Drowning

781 59 18
                                    

Nagbabadya ang masamang panahon ng gabing iyon. Malakas at malamig ang ihip ng hangin. Ang kalangitan ay di matatanawan ng mga bituin pagkat ito ay natatakpan ng mga makakapal na ulap na anumang sandali ay maaring magbagsak ng malakas na ulan. Sa isang malaking tulay na kung saan wala gaanong mga sasakyan o taong dumadaan, makikita ang isang babaeng nakatayo dito at di alintana ang nakanginginig na ginaw. Tila nililipad ng hangin ang isip nito, nakakunot ang noong punong-puno ng pag-aalala, habang ang pares ng malungkot na mga mata ay nakatanaw sa malawak at madilim na kawalan. Ang ambon ay unti-unting bumabasa sa suot nitong blusang puti. Ang dalawang mapapayat na kamay ay halos mamuti sa mahigpit na pagkaka-kapit sa hawakang bakal. Animo'y isang malaking desisyon ang kailangan niyang bitawan sa mga sandaling iyon. Ang mahinang pagpatak ng ulan ay nagsimulang bumuhos na siyang naghudyat ng emosyon sa dalaga. Ang kanina pang pinipigilang pagtangis ay bigla nalang kumawala sa kanyang bibig, kasabay ng pagyugyog ng kanyang balikat ay ang mga luhang dumadaloy sa kanyang magandang mukha. Dahan-dahan inakyat ng dalaga ang bakal na hawakan. Maingat na binalanse ang kanyang sarili hanggang sa tuluyan itong makaakyat at makatapak sa itaas.

"Patawarin mo po ako sa gagawin ko." Pagtangis nito, nakapikit ang kanyang mga mata at magkakapit ang kanyang mga kamay sa harap ng kanyang bibig. Ito na ang huling mga salitang bibigkasin ng kanyang mga labi, huling dasal at pagsusumamo na sana ito na ang katapusang ng lahat ng kanyang paghihirap. Humugot muna ito ng malalim na hininga at sa kanyang pagbuga ay hinayaan na niya ang hangin na itulak siya sa rumaragasang agos ng ilog.

.
.
.
.

Pagbagsak ko sa tubig, agad hinila ang aking katawan pailalim. Halos di ako makagalaw sa sobrang lamig. Nagsimula akong makaramdam ng pagpapanic, sinubukan kong iwagayway ang aking mga bisig at ang aking mga binti ng buong lakas ngunit para na akong isang rebultong, naninigas. Pinigilan ko ang aking hininga nang ilang sandali, at dahil agad ding nahirapan ang aking baga sa kakulangan ng hangin, kinailangan ko na magbuga ng hangin papalabas mula sa aking bibig na sinundan din ng hindi mapigilang paghinga pabalik. Masakit, napakasakit, parang sinusunog sa hapdi, simula sa aking ilong, paakyat sa aking ulo, hanggang sa baga ko. Habang patuloy akong lumulubog ay ang hindi mapigilang tubig na pumapasok sa aking bibig at ilong. Sa loob lamang ng ilang segundo ay maari na akong mawalan ng malay. Nakakuyom ang aking mga palad at nakapikit ang aking mga mata, ito na ang pinakamatagal na animnapung segundo ng aking buhay. Halo-halong mga emosyon ang nararamdaman ko, ang di mapigilang takot, kaba, sakit, lungkot at paghihirap, ngunit sa kabilang banda, alam kong pagkatapos nito ay makakamit ko na rin ang kapahingahan at katahimikan. Nararamdaman ko na ilang sandali nalang ay malalagutan na ako ng hininga, ito na ang nalalapit kong kamatayan. Sa kadiliman, hinayaan kong buuin sa aking isipan ang mga magagandang mga ala-ala. Sa huling pagkakataon nais kong ang kanyang mukha ang uukit sa aking memorya.

****

Mag aalas onse na ng gabi at abala ako sa pagmamaneho. Pabalik na ako ng Maynila, matapos ang dalawang araw na hiking ko sa Pampanga. Binabaybay ko ang San Fernando ng mag umpisang umambon. Kahit sino na sanay man o hindi sa pagmamaneho alam kung gaano kadelikado ang kalsada kapag umuulan. Pero dahil sa desperado akong makauwe kaagad ng Maynila, binilisan ko pa din ang takbo ng sasakyan ko. Mabuti nalang din wala akong nadadaanang mga pulis na nagpapatrol o mga sasakyang nakakasabay sa highway. Parang ako ang hari ng kalsada sa sobrang bilis ng andar ko, wala na akong pakialam kung umabot man sa speed limit si Eleanor- ang nirentahan kong 1971 Ford Mustang, dahil bukod sa importanteng business deal na pupuntahan ko bukas ng umaga, nakakaramdam na rin ako ng tawag ng kalikasan. Isang litrong tubig at isang Redbull ba naman ang ininom ko kanina, para lang sigurado akong di aantukin sa pagmamaneho.

Mga kinse minutos din ang lumipas bago ako nakakita ng gas station na mahihintuan. Matapos kong gumamit ng palikuran, pumasok muna ako sa convenience store.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Second Star To The RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon