Wala na Talaga
Tuwing nakikita kita
Di ko na magawang matulala
Wala na yung sabik na nadarama
Wala na yung ako na kakaba kabaTuwing nakikita kita
Naglaho na ang saya
Wala na yung pagmamahal ko
Ubos na sa. pagsasayang moTuwing nakikita kita
Sakit ay di pa nawawala
Hapdi ng kahapon na yong dala
Nabawasan lang pero nandito paTuwing nakikita kita
Normal na aking mata
Nakikita na kita gaya ng iba
Walang pagmamahal na kasamaTuwing nakikita kita
Wala na talaga
Lumubog na lahat ng nadarama
Tinangay na rin ng hangin ang alaalaWala na talaga
Tapos na ako maging tanga
Pauulit-ulit, nakakasawa
Tama na, wala na talaga
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala