Chapter 27

471 19 2
                                    

Busy silang lahat sa pag lilinis samantalang ako naka upo lang na parang Princesa. Mag relax lang daw ako, kasi kaya na daw nila.

Haisst sa totoo lang nakakapanis na ng laway pota. Di ka nila kinakausap na parang walang Tao sa harap nila. Like hello nandito ako kausapin nyo naman ako. Tsk pero wala di nila ako pinapansin nakakabadtrip alam nyo ba yon?haisst. Tapos idagdag mo pa ang boyfriend ko na kanina ko pa hinahanap di ko sya makita. Saang lupalup kaya pumunta ang gagong yon di manlang sinagot ang tawag at text ko. humanda sya mamaya dahil mapupuno ang tenga nya sa kakasermon ko.

Biglang dumaan si Sir Jason kaya hinarang ko.

"Sir Jason saglit lang"

"Stef busy ako. Mamaya kana magtanong mag co-close na tayo"

"Ang aga naman para mag close sir"

"Yan ang order ng boss kaya sinunod ko lang"

"Teka nasan ngaba si Boss ken ba't kanina ko pa sya di nakikita"

"Bakit miss mo na sya"

Feeling ko uminit ang mukha KO.

"Gago! Hindi noh ba't ko naman sya mamimiss di ko naman sya kaano-ano"

Pagdadahilan KO.

"Kung di mo sya na miss,Ba't mo sya hinahanap"

Pota sarap hampasin itong si Sir Jason lakas mangbara.

"Utang na loob sir Jason sagutin mo nalang ang tanong ko"

"Anong isasagot ko sayo. Di ko din alam kung nasan sya"

"Pota malilintikan talaga ang gagong yon sakin"

"Anong SabI mo"

"Wala sabi ko ang pogi mo"

"Aw!matagal ko ng alam stef don't mention it haha"

"Pota feeling mo din Sir ano?kapal ng mukha"

"Itong mukhang to ang habolin ng chiks kaya wag kana kumuntra stef."

"Baliw"

Natawa sya sakin tapos umalis na. Ako naman nagtitigpi na sa galit ko.

Potang ina Ken Loren pagnalaman ko lang na nangbababae ka i swear lintik lang ang walang ganti.

************

Nagsiuwian na kami kahit 6:30 palang. Gusto ko pa sana mag stay sa Restaurant para hintayin si Ken kaso sinasara na ito ni Sir Jason kaya no choice ako nag decide nalang akong umuwi.

Habang nasa taxi ako di ko mapigilan ang sarili ko. Napa iisip kung ano ang ginawa ni Ken buong araw. After namin magkita sa Storage room umalis na sya ng di nagpapaalam kaya heto ako ngayon nakaramdam ng lungkot at nasasaktan ako kasi di nya manlang sinagot ang tawag ang text ko.

Haisst ito na ang kinakatakutan ko baka masaktan lang ako. Alam ko naman una palang playboy na si ken pero pumatol parin ako sa kanya. Tanga ko diba! Ba't nainlove ako sa boss ko na playboy tapos heto ako ngayon magagalit,naiinis. Haisst first love ko pa naman sya. Sana hindi magkakatotoo ang mga iniisip ko baka iwan nya ako at may nakita syang maganda at sexy. Alam nyo naman para akong tibo pero pusong babae ako,kahit napagkamalan akong tomboy 100% babae parin ako. kaya nga nainlove ako sa boss ko. Sana mahal din ako ni Ken, sana di nya ako lolokohin gaya sa ginawa nya sa mga Ex Girlfriend nya dati. Natatakot ako bak. iwan nya ako haissst~

"Miss nasa address na tayo na binigay mo. Wala ka bang Plano bumaba"

Napatingin ako sa bintana nasa harap na pala kami ng bahay.

When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon