Umbrella Girl [One Shot]

8 0 0
                                    

Umbrella Girl ©

By: Jelinsane

--

Jin's POV

Uwian na at umaambon. Tsk. Wala pa naman aong payong.

"Uy pare, sasakay ka ba sa train station?" tanung ni Jade

"Oo, umaambon pre e." 

"Eh pano yan pare, lalakad ka din papuntang train station diba?"

"Tatakbuhin ko na lang yun" pagsisigurado ko sa kanya

"Karaming naghahandang magbigay ng payong sa yo oh!" tinuro ni Jade ang pintuan ng room kung saan ang raming babaeng nakadungaw at may hawak na payong. Aanhin ko naman yang mga yan. Sa lahat ng ayoko mga desperadong babae. Tss. Makaalis na nga.

"Sige Jade, alis na ko" sabi ko. 

"Pare, teka, panu ung mga chicka babes?!" sira ulo tlaga to

"Sayo na silang lahat! Geh"

Doon ako dumaan sa may bintana. Tumalon ako at tumakbo na papuntang train station.

Sa pagtakbo ko, di ko namalayan na unti unti na palang nawawala ang patak ng ulan. Haay. tumila din. 

Pero..

*THUNDER SOUNDS* *RAIN FALLS*

Ah shit. Akala ko mawawala na, lumakas pa pala. Kailangan ko ng payong.

Naglakad ako ng mabagal. Lagot na naman ako pag-uwi e.

Pero parang nawala na yung buhos ng ulan, at may anino sa gilid ko. Pagtingin ko sa likod, isang babae na may bitbit na payong ang nagpapayong sa akin. 

"Kuya, okay ka lang?"

"H-Huh, ah oo. Okay lang ako. Salamat nga pala" 

"Ah okay lang yun kuya. Pupunta ka rin ba sa train station?"

"Ah oo e. Teka huwag mo na akong tawaging kuya."

"Huh? Bakit naman?"

"2nd year ka din pala e. Yan oh. Sa I.D mo"

"Ay. hehehehe."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa train station

"O sige kuya. Bye bye"

"Sang train station ka ba?"

"2 e"

"Ah, sa 3 kasi ako e"

"O sige. byebye na kuya" at ngumiti siya sa akin habang nagwewave goodbye.

Sa mga sandaling iyon, alam kong may naramdaman ako.

Yung feeling na nag'tugtug tugtug' yung puso ko

Yung feeling na sabi nila ay 'nainlove'

Hahahaha. Napapatawa na lang ako.

Kasi kahit anong gawin ko.

Di ko na makikita ulit si Umbrella Girl.

THE END

Nagtataka po kayo kung bakit di na niya makikita? Naikwento po kasi ni girl na lilipat na sila sa Seoul, Korea bukas. Ay ang sad ng ending?! HAHAHAHA Yaan niyo po. Pag gumawa po ulet ako ng one shot, yung sobrang nakakakilig na ending ang gagawin ko. Hahahaha. Thankies po sa lahat ng bumasa!

Signing off,

JELINSANE28

Umbrella Girl [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon