Nayntin

112 7 0
                                    



"But I've got a blank space, baby! And I'll write your name!" Kanta ng ngalangala ko habang naglalampaso ng sahig ng apartment ko. Matagal na rin bago ako nakapaglinis ng ganito ka-bongga.


Summer na, kaya kailangan kong maglinis. Dahil hindi lang init ang nakakapag-irita sa akin, pati na rin ang maruming environment.


Bibirit na sana ako ng boys only want love if it's torture, kaso naunahan ako ng phone ko na tumunog. Hininaan ko yung soundtrip ko para sagutin yung kung sino mang peste ang tumatawag. "Hello?"


"Hi." Ang aga-aga, nambubulabog ng sistema itong baklang unggoy na ito.


"Ano?" Natutuwa ako at medyo wala na yung kabang dinadala sa akin ni Tyrone sa tuwing nakakausap ko siya.


"Where are you?"


Napairap ako. "Sa bahay. General cleaning. Nagpaalam ako kay tita na uuwi muna ako dito. Mamaya babalik ako dun para bukas, masusundo ka namin ni tita sa airport." Medyo naging mataray at suplada rin ako kay Tyrone nitong mga araw. Wala eh, kung ito lang ang natatanging paraan para ma-divert ang aking attention sa iba.


Sana nga lang ay hindi maburyong sa akin ang bakla.


"I just asked where you are. Ang dami mo namang sinabi." May kung anong paglalaro ang boses niya. Fine, sakyan natin ang paglalarong iyan.


"Sorry na. Mapapatawad mo ba ako? Busy kasi ako ngayon eh. Ano bang dahilan ng pagtawag mo, ha?" Sabi ko in a very, very, unusually, pabebe way.


"You're so busy you forgot the date today." Sabi niya. "Tell me, you still haven't changed your small calendar in your room?"


"Ah, oo." Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan ang kalendaryo. "Ano bang meron ngayon?" Anong araw ba ngayon?


Hindi sumagot si unggoy pero biglang may nag-door bell. Alam ko na agad na si Tyrone yun. Ganyan kasi yung trip niya palagi eh.


Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. Kumuha ako ng damit at nilagay ko sa tyan ko. Medyo natagalan ako sa pagmumukhang buntis ko kaya pawis-pawis ako nung binuksan ko yung pinto.


Pero parang ako yung nagulat pagkabukas ko.


"HAPPY BIRTHDAY YVONNE!" Sigaw ni tita Minerva, Mrs. Mendez, Eurisse, Jordan, Sky, and Tyrone. Sabay sabay silang bumati, at sabay-sabay rin silang tumingin sa make-believe na tyan ko.


Shit.


Yung dalawang matanda narinig kong tinawag ang Diyos, at si Tyrone muntik na naman magmura ng malutong. The rest nakanganga. Natawa ako sa reaction nilang lahat.


"Gotcha." Sabi ko. Tinanggal ko na yung mga damit sa tyan ko. "Birthday ko ba?"


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon