LAUV's
Habulin ng lalake, Kinaiingitan ng mga babae, mayaman, maganda, at sikat.
Lauv Ysabella.
Yes.
It's me.
Yan ang tawag sakin sa aming campus.
I am the girl na kung tawagin ay "total package" o di naman kaya ay
"girl of your dreams."cliché? I know right.
I am Lauv, Lauv as in L-O-V-E.
LOVE.
Ano nga ba ang love?
yan ang depinisyon ko sa lalakeng nagngangalang Zanj.Simula noong freshmen pa lang ako hanggang ngayong graduating na kame, si Zanj lang ang kinahumalingan ko.
Hindi s'ya sikat. Kaibigan n'ya? Either bola o gitara
.Hindi s'ya friendly. Wala s'yang girlfriend. Sobrang empty ng awra n'ya everytime na magkakasalubong kame sa hallway.
He's nobody.
Sabi ng iba.
But for me? he's one of a kind.
He's my man of my dream.
Kung titignan ang lebel namin ni Zanj sa campus na 'to ay walang wala s'ya saakin. Napaka simpleng estudyante n'ya lang. Nageexist, but hindi s'ya ganon ka pansinin.
Minsan gusto ko na s'yang i-approach. Cause why not?
You only live once.
If there's a chance, go for it! wag mong hayaan na maging bato pa ang tinapay.Pero kung gaano kaganda ang pagiging famous ko sa paningin ng iba, yon naman ang pinaka pinaka pinaka iinisan ko.
Araw araw, may manghaharana saakin. Hindi naman kaya ay ipapatawag ako para lang sa surprises. Puro chocolates, teddy bears, and letters ang locker ko. Bukod don, napaka busy kong tao. Swimmer athlete ako ng campus na to.
Oo magandang maging maganda, pero di ko sinasabe na masaya ako sa gantong buhay.
Aanhin ko lahat ng meron ako, kung yung taong gusto ko ang wala saakin?
kahit ilang beses ko pang gustuhingg makausap si Zanj, sobrang walang time.
Isang beses pa nga sa cafeteria, nakatingin na s'ya sakin at ramdam kong ngingitian n'ya ako at lalapitin. Sobrang laki ng ngiti ko.
Sobrang pula ng pagmumukha ko. At ambilis bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa may isang lalake nanaman ang humarang saakin para magbigay ng chocolates at mga teddy bears.
Panira naman oh!
Sabi ko sa sarili ko. Ito na yun eh! ito na! kaso nawala pa.
Ayos naman lahat. Pasulyap sulyap sakanya. Pangiti ngiti tuwing nakikita s'ya. Pasimpleng kilig habang natatanaw s'ya.
Until one day nagkukumpulan ang mga tao. Hindi ko alam kung ano nanaman 'tong pakulong 'to pero nagtitilian sila. Hinila ako ng isang kaklase ko para daw masaksihan ang nangyayare.
My heart froze. My eyes suddenly stopped blinking.
Gustong gusto ko si Zanj. Sa buong buhay ko sakanya lang ako nagkaganto. Never ko naman nabalitaan kung may nililigawan s'ya nor girlfriend. Pero bakit ganto? ang sakit sakit naman yata ng nararamdaman ko ngayon? hindi ko ineexpect 'to. Yung fact na malabong maging kame ay ang sakit sakit na.
Pero yung nakikita ng dalawang mata ko na ngiting ngiti s'ya sa kaibigan ko, habang may banner na
"will you be my girlfriend"ay sobra sobra na.
nakakapatay? more like pinapatay ka mismo harap harapan.. ganun ka sakit.
Sa sobrang sakit ay tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo.
To the point na hindi ko na alam kung saan ako napunta.Here I am, sa duyan, habang hinahangin ang mahahaba kong buhok at patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
Bakit s'ya pa? yung taong sobrang malapit sakin, bakit s'ya pa?ang sakit isipin na ang matalik na kaibigan ko pa.
