Mike Pov!Napatingin ako kay Doc Marquez sa tanong niya. Nandito pa rin ako sa hospital room habang nakaupo.
"Sigurado ka ba talagang iniinom mo ang mga gamot na binibigay ko sayo?" napailing ako.
"Hin..hindi na."
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa sarili mo?"
"Huwag po kayong mag.alala Doc simula ngayon iinumin ko na yun." napahawak ako sa dibdib ko. Bigla kasing bumilis ang tibok ng dibdib ko.
"Bakit? Anong nararamdaman mo?
"Wala po. Bumilis lang ang tibok ng puso ko."
"Epekto lang yan ng mga gamot. Sana totoo ang sinasabi niya. "Bakit ba kasi may mga pasyente na kasing kulit mo. Kung wala lang akong utang na loob sa lolo mo baka matagal na kitang isinumbong. Bakit ba kasi ikaw ang binibigyan ko ng pabor sa kalokohan mong to. Kung hindi lang kita inaanak baka pinapunta ko na dito ang mga magulang mo."
"Salamat po sa pag.intindi niyo."
"Kung hindi mo man lang susundin ang lahat ng sinasabi ko sayo huwag ka ng magpasalamat sakin." may kumatok sa pinto, isang nurse at mukhang hinihingal pa.
"Bakit?"
"Pasensiya na po pero may kakarating lang na pasyente. Nasa ER po."
"Sige susunod ako." umalis na ang nurse at tiningnan niya ako. "Last chance mo na to kaya umayos ka." tumango na lang ako at siya naman patakbong lumabas ng room. Lumapit naman sakin si Manong.
"Ano bang iniisip mong bata ka? Gusto mo na ba talagang mamatay? Akala ko ba iniinom mo ang mga gamot mo?"
"Akala ko kasi yun na ang gusto kong mangyari, ang mamatay na lang total wala na rin lang namang magbabago kahit gumaling pa ako."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Pero mukhang may gusto pa akong gawin. Mukhang dapat akong magpasalamat sa panaginip kong yun. Kahit mawawala na ako dito sa mundo gusto man lang sanang makahingi ng tawad kay Lory at magkaayos kami."
"Ano ba ang pinagsasabi mo na mawawala ka na?"
"Manong huwag kayong mag.alala nakahanda na ako sa pwedeng mangyari pero gusto ko sana na bago yun mangyari sana magkaayos kaming dalawa at kung mamamatay man ako sana nasa piling ko siya at sa bisig niya ako mamamatay."
"Tigilan mo yang kalokohan mo! Kung hindi ka pa nanaginip hindi ka pa titino."
"Ayyy, Nakakabagot dito sa loob. Manong labas muna tayo. Gusto ko lang sanang makalanghap ng sariwang hangin."
"Iniiba mo na naman ang usapan. Ayaw mo talagang pangaralan kita ano? Gabi na. Bukas ka na lang lumabas."
"Sige na Manong. Nasasawa na ako sa amoy ng mga gamot dito."
napakamot na lang siya sa ulo."Lumabas ka na rin kagabi kahit bawal. Sige na nga. Teka lang kukuha ako ng wheelchair."
"Huwag na Manong kaya ko namang maglakad." tumayo na ako at tinanggal na ang dextrose sa pagkakasabit sa bakal na nakatayo sa tabi ng kama ko.
"Hindi pwede."
"Manong naman. Baka malumpo ako nito dahil hindi na ako nakakapaglakad at ano ba ang ikinatatakot niyo? Nasa hospital tayo. Manong pahiram naman ng sombrero mo. Baka may makakilala sakin sa labas." baka may makakita pa sakin dito. Mahirap na baka mabulgar pa ang sekreto ko.
"Kulit mo talagang bata ka. Suot mo na tong jacket." pinatong ko na lang ang jacket sa balikat ko dahil hindi ko namamn yun masusuot dahil sa swero. "Malamig na sa labas. Ayoko namang lumabas ng nakadamit panghospital. Halika na." kinuha na sakin ni Manong ang dextrose at nagsimula na kaming maglakad palabas.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...