Page 1

6 2 0
                                    

Decode the code: Mission Find the Others.

Naglalakad ako sa kalsada papuntang school. Mag-isa lang ako dahil nauna na sakin ang mga kaibigan ko.

Pagkarating ko sa school ay wala akong nadatnan na kahit sino. Maski ang guwardya. Sa pagkakaalam ko naman ay may pasok. Isa na din sa rason ay nakasabay ko kanina ang kaibigan ko at nakasuot din siya ng uniporme katulad ko.

Dumeretsyo na lang ako sa room namin dahil baka nandoon lang sila. Maaaring late na din ako.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang walang humpay na katahimikan. Mga bakanteng upuan na may mga nakapatong na bag. Saradong mga bintana at mga ilaw na nakasara. Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang nakasulat sa blackboard namin. Nangunot ang noo ko.


HGJOQTPOATBHQEXFCAPCWUMLRTVYV

Hint: Kanang Wing.

"What?" tanong ko sa sarili.

Lumapit pa ako doon at mas binasa pa ang nakasulat. Nakakahilo.

Nag-isip pa ako nang kaunti pero wala talagang kahit anong pumapasok sa utak ko. Kapag isa 'to sa trip ng kaklase ko ay malilintikan talaga 'yon sakin.

Naghalukat na lang ako sa mga bag na nandito dahil baka nga maaaring isang prank lang ito at baka may biglang lumabas.

Napansin ko ang isang notebook sa ilalim ng upuan ng isang kaklase ko. Wala sa sariling kinuha ko ito at binasa.

Notebook pala ito ng kaibigan ko na si Bea. Tanda ko pa nung pinuno namin ito ng mga logic at mga mahirap na tanong na sinagot namin.

Teka! Mahirap na tanong...

Mabilis na binuklat ko 'to sa pinakalikod at nakita doon ang isang code na sinagutan namin. Ipinagkumpara ko 'to sa blackboard at pareha sila!

Dinala ko ang notebook ko sa harap. Pinunit ko ang page nito at idinikit sa blackboard katabi ng nakasulat.

Ang sa pagkakaalam ko kasi dito ay dapat mag-isip ka muna ng message bago maglagay ng letra sa bawat gitna ng sulat.

Ilang minuto ang nakalipas at tama nga ako!

"HGJOQTPOATBHQEXFCAPCWUMLRTVYV."

Yes!

Mabilis akong dumeretsyo sa faculty room. Habang tumatagal ay nae-excite ako.

Pagkarating ko sa pinto ay sarado ito.

To be continue...

Mission: Decode The CodeWhere stories live. Discover now