Dear Sir Rex,
Itago nyo nalang po ako sa pangalang Kaye, 18 years old pero hindi pa ako nagkaka boyfriend. May mga nanligaw sa akin noon pero hindi ko sila ine-entertain dahil sa pag-aaral. Ngayon po ay nag stop ako ng college dahil walang pang tuition.
Meron akong ka chat na guy, una ko syang nakilala dahil nag comment sya sa pic ko sa fb. Hindi lang sya ang guy na nag comment doon dahil naka twalya at bagong paligo ako sa pic na iyon. Nagagandahan daw sa akin yung guy naka-chat ko at kung ok lang daw ba na mag meet kami. Mathew ang pangalan nya, 25 years old, isang sales executive.
Pumayag akong makipag eyeball sa kanya, nagkita kami sa Mcdo sa Guadalupe. Mas ok pala sya sa personal, malinis syang tignan. Nagkwentuhan kami hanggang sinabi nya sa akin na mas ok daw na mag usap kami sa lugar na tahimik. Pumayag ako kaso hindi ko alam na sa motel nya pala ako dadalhin. Kinabahan ako dahil first time ko pumasok doon pero may nararamdaman akong excitement.
Nung una ay nag kwekwentuhan lang kami hanggang hinalikan nya ako. Nung una ayoko pero napilitan narin akong gawin dahil tinutulak ako ng nararamdaman ko sa kanya. Hinawakan nya ako sa kung saan saang parte ng katawan at may ginawa sya sa akin na ako'y nabigla at nasaktan.
Napakapit ako ng mahigpit sa kanya dahil sa sakit, pero tiunuloy-tuloy nya ito. Hanggang magustuhan ko na ang ginagawa nya sa akin. Nagulat po ako pagkatapos namin ay may mga mantsa ng dugo sa kama. Napangiti sya sa akin at tinanong, "virgin ka pa pala?" Sabi ko, kaya nga aray ako ng aray kanina. Nag sorry sya sakin, binuksan nya ang tv, hanggang makatulog sya.
Habang tulog sya, nag vibrate ang naka silent nyang phone sa bulsa ng pantalon. May tumatawag, "Babe" ang naka register na pangalan. Hindi ko iyon sinagot pero pagkatapos mag miss call, sinundan ito ng text na ang nakalagay "Dad, what time ka uuwi? Wait ka namin ng anak mo, naiinip na." Doon ko nalaman na meron pala syang pamilya. Nag bihis ako at iniwan syang natutulog.
Hindi ko alam, galit at parang nalugi ako sa nangyari. Simula noon, dinelete ko na ang facebook ko, nag palit na ako ng number. Paano ko sya makakalimutan? Paano malalagpasan ang nararamdaman ng katawan ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa namin noon? Pa help naman Sir Rex.
Kaye
***
Dear Kaye,
Hindi madaling kalimutan ang taong naka una sa'yo, gawin mo nalang busy ang sarili sa ibang mga bagay. Kung makakahanap ka man ng ibang lalake ay wag ka na siguro magpa dalos-dalos. Ayon sa kwento mo, nag tiwala ka kaagad sa taong hindi mo pa masyadong kilala ng personal. Na-sales talk ka nung hinayupak na yun. Tama ang ginawa mo na umiwas agad sa kanya. Mas malala pa kung inignore mo lang ang text na yun at nagpatuloy sa inyong relasyon, teka naging kayo nga ba? Kung ang katawan mo naman ay naghahanap ng sex? May paraan naman para mailabas ang init ng sariling sikap. I-googgle mo nalang Kaye.
Sir Rex
Sa mga gustong mag send ng letters, PM nyo lang sa facebook account ko: facebook.com/sirrex. Pwede nyo rin ilagay ang inyong mga reaksyon sa comment box and please FOLLOW.
For More Stories, go to http://dearsirrex.blogspot.com
BINABASA MO ANG
DEAR SIR REX: NA ISAHAN SI KAYE
Teen FictionAng mga liham sa blog na ito ay galing sa mga followers ko online at mga tagapakinig sa radyo. May mga maseselang bahagi sa bawat istorya kaya ito ay bawal sa mga 18years old pababa. Ito ay "FOR ADULTS ONLY"