Siguro nga ganon talaga? Pinapakilig ka ng tadhana. Winawarak ang puso mo. Pinapaluha ang mga mata mo. Pinapasama ang loob mo.
Pero kung kayo talaga ang itinadhana, kayo talaga. Baka kasi pinagtagpo lang kayo, pero hindi itinadhana. Pinagtama ang landas pero hindi magiging kayo, at dun na lang yon mag wa wakas.
Sa huling luhang pumatak sa mga mata ko ay ang pagsabay sa pagtayo ko sa duyan na kinauupuan ko.
Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa. Siguro nga ay dapat na akong magmove on, kahit naman hindi naging kame. Ni ngiti nga ay wala akong natanggap sakanya. Tama na siguro to Lauv......Tama na.
ZANJ's
Sa bawat ngiting nakikita ko, sa mga buhok mong sumasabay sa galaw mo, mga malambing na galaw mo sa mga taong humahanga sayo,
mas lalo mo akong binibigyang dahilan para iwasan ang pagiging torpe.Freshmen palang, napansin na kita. Ang simple mo, maputi, may pagka chinita, katamtaman ang tangkad, katamtaman ang pangangatawan, at higit sa lahat mapangakit na mga mata.
Unang kita ko palang sayo, inangkin mo na kung sino ako.
Pero the moment na nakita kita, alam kong sobrang layo na natin sa isa't isa. Alam kong magiging sikat ka. Pagkakaguluhan ka. In short, hindi ka mapapasaakin.....
Lumipas ang mga taon, graduating na tayo. Tama nga ang hinala ko, sobrang sikat mo na. Sobrang mas gumaganda kapa. Masyado ng mahabang taon ang hinintay ko para aminin ang nararamdaman ko para sayo.
Eto na ang pagkakataon ko. Papalapit na sana ako sayo sa cafeteria ng biglang may lalakeng humarang sayo. May dala nanamang chocolates at teddy bears. Isa nanaman sa nabihag ng kagandahan mo.
But this time, sobrang ngiti ang nakita ko sayo. May kakaiba sa mga mata mo. At the moment na nakita kong iba ang tingin mo, doon na sinabe ng isip ko na tigilan na kita. And yes, urong sulong nanaman ako.
Hindi nanaman ako natuloy. Umalis ako at hinayaan kung ano ang nakita ko.Tama naman. Ano ba ako? sobrang simpleng lalake ko lang. Aral, bola at giatra lang ang kaibigan ko.
E ikaw? ikaw ang depinisyon ko ng salitang everything. Nasayo na ang lahat. Lahat lahat, Lauv.
Pero kahit kailan hindi mabubuo ang salitang iyan kung may Zanj sa buhay mo.
And I guess this is the right time to end what I always wanted to begin....
Tatapusin ko na ang dapat inumpisahan ko.
Mali man ang gagawin ko, I know sa huli magbebenefit ren naman ako dito. Niligawan ko ang kaibigan ni Lauv.
Oo mali. Oo hindi fair. Pero pwede bang kada makikita ko si Neri ay si Lauv nalang ang naaalala ko?
pwede naman sigurong ituon ang pagmamahal ko kay Neri? dahil magkaibigan naman sila ni Lauv?
pwede naman siguro yun? mamahalin ko naman siguro si neri sa huli? makakalimutan ko naman siguro si Lauv?Sobrang sakit lang ng mga pangyayare kaya ko 'to nagagawa. Pasensya kana lauv ha? kung ginamit ko ang kaibigan mo? siguro nga't pagtatagpuin ang landas naten sa panahong kasama ko si Neri at maaaring mahalin ko rin siya sa dulo.
Pero sinisigurado kong kahit kailan ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo.
Hanggang doon na lamang.
Dahil kahit kailan, hindi magiging tugma ang babaeng makikita mo na sakanya ang lahat lahat saaking
isang nobody lamang.
YOU ARE READING
Regrets
Short Story-- There's a million of chances that we can have. But In the end we only regret the chances that we didn't take.