Sikstin

117 6 0
                                    


Malungkot na tumango si Tita Minerva nung sinabi ko yung totoo. Na hindi ako buntis. Na nasabi ko lang yon kay Tyrone dahil sa kalasingan ko at likas na katangahan ko.

"Sorry po talaga tita." Nakaluhod pa rin ako. Alam kong hindi na niya ako papatawarin. Baka nga hindi na niya ako ituring na family friend nila. Pero sila na lang ni Tyrone ang pamilya ko. Wala na.

"I'm sad." Sabi niya na lalong nagpabagsak ng balikat ko. "Because it's not true."

Umangat yung tingin ko sa kanya. "Tita, ano pong—"

"Well, I've been waiting for you and Tyrone to give me a grandchild. But..." Huminga siya ng malalim. "Siguro matagal-tagal pa ang hihintayin ko." She smiled. "Alam mo bang sobrang natuwa ako nung tumawag sa akin si Tyrone at hiningi niya ang tulong ko? Dear, mas kabado pa siya kaysa sakin!" Hindi ko alam kung paano pa niya magawang tumawa sa malaking epic fail na nagawa ko.

"Tita, hindi ka galit sakin? Kasi—kasi hindi naman totoo yung—"

"No, no, it's okay." She cupped my face. "Sana sa susunod na tumawag sa akin si Tyrone, totoo na yung balita niyang buntis ka."

Si tita talaga. Hindi ko alam kung bakit ganito siya. "Tita, kailan daw po ba ang uwi ni Tyrone? Kailangan ko siyang kausapin ng personal—"

"Ah, speaking of my son, sabi niya babalik na siya mamaya. Pero hindi niya sinabi kung anong oras." She squeezed my hand. "Don't worry about Tyrone. He will understand."

Pagkaalis ni Tita, napahiga na lang ako sa couch.

Lesson learned, Yvonne. Wag ka nang iinom ulit.

Maaga akong nagising dahil alam kong maagang pupunta si Tyrone dito sa apartment. At yung maaga sakin, meaning, 11 am. I'm sure pupunta siya rito. Ganun naman kasi lagi yung kapag galing ibang bansa, pupunta siya dito para ibigay yung pasalubong niya. Pero this time, hindi ko alam kung may makikita akong pasalubong or dala niya lang yung sermon niya sa akin.

Bakit kailangan mong matakot sa unggoy na yun?

Napatalon ako sa katok. Nag-recite na ako ng Our Father bago ko buksan yung pinto.

Sinadya kong hindi tumingin sa kanya. "Welcome back." Bulong ko.

"Thanks." Parang hindi ako makahinga nung pumasok siya ng apartment ko at siya mismo yung nagsara. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya. Sa pagkakarinig ko naman sa boses niya kanina, okay lang naman. Hindi siya galit or what.

Ewan ko lang.

"Ahm, yung..." Come on, Yvonne! Hindi ka puputulan ng dila! "Yung nasabi ko the last time I called you, ahm, ano, wala lang yon. Hindi totoo yon."

"I know." He said cooly. Okay, hindi siya galit.

"Sobrang lasing lang siguro ako nun kaya—"

"This is a perfect reason why you should stop drinking whenever you want to."

Tumango ako. "Yun nga rin yung... na-realize ko."

"Well at first, I thought it's true." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at sinalubong ko yung tingin niya. "I thought you were really pregnant."

Nanlaki yung mata ko. "Ibig sabihin, pinagsamantalahan mo talaga ako noong—"

"Hell no! That's not what I meant! Damn it." Napakamot siya ng ulo. "Akala ko may nangyari sa inyo nung... damn that bastard."

Si Lawrence?

"Excuse me, hindi ako ganun kalandi." Here goes my ego again. "Well, humaharot ako sa mga type kong boys, pero hindi ako ganung babae na mabilis bumigay—"

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon