... ang babaeng matagal ko ng gusto kaso nga TORPE nga ako di ba? Di pa kasi ako nakagraduate sa Torpe University eh. Yan tuloy!
“Crush! Tara sama ka samin!”
Ayan niyayaya na naman siya ng mga kaklase namin na manuod ng basketball. Ang tomboy talaga nun kahit kelan! Enjoy na enjoy kasi yun manuod ng mga laro eh. Tsk!
CRUSH JANINE CLEOFE ang fullname niya. Ayos ba? Kaya wag kayong magtaka kung bakit halos lahat ang tawag sa kanya ay Crush.
Pero minsan sinasabi niya na CJ na lang daw itawag namin sa kanya. Nakakailang naman kasi na tawagin kang Crush ng tao diba?
Bakit kasi ganun yung pinangalan sa kanya ng magulang niya?
Yan tuloy.....
Nagka-CRUSH ako sa kanya!
Di ko siya type sa totoo lang! Pero may something sa kanya na hindi ko malaman kung ano at iyon nga, nagising na lang akong gusto ko na pala siya at ayun, TORPE pa rin ako. Grabe! Ang gwapo ko pero ang torpe ko! Bakla amp!
May pagka-boyish kumilos.
Cute.
Matalino.
Maputi.
Matangkad.
Stylish pero pa-astig lagi yung style.
Drummer ng banda.
Ayan si Crush Janine Cleofe ko. Makaangkin ako noh? Walang basagan ng trip!
BINABASA MO ANG
Si CRUSH...(one-shot story)
RomanceA one shot story tungkol sa lalaking graduate na ng TORPE UNIVERSITY! PAANO? Simple lang, UMAMIN SIYA? kaso PAANO ulit? Alamin kung paanong ang CRUSH niya ay naging MAHAL niya!