P R O L O G U E
Nakaplano na ang lahat sa buhay ni Raezyl-magiging isa siyang sikat na manggagamot sa buong bansa pagdating ng araw, silang dalawa ng nobyo niya. Ngunit nang magre-routing ang tadhana, isa sa mga naapektuhan ang highway ng buhay niya. Niloko siya ng kanyang nobyo at nalaman niyang ipinagkasundo siya ng pamilya niya sa lalaking ni hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya—kay Draean Thompson—upang masalba ang papalubog na negosyo ng angkan nila. At wala siyang choice kundi ang magpakasal kay Draean.
Hindi niya inaasahan na magiging masaya siya sa piling ni Draean. Napaka-supportive nito, lalo na sa pangarap niyang maging magaling na doctor. He calls her his "shinelight" dahil siya raw ang muling nagbigay ng liwanag sa buhay nito. Halos nakasisiguro na siyang pareho sila ng nararamdaman—because she was already in love with him—at ang tanging kulang ay ang ideklara nila iyon sa isa't isa.
Ngunit bumalik ang babaeng unang minahal ni Draean.
At iyon ang nagpabago ng lahat.
💓💓💓
Date Started: August 4, 2017
A/N: About the cover, i still don't have any idea on what to put in there so please bare with me 🤗 sooner or later, if ever, may cover na ito. SOOO YEAHHH NEW STORYY AND I HOPE MATATAPOS KO NA ITO HAHAHA!! SO SIT BACK, RELAX, AND ENJOY READING!! 😘👌🏻 woops don't forget to vote, comment and sharelalooo~ God bless!! 💗
© ALL RIGHT RESERVED 2017